C12: Punishment

58 2 0
                                    

 

>Jenadyn POV<

 

Tumatama ang sinag ng araw sa aking muka kaya naman minulat ko ang aking mata at nakakita ako ng napakagwapong nilalang sa aking kama, ai mali sa kabilang kama pala. Muka siyang mabait kapag tulog sana lagi na lang siyang tulog. Hehehe

“Malusaw naman ako sa pagtitig mo.” Gumising pa kasi mukang demonyo na tuloy siya. Joke lang yung ugali lang niya.

 

“Ang feeling mo naman! Ni hindi nga kita tinitignan diyan eh.”

 

“Naku, palusot ka pa. nakita kitang nakatingin sa akin. Hahaha.”

Hindi na ako nag-salita alangan naman itanggi ko pa ang katotohanan. Tumayo na lang ako at nag-ayos na ng gamit at aalis na din naman kami mamaya after break fast.

 

“Fixing things ha. excited ka na talaga umuwi ah.”

 

“Oo naman, at ayoko ng makasama sa iisang kwarto ang katulad mo na ubod ng yabang.”

 

“Baka nakakalimutan mo we have a deal, you will date me for a month whether you like it or not.”

Oh shoot… Oo nga pala. Tch!

*after breakfast*

Yehey! sa wakas we are now going back sa siyudad. I’m so excited kasi naman wala naman magandang nangyari sa akin sa vacation na ‘toh.

Wala nga ba? Pagkatapos kong Makita ang napaka-hot na katawan ni Chaze, wala pang nangyaring maganda…  Tch! subconscious naman eh kumokontra ka pa. sasamain ka sa akin.

 

“Mhen, ang saya mo ata ah.” –Faye

 

“Of-course, we are going home. Na-miss ko kaya ung mga kuya kong gwapo.hahaha” yuck! Hehehe. Pinuri ko mga kapatid ko. My gosh, kapag narinig nila ito naku nagpaparty na mga yun, for sure. Once in a blue moon ko lang kasi sabihin ang mga ganyang bagay eh.

 

“Jen may sakit kaba? First time mo puriin mga kuya mo eh.” Binatukan ko nga.

 

“Wala akong sakit. Tsaka you know there will be always a first time to all the things.”

 

“Hahaha, Oo nga naman” makasabat naman itong hangin na ito akala mo siya kinakausap. Kumindat pa. Tch!

Bakit ba kasi sabay-sabay pa kaming umuwi lahat eh. Hindi ba pwedeng maiwan siya dun. Kahit siya lang para naman manahimik ang aking buhay kahit ngayon lang.

Only hope (cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon