C20- ROMANTICA .4

36 2 0
                                    

>Chaze POV<

 

“1,2…3” gulat kong pagkakasabi.

Gusto kong suntukin si Lanz sa ginawa niyang paghawak sa bewang ni Adyn at paghalik niya sa pisngi nito pero ayaw ko namang sirain ‘tong gabi na ito dahil lang sa mababaw kong dahilan. Kaya naman lumapit lang ako sa kanila at binigay ang phone ni Adyn.

“Pare fan service lang, walang meaning yun.” Sabi ni Lanz.

F***! S***! Fan service ba tawag mo dun, ni hindi mo nga ginagawa sa ibang fan mo yan! Gusto kong sabihin sa kanya yan pero instead na sabihin ko yan ay tumango na lang ako at hindi ko na siya sinagot pa, baka kasi kapag sumagot pa ako ay hindi ko na mapigilan ang sarili ko at masuntok ko na siya ng tuluyan.

Kinuha ko yung alak na naka-serve sa may bar at ininom ko ito ng one shot na para bang tubig lang ‘toh. Para naman kumalma ako.

“Hoy! Chaze tama na nga yan, gusto ko pang maka-uwi ng buhay noh.” pasigaw na sabi ni Jen sabay kuha nung glass ng alak na hawak ko.

“This is just my third glass; I won’t be drunk in this.” I murmur.

“Argh!!! I don’t care if you won’t be drunk in this kind of drink, all I want is to be safe, okay?!” galit na pagkakasagot ni Jen.

“Okay fine! Then let’s go.” I said and grab her hand.

*at the parking lot

“Get in the car!” pasigaw kong pagkakasabi sa kanya.

“Pwedeng wag sumigaw, sasakay naman ako eh.” Banat ni Adyn.

Wala ako sa mood na makipagbiruan kaya naman hindi ko na lang pinatulan yung sinabi niya at baka siya pa mapag-buntungan ko ng galit ko kay Lanz.

Nung nakapasok na siya sa sasakyan ay inistart ko na yung engine at minaneho ko na palabas para makauwi na kami agad.

“Hoy ikaw nga umamin, meron ka ba at napaka-moody mo?” Pagtatanong ni Jen.

 

“Anong meron?!”  pasigaw kong sagot sa kanya.

“I mean, meron ka bang mens?” –Adyn

Ano bang klaseng tanong toh! Ang gwapo ko naman atang lalake para mag mukang babae. Tama naman Di ba?

“Jen, ano ba naman yang tanong na yan! I’m a boy! kaya pano ako magkakaroon! Isip naman oh!” I answer angrily.

“Okay fine! Then explain kung bakit ganyan ka? Bigla na lang magagalit?” – Adyn

Only hope (cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon