Tuesday – 13th day of the deal
>Jenadyn POV<
Minsan, kailangan ng konting tampuhan o away sa isang relasyon. Magtiwala kayo sa akin kailangan talaga niyan dahil matapos ang awayan at tampuhan… sweet na ulit kayo. Kaya minsan Masaya talaga kapag may atraso sayo ang mga mababait mong kaibigan. You know what I mean, si Faye at Hazel… because of what they have done to me kahapon (refer to C26.1) inilibre nila ako ng Breakfast… lunch… at siyempre may mirienda pang kasama!!! Whahaha… And now we are here sa isang bleachers ng field, I am waiting for them kasi naman inilibre nila ako ng McDonalds at hinihintay ko ang pagbabalik ng aking mga butihing kaibigan. Ang tagal naman nila, hindi ba nila alam na nagugutom na ang mga alaga ko sa aking stomach, chos lang. Nagtataka siguro kayo kung bakit nakatambay lang kami, eh may pasok naman, For your information po kasi ang mga instructor namin ay busy sa prepation for the competition of international hospitality and tourism skills Olympics. Now you na ah. Pasalamat nga kayo at iniiform ko kayo.
At dahil nakakaboring ang paghihintay sakanila kaya pinanuod ko muna yung isang group ng mga second year students na nakaupo din sa bleachers na hindi kalayuan sa aking kinauupuan. Infairness, mukang interesting yung pinag-uusapan nila about dun sa break-up nung isa nilang kaibigan kaya naman nakakatempt na umaligid sa kanila para marinig ang buong kwento. Hahaha. So naging chismosa pa tuloy ako? Eh kasi naman parang ang sarap gawing kwento yung eksena ni girl, iyak ng iyak… pang Oscar award ang peg ni ate at for sure kapag sinulat ko yung kwento niya magiging best selling novel yun..hahaha… tapos yung mga friend niya pinapatahan siya at taimtim na pinakikinggan ang hagulgol at mga kwento niya.
Gosh! Ayan na ba ang sinasabi ko… dapat kilatisin mabuti muna ang magiging partner mo before entering to a relationship at siyempre wag masyado pakatanga sa Love. Yung tipong nasa harapan mo na yung evidence tas hindi mo pa rin pinapansin, dapat gamitin ang puso’t isipan para balance; hindi yung puro puso ang pinapairal dapat pati utak pinapagana. Hay… PURO NA LANG LOVE. Bakit pa kasi kailangang pumasok sa isang relasyon na alam din naman natin sa huli masasaktan lang tayo?? Gaya nitong girl na toh!! Alam naman niyang diyan lang din mauuwi ang lahat tapos iiyak-iyak sa barkada niya.
Sorry kung may natataman man ako. Bitter much kasi ang peg ko ngayon.
“Oh Mhen.” –Hazel said sabay abot nung Burger, Fries at cokefloat sa akin
Alam niyo yung parang batang inabutan ng pasalubong? Haha, ako yun.
“Thanks mhen, kaya mahal na mahal ko kayo.” With ngiting abot langit.
“Gutom lang yan mhen,kumain ka na lang diyan.” –Faye
“Yea! Right!”
Sa baba ng bleachers umupo sila Faye at Hazel. Sa taas naman sila Renill at Dale; wag niyo akong tanungin kung bakit sila nandito sa university namin kasi maski ako hindi ko din alam. Soorreee… and I am here in the center solong solo ang upuan. Like a queen. Hahaha.. Bawal akong istorbuhin dahil kumakain ako… but then, hindi ko na nga napansin na kasama pala namin si Chaze na agad umupo sa kaliwa ko. Nagmumuka na ba akong libre?? Tsk! Sino ba naman kasi sa panahon ngayon ang tatanggi pa sa grasya kagaya nito?? I told you kanina na hindi masamang magtampuhan sa barkada lalo na’t may libre na mirienda after that tampuhan factor.

BINABASA MO ANG
Only hope (cold-hearted)
RomansaPrologue: For 19 years of existence I never experienced a serious relationship… All my Ex-Boyfriend Cheated on me…Mga PLAYBOY! But this one GUY that enters my life and made me felt that I should be treated in a special way… He’s the one who changed...