>Jenadyn POV<
Saturday – 3rd day of the deal
“Mhen bilisan mo namang maglakad, parang ka namang nakikipaglibing dyan.” Hazel said.
“Eton na po bibilisan na.” iritado kong pagkakasabi.
Sino ba naman kasing hindi maiirita sa ginawa nilang pag-gising sa akin ng napakaaga para lang mag-shopping ng dress na gagamitin ko daw sa date namin ni Chaze mamaya. Nakakaasar hindi naman kailangan paghandaan yang date na yan. SIMPLE DINNER lang naman kasi yan with the super mahangin na tao. ISH!!!
“Nag-iinarte ka pa kasi dyan mhen, if I know gusto mo din namang maging maganda sa panangin ni Chaze.” –Faye said with a teasing voice.
“WOW LANG AH! Ni isang saglit hindi sumagi sa aking pag-iisip ang magpa-ganda para sa HANGIN na yan!” i said.
“Nakakahiya naman sa tagalog mo mhen. Pwede ka ng maging si ma’am Salvador the second.” sabi ni Hazel.
Kaya naman napatawa na lang kaming tatlo sa sinabi ni Hazel. Para sa kaalaman niyo si ma’am Salvador ay instructor namin sa Filipino na super nakaka-nosebleed ang tagalog pati co-instructor niya nosebleed sa kanya pano super lalim mag-tagalog at ni minsan hindi pa namin narinig mag-english yan pure tagalog talaga kpag nag-salita.
“We’re here na… sa boutique namin.” Faye murmured.
Hindi niyo kasi natatanong, Faye’s family is an owner of a famous brand of clothes kaya lang itong loka-loka kong kaibigan, minsan lang pumunta dito pano ba naman halos kunin na niya lahat ng damit na nandito kasi hindi raw siya makapili. Tsk!
“Mhen i-fit mo nga ‘toh.” sabi ni Faye sabay abot sa akin ng black dress.
Imbes na pumunta ako sa dressing room tinitigan ko lang yung dress na binigay ni Faye sa akin.
“MHEN! sinusukat yan hindi tinitigan.” Sabi ni Hazel habang tinutulak ako papasok ng Fitting room.
Nung nai-fit ko na yung dress ay lumabas ako sa fitting room at para marinig ang comment nila kung bagay ba sa akin yung dress.
“Mmmmm… masyadong daring yan. Next…” –Faye
Pumasok ulit ako sa fitting room para mag-sukat na naman ng another dress.
Kada isang damit na isusukat ko ay walang reaction yung dalawa. Tinitigan lang nila ako tas sasabihin na NEXT… nakaka-walong dress na ako pero wala pa rin sila napipili sa akin. Ano ba naman ‘toh, parang nagpa-fashion show na ako eh.
“Sinabi ko naman sa inyo dati na hindi talaga bagay sa akin ang dress eh.” Asar kong pagkakasabi. Nakakapagod na kasi eh.
“Actually mhen, bagay naman lahat sayo ng sinukat mo… kaya lang kasi parang may kulang eh.” –Faye

BINABASA MO ANG
Only hope (cold-hearted)
RomancePrologue: For 19 years of existence I never experienced a serious relationship… All my Ex-Boyfriend Cheated on me…Mga PLAYBOY! But this one GUY that enters my life and made me felt that I should be treated in a special way… He’s the one who changed...