C32 - Model

21 1 0
                                    

Monday

>Jenadyn POV<

Ang ganda ng umaga ko. Ang sarap ng tulog ko. You know kasi last night, I dreamed about L.Joe and to think na sa panaginip ko he is my boyfriend, Ang saya. Hahaha… Ang gaan ng pakiramdam ko habang tinatahak ko ang daan patungong school. Napaaga nga ako sa school ngayon, may gana kasi akong mag-aral ngayon at total medyo matagal-tagal na din na hindi ako nagla-library dahil lagi akong iniistorbo ng HANGIN na yan. Hmp! Kaya lang may humarang na isang van sa akin. May bumabang lalake at hinawakan ako sa braso.

“Bakit? ANo kailangan niyo sa akin?!” Tinakpan nila ng panyo yung bibig ko

I feel nervous. Ano ba kailangan nila sa akin? Sinakay nila ako sa van. Oh my Gosh!!! mga kidnappers ba ‘toh?! Wag niyo po akong kidnappin, mahirap lang po kami.

Mama, Papa at mga kuya ko.. Help Me!!!

Faye, Hazel oh please help me!!!

Nandito ako sa loob ng van kasama ang mga lalaking naka amerikana na kala mo lalabas sa commercial ng tanduay. With matching shades pa… hello! Where’s the sun mga kuya?!

Inalis nga nila yung takip sa bibig ko pero tinalian naman nila ako at nilagyan ng seatbelt kaya I cannot move. But they’re mistake is to remove the cover in my mouth. Let’s see kung hindi sila mairita sa akin.

“Hoy mga gorilla, unggoy, , kalahi ni Tarzan, at mga taong tabon pakawalan niyo na ako!!! Hindi ako anak mayaman!!! Poor ako!!! Naiintindihan niyo ba yun!!! Poor!!! As in P-O-O-R!!! wala kayong mahihita sa akin! Walang pang-ransom ang aking mga magulang! Papatayin niyo lang din ako. Sige kayo diretso kayo sa hell yang mga kaluluwa niyo kapag nangyari yun!!! Kung naiinitan na kayo dito sa Pinas, mas mainit pa dun!!! Kaya pakawalan niyo na lang ako!!!”

 

Hindi pa rin ako kinikibo ng mga kidnappers kong model ng tanduay!!! Anak ng tinapa naman oh!!! Pansinin niyo ako!!!

“Hoy! Nakikinig ba kayo sakin?!! Please naman pakawalan niyo na ako?! Hindi niyo ba alam na ako ang pag-asa ng bayan kaya please pakawalan niyo na ako!!!”

 

Makapal na kung makapal ang muka ko!! Bakit ba?! Walang pakialamanan ng strategy! Kayo kaya malagay sa sitwasyon ko?! Hindi pa ba kayo magiging desperada?! Pero dedma pa rin ang mga gorilla! Talagang snob ang beauty ko dito ha?!

Pero infairness gwapo ang mga kidnappers ko parang yung butler lang nila Chaze… Waaahhhhh!!! What I am thinking?! Nakidnap na nga akong lahat lahat naisip ko pang magboyhunting!!!

“Where here.”

 

Ha? Where here?

Tumingin ako sa labas ng ng bintana. Nandito kami sa tapat ng isang malaking bahay or I should say hacienda. Sosyalin ang hide-out ng mga kidnappers kong model ng tanduay! Baka naman balak din nila kong gawing model ng tanduay? Hala!! Baka model sa calendar yun ah?! Wholesome ata ako!! pwede bang mag amerikana narin ako at makipag-inuman kasama sila Richard Gutierez?

Only hope (cold-hearted)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon