C15 - Da Move like a jagger

44 2 0
                                    

>Jenadyn POV<

After a minute of silence of eating ay binasag ito ng dalawa kong pinsan na sina Clarisse at Arlene na master of ceremony. Sila kasi ang naatasan ng aking ina na magpalaro at total doon naman sila magaling na dalawa.

Unang game is yung basagan ng palayok. Oh diba parang may fiesta lang ang birthday ni nanay.

“Okay, kids all you have to do is to break the palayok. So, fall in line now and wait for your turn. Okay?” Energetic na pagkakasabi ni Clarisse

“Okay po!” sabay-sabay naman sabi nung mga bata.

“Galingan niyo ha at ang makakabreak ng palayok ay may price.” Sabi naman ni Arlene.

“yeahey!” sabay-sabay ulit na pagkakasabi ng mga bata.

Unang nag-try is yung pinakamatanda kong pamangkin na si Gherome. Dire-diretso siya at nung papaluin na niya yung palayok ay sumablay ito. Sayang nga eh. At ganun din yung nangyari sa iba kundi sasablay sa pagpalo, namamali naman ng direksyon. Isa na lang ang natitira sa pila at yun ay aking isa pang pamangkin na si Tracy.

“And last but not the least is Tracy. But before that let’s have a encouragement message from his father.” Sabi ni Arlene sabay punta sa table nila kuya Aski.

Agad naman tumayo si Kuya aski at kinuha ang mike.

“You can do it Baby Tracy!” with matching Aja hand pa yan. Suportive talaga na ama tong kuya ko na ito kahit na babaero. Hehehe

And by then piniringan na si Tracy at ini-ikot ng tatlong beses. Dahan-dahan humakbang si Tracy pero diretso naman ang kanyang paglakad papunta sa kinalalagyan ng palayok. At nung naramdaman niya siguro na siya ay malapit na sa palayok ay bumwelta na siya para hampasin ito. And SUCCESS! She break it.

 “Wow! Ang galling naman ni Tracy! And effective din ang message ng kanyang papa ah.hehehe” masayang sabi ni Clarisse

“Tracy claim your price to your lola.”  Sabi ni Arlene habang tinuturo kung nasan si nanay.

At hindi na nagdalawang isip pa ang aking pamangkin at tumakbo na papunta kay nanay.

Madami pang hinanda yung dalawa kong pinsan na palaro para sa mga bata. Kaya naman kami ay pinapanuod lang ang mga bata na masayang naglalaro.

But suddenly Arlene says something na bumasag sa aming panunuod.

“Okay kids, Gusto niyo bang makitang maglaro ang mga ate at kuya niyo?”

“Opo!”

“Upo muna kayo sa mga magulang niyo at maupo na mga kids. And sa table naman nila Jen. Magsitayo na kayo at you will play.” –Clarisse

Kaya naman tumayo na kaming lahat sa table and nag-proceed sa may mini-stage.

“Grab you partners now! Dapat with opposite sex”—Arlene

Tinignan ko si Hazel at Faye na nakakapit na sa mga partner nila. Alam niyo na kung sino ang mga gina-grab nila. Sino pa ba edi yung mga soon-to-be-boyfriend nila na si Dale at Renill.

So it leave us ni Chaze kaya naman no choice. Tch!

“Ano na naman bang kalokohan ang ipapagawa niyo sa amin?” I said with a irritated voice.

“Hindi ito kalokohan couz. And for sure mag-eenjoy ka lalo pa at ka-partner mo si Papa Chaze.” Sabi ni Arlene with matching pakilig-kilig effect pa.

Only hope (cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon