Limang buwan na matapos silang ikasal ni Adamson sa opisina ng daddy nya. Iyon ang kondisyon ni Adamson kung gusto niyang makasal sila.
Alam nyang desperado na siya ara manatili si Adamson sa tabi niya. Pero mahal niya ito. Even he never talks to her without scolding, touch her or look at her. Nasasaktan sya sa trato nito pero mas masakit kapag iniwan sya ng binata.
"Raiko, san ka pupunta?" Inilapag niya ang anak na si Hero na nakatulog na sa kandungan niya. Inilapag niya ito si kama at sinundan ang asawa.
"Sa opisina saan pa ba?" Naiinis na tanong nito sa kanya. Hindi na siya nasanay. Lagi itong nakaangil sa kanya. She never seen him smilling since they got married. Lagi itong galit sa kan kahit wala naman siyang ginagawa. But she will never give up on him. That's how much she love him.
"Maaga ka bang uuwi? Magluluto ako"
"Wag na" asik nito sa kanya. Hindi na nya napigilan ang mapaluha.
"Raiko, mag-usap naman tayo"
"Tigilan mo nga ako sa mga ganyang paarte arte mo" angil nito sa muka niya "wala kang karapatang umarte ng ganyan dahil ikaw ang nagdala sa 'tin sa sitwasyong 'to. Kung hindi ka pumayag na pakasalan ako-"
"Are you guys fighting early this morning seriously?" Pareho silang napalingon sa lalaking nagsalita.
It's her in laws. Mga magulang ni Raiko. Maayos ang naging pagtanggap sa kanya ng mga magulang nito. Sa maikling panahon ay itinuring siyang parang tunay na anak ng mga ito.
"What are you doing here?" Seryosong tanong ni Raiko sa mga ito. Tumalikod siya para punasan ang mga luha..
"Where's Hero?" Her mother in law came. Nauna kasing pumasok ang asawa nito. Tila naeexite na naman ito na makalaro si Hero.
"Na.. natutulog po 'my" ngumiti siya at hinalikan ito sa pisngi.
"Raiko, why dont you absent today and join us?" Masiglang anyaya ng nanay nito.
"I have work to do 'my"
"I'll call Adam, Raiko. Stay here" pigil ng ama nito.
"Sa dami ng tambak na trabaho hindi kakayanin ni Adam-"
"Natatambakan ka ng trabaho dahil hindi ka pumapasok!" Tila nauubusan na ng pasensyang saad ng ama nito. Tila natigilan siya. Kung ganoon ay saan nagpupunta ito? Araw araw itong umaalis ng bahay para pumasok sa trabaho.
"Raiko?" Nagtatanong ang ina nito pero tanging tingin lang ang isinagot ng asawa nya.
"Saan ka ba nagpupunta? Pamilyado ka na pero kung umasta ka parang binata ka pa din" nagtaas na ng boses ang ama nito.
"Look who's talking" umismid ito. Naramdaman nya ang bikig sa lalamunan. Tila maninikip ang dibdib nya sa pag-aaway ng mag ama.
"Raiko anak" maagap na saway ng ina nito "saan ka ba kasi nagpupunta?"
"Sa babae ko" umismid ito. Tuluyan ng bumagsak ang luha niya dahil doon. Ayaw nyang magmukang kawawa sa mga magulang ng binata pero iyon na din ang labas nya.
"Raiko Adamson!" Sigaw ng ama nito na tila nauubusan ng pasensya. Hindi na nagsalita si Raiko at umalis na lang sa lugar na iyon.
-
Raiko did'nt really mean what he says. Hindi siya nambababae. Pero hindi siya pumapasok sa opisina dahil palagi siyang nasa pamilya ni Theressa.
He badly missed his girl.
Her family knew he got married and they are happy for him. For some strange reason ay mas nakonsensya sya. Pamiya nito ay napatawad na sila sya pa ba?
May kurot din sa puso niya kapag nakikita niya itong umiiyak. Pero sa tuwing maaalala niya ang kasalanan ng tatay nito sa kanya, hindi niya maiwasang magalit.
Siguro minahal niya si Nashielle kung sa ibang pagkakataon sila nagkakilala. Kung hindi si Mayor Clemente ang ama nito. Kung hindi siya naging Clemente.
Pinagod niya ang sarili sa trabaho. Sinisigurado nyang makakatulog na siya pagdating sa bahay. Minsan kasi ay inaabutan niya itong naghihinatay o kaya naman ay umiiyak. Ayaw nyang madatnan ang eksenang iyon
One am when he arrived home. Niluwagan niya ang kurbata bago pumasok sa loob ng bahay at hindi niya gusto ang nadatnan.
Si Nashielle, nakatulig na sa upuan sa kahuhintay sa kanya. Ayaw man niyang lapitan ito ay hindi niya nalabanan ang pwersang humihila sa kanya papunta dito.
He bent down and looked at her lovely face. Napakaganda niyon pero hindi mababakas ang kapanatagan. Parang nag aalalabito bago tuluyang makatulog. It was his fault by the way, he never answered her calls to tell her he will go home this late.
Hinaplos niya ang pisngi nito at pilit na iniisip kung paano siya nito natatagalan sa kabila ng lahat ng ipinapakita niya. He admire her more for being a strong woman. Naaawa na din siya sa asawa pero waa naman siyang magawa. Nilalamon at nilalamon siya ng galit nya. Maging ng pagmamahal nya para kay Theressa.
Kumislot ito at nagising kaya agad na lumayo siya dito.
"Raiko, anjan ka na pala, kumain ka na ba Raiko? May pagkain pa, ipaghahanda kita" agad na tumayo itoat akmang pupunta sa kusina ng pigilan nya ito.
"Hindi ka man lang ba magagalit sa 'kin?" Naiinis na tanong niya.
Lumambot ang ekspresyon nito at umiling. Mas nadagdagan ang inis nya dito. Tanga ba talaga ito? Martyr? Ipinahiya niya ito sa mga magulang nya. Pinaghintay pero hindi pa rin ito magagalit? The girl in front of him is not the spoiled Nashielle he knew. Nakahaba ng pasensya nito sa kanya. Maging sa anak nilang si Hero. Hindi ito nagagalit kahit pagod na pagod na ito. Kapag ayaw tumahan ni Hero sa gabi ay ito na lang din ang umiiyak. Halatang napapagod na ito pero hindi nito sinisigawan ang anak nila.
Alam niya lahat ng iyon dahik gising naman ang diwa niya kahit nakapikit siya sa gabi.
"Ipinahiya kita sa parents oo nashielle. Nambababae ako. Hindi ko sinasagot 'yung tawag mo. Hindi ka man lang ba magagalit sa 'kin? Are you that stupid?" Naiinis na tanong niya. Bumagsak ang luha nito bago umiling. He frustratedly rub his palm on his face.
"Bakit?" Wala sa sariling tanong niya.
"Asawa kita e, mahal kita. Hindi ako mapapagod kahit ang sakit na" ngumiti ito ng tipid at tinapik ang balikat niya "ipaghahanda lang kita ng pagkain"
Fvck what have he done?
BINABASA MO ANG
Revenge and Seductions
No FicciónNashielle Carmela Clemente was a brat. Nasangkot siya sa isang drug scandal dahilan para makulong siya. Her dad knew it which happened to be the mayor so they came up with an agreement. Ipasa niya lang ang immersion at pababayaan na siya ng ama. 'Ti...