Three

3.6K 106 1
                                    

Malugod silang tinanggap ng mga taga Sitio. Mababait ang mga tao roon at accomodating.

Nasabi na rin ni Adamson sa kanya ang mga activities at nailibot na din siya nito sa lugar. Dinala daw ito doon ng ama niya bago siya isalang sa immersion para maging pamilyar ito sa lugar at hindi mahirapan sa kanya.

Kailangan lang niyang subukan at gawin ang mga gawain ng mga taga roon. Makiisa sa kanila. Ihinatid din siya ng binata sa tutuluyan niya. Ipinagpapasalamat na lang niya na hindi sila naawkward matapos ang masarap na halik na iyon.

Nagbibihis siya ng may kumatok sa kwarto kaya agad niyang tinapos ang ginagawa at binuksan ant pinto. Napasinghap siya ng makita ang gwapong binata. Nakangiti ito at nakapamulsa ang mga kamay sa suot na walking shorts.

"Kakain na tayo ng dinner"

"Si.. sige" she stammer. Agad na kinastigo niya ang sarili. Paano ba naman ay nabubulol siya. Hindi niya rin maiwasan ang hindi mataranta. Paanong hindi ay napakagwapo ng kasama niya.

Isinara nya ang pinto at sumama dito. Nagkakasayahan na ang mga residente ng maliit na komunidad ng dumating sila.

"Ma'am Nash, dito po kayo" agad na inacommodate siya ng isang residente doon. Binigyan nya ito ng matamis na ngiti bago naupo sa mahabang upuan sa tapat ng mesa kung saan naka set up ang masaganang boodle fight. Tumabi sa kanya si Adamson. Nagdasal sila bago nagsimulang kumain.

Hindi naman siya tanga kaya hindi na siya naghanap ng kubyertos pero hindi rin siya makakain ng maayos dahil sa hindi siya marunong kumain ng naka kamay.

"Nashielle.." agad niyang nilingon si Adamson.

Sa totoo lang ay ayaw niyang tinatawag siyang Nashielle, sa full name niya o sa second name. Para kasing babaeng babae. Mas gusto niya ang Nash dahil sa pangalang iyon, mukang matapang. Hindi gaya nga Nashielle at carmela. Babaeng babae.

"Hindi ka marunong mag kamay?" Tanong nito. Umiling lang siya sa binata.

Kumuha ito ng pagkain at sinubuan siya. Hindi na siya nakaangal doon at tinanggap na lang ang pagkain na isinubo nito. Masarap iyon. Namula din ang mga pisngi niya sa ginawa ng binata. Hindi kasi siya sanay na pinagsisilbihan.

"Ganito kasi.." naglagay ito ng pagkain sa kamay "use your thumb para itulak yung pagkain sa bibig mo" then he ate the food. Pinanuod niya ang paggalaw ng labi nito, biglang nanuyo ang lalamunan niya habang pinagmamasdan ang malambot na labi nito. Muli ay gusto niyang matikman iyon. Tila nainggit pa siya sa pagkain na sumasayad sa labi ng binata. Nakagat niya pa ang ibabang labi sa naisip.

"Nahielle, may problema ba?" Tanong nito. Tila nagpipigil ng tawa ngunit hindi niya alam kung para saan. Marahil nakita nito ang pagtitig niya sa labi nito.

"Bakit ba ang bait mo sakin?" Pag iiba niya ng tanong.

"Because i like you" kaswal na sagot nito bago nagpatuloy sa pagkain samantalang natigilan naman siya. He likes her.

"Pakiulit nga" diretsang sabi niya. Natawa ito at binalingan siya. Tumingin tingin pa ito sa paligid na tila tinitingnan kung may nakakakita o nakakarinig sa kanila. Tapos ay binigyan sya nito ng halik sa labi "i like you"

~

"You seemed happy" komento ni Storm ng tawagan niya.

"Alam ko na na wala akong makukuha laban sa mayor. My girlfriend's family sign an agreement. Na aaregluhin nila at walang demandahan kapalit ng pagbibigay ng tulong pinansiyal kaya wala ng laban" nagtangis ang mga bagang niya sa naalala "but i have the ace, Storm. Hawak ko sa leeg ang anak niya at sigurado akong masasaktan siya"

"Seems like you got the girl" he heard him chuckle.

"Just like any other girl Storm. The brat is easy, i assure you. Bago matapos ang immersion na 'to naikama ko na 'yun" siya naman ang tumawa.

Hindi niya makakalimutan kung paano sumakay si Nashielle sa mga pambobola niya. Sa matatamis niyang salita. Kung paano nito tugunin ang mga halik niya. She fall for him that easy.

Ang akala niya ay maiinis pa ito sa hindi niya pagtulong sa pagbubuhat ng maleta niya. Pero sinadya niya iyon. Seems like everything is falling into place. Mapapahirapan nya si Nashielle, mahuhulog pa ito sa patibong niya.

He admit, he was worried when he see her crying and horrified pero agad na pinalis nya ang pag aalalang iyon at ginamit ang sitwasyon sa paghihiganti nya. Pinasakay niya ito na may gusto siya dito. The girl is attracted to him and he just need to work on her just a little. Paiibigin niya ito sa loob ng isang linggo. At pag natapos ang immersion na iyon ay tapos na din ang maliligayang araw nito.

"Too confident Aragon. Baka sumadsad ka" tumawa ito. Natigilan siya sa sinabi nito.

"Storm.. " napalunok siya "sigurado ka bang hindi nila malalaman kung sino ako? I mean, inayos mo ba lahat. You change my name dude, baka-"

"Come on, you know how i work" putol nito sa sasabihin niya "and for the record, i did'nt lie. Nabali lang sayo ang prinsipyo ko"

Napatawa siya "you're an agent, you supposed to lie"

"Gago ka talaga. But if that girl went to me and ask about you hindi na kita pagtatakpan" ganti nito na alam naman niyang biro.

Pinutol na niya ang tawag. He will think of plans on how to get her. And her pants off her.

Revenge and SeductionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon