C23 - Lucky?!

32 1 0
                                    

Tuesday – 6th day of the deal

>Jenadyn POV<

 

Sometimes in our life may mga simpleng pangyayari na hindi naman natin ineexpect na makakapagpabago ng ating buhay. Simple encounters could make our world turn upside down. Sinong tao ang makakapag-isip na ang isang ordinaryong bagay ay pwedeng mag-change ng takbo ng ating buhay forever. How I wish there is a life manual that I can rely on para naman i can prepare myself before I will encounter something unexpected in my life.

WoW! Akalain niyo yun nakapag-introduction ako ng ganito kahaba… hehehe. But anyways let’s go back to reality. Since time na para sa aming next class sa english for special purposes in-short ESP that’s why maaga kaming pumasok nila Faye at Hazel. Kasi naman this subject is not boring at enjoyable pa dahil sa roleplays na gagawin namin. Nagtataka siguro kayo kung bakit alam ko ang mga yan eh kakasimula pa lang ng pasukan kasi naman madami akong source na kaibigan ko na nakatapos na nitong subject na ito. Kaya don’t be surprise.

Pagpasok pa lang ni Ma’am Velasco ay tumayo na kaming lahat at sabay-sabay siyang ginireet, oh di ba parang high school lang. whahahaha.

“Okay, class since first meeting pa lang naman natin kaya self-introduction will be our first activity. Just say your name, province, age and something interesting about you.” Ma’am Velasco.

As always naman, walang kasawaang Self-introduction na naman. Hmp!

“Okay let’s start with yo---“  before pa matapos ni ma’am ang sasabihin niya ay may nagknock sa door at sabay pasok na din sa classroom.

Guess who?? I know pati kayo mabibigla kapag nalaman niyo kung sino ang nang-istorbo sa amin, ako nga I can’t imagine na nandito yan. Haizt.

“Oh, since you are late, you will be the first one who will do the self-introduction.” Ma’am Velasco.

“Good morning, I know some of you may know me but for the sake of formality I will introduce myself; I’m Chaze Buenevista from Domino Hills, 20 years old and I am just a cross enrollee here in Jupiter University. I am a varsity player of basketball in Castell University. that’s all thank you for listening to me.” –Chaze

Oh! Di ba? Parang nabangungot lang tayong lahat dahil sa ating narinig na pagkahaba-habang Introduction ng isang napaka- HANGIN na tao dito sa mundo. MY GOSH!

“Ang Gwapo talaga ni Chaze.”  Sabi nung babae sa harap ko.

“Yeah right! Ang swerte natin. Lagi na nga akong papasok dito sa subject na ito.” Girl 2

Anong swerte?? Malas kaya at naging kaklase natin yang Hangin na yan. At gawin bang motivation ang Hangin na yan, walang magandang maidudulot sa buhay niyo ang lalake na yan.

“Oh That’s why your face are not that familiar to me, okay Mr. Buenevista you may sit beside her. Next” Ma’am Velasco

Only hope (cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon