Tuwang tuwa si Nashielle ng umagang iyon dahil dumating si manang Iska. Ito ang nag alaga sa kanya mula pa ng maliit siya. Umalis din ito sa kanila ng mag asawa at ngayon nga ay dumating para daw muling magtrabaho sa kanila. Tuwang tuwa siya ng ipadala ito sa kanya ng ama.
"Napakagwapong bata naman ng anak ko Carmella" komento nito ng pinapalitan nila ng lampin si Hero. Hindi nya nilalagyan ng diaper ang anak sa takot na magka rushes ito. Maselan pa kasi ang balat ni Hero kaya lampin ang ginagamit niya.
Noong una ay takot na takot siyang hawakan si Hero dahil wala siyang alam sa pag aalaga ng bata. Good thing naroon ang ina ni Raiko para i-guide siya.
Araw araw itong nasa bahay nila hanggang sa matuto siya. Ngayon nga ay nasa bakasyon ito kasama ang asawa kaya medjo namimiss nya.
"Nasaan ba ang asawa mo?" Tanong nito. Natigilan siya doon.
"Nasa.. nasa opisina po" hindi siguradong sagot nya. Hindi niya alam kung nasa opisina nga ito o nambababae na naman. Iniiip nya pa lang ay sumasakit na ang puso nya.
"Gwapo siguro ano. Sa hula ko ay kamuka ni Hero. Walang nakuha sa 'yo ang anak mo"
"Opo"
"Napakasipag siguro noon. Dumating ako dito kagabi pero wala pa siya. Maaga akong nagising kanina at nakapasok na siya" ngumiti lang siya sa papuri nito.
Matapos patulugin si Hero ay nagtungo sila sa kusina para magluto ng tanghalian. Sinigang na hipon ang niluto nila dahil namiss nila iyon.
Matapos maluto ay nagtataka niyang binalingan si manang. Naglalagay ito ng ulam sa tupperwear. May pupuntahan kaya ito?
"Anak, dalhan mo ang asawa mo at sabay na kayong mananghalian" ngumiti ito at iniayos sa bag ang ulam. Napangiti siya. Kung hindi makakapunta si Raiko sa kanya ay siya na lang ang pupunta dito.
Agad na nagbihis siya at dinala ang pagkain. Siya na ang nagmaneho ng sasakyan.
Nakangiti niyang binati ang mga naroroon. Naipakilala na siya ng in laws nya bilang mrs. Aragon kaya naman masarap ang pagbati ng mga tao sa kanya. Napaka bait ng mga tao doon.
"Hi" bati niya sa sekretarya ng asawa
"Ma'am" masiglang bati nito "si sir Raiko po nasa office tuloy na lang po kayo"
Masaya nyang tinungo ang opisina ng asawa. Hindi na sya nag abalang kumatok at basta na lang binuksan ang pinto.
Pero laking gulat niya ng isang eksenang hindi pambata ang maabutan doon. Raiko was kissing a girl and started to peel the clothes of that woman.
Nanginig siya sa emosyong nadama. Galit, inis, sakit sa puso. Bumagsak ang luha nya kasabay ng pagbagsak ng mundo niya. She's teared into pieces.
Pero sa dami ng pinagdaanan niya ngauon pa ba siya susuko? Mahal nya si Raiko at siya ang babaeng pinakasalan nito. Mag asawa sila kaya nasa kanya ang lahat ng karapatan para ipagdamot ito sa iba.
"Raiko!" Sigaw niya bago ito nilapitan at walang anu anong inilayo ito sa babae na tila nagulat at hindi nakahuma.
"Who are you?"
"Im Nashielle Carmella Clemente Aragon, Raiko's wife" she said with confident. Kahit naman gustong gusto na nyang sabunutan ang babaeng iyon ay hindi sya gagawa ng eskandalo.
"Raiko?" The girl stammered.
"Ex-wife" umismid si Raiko. "Annulment papers are on process Miss Umali. Dont worry" hinalikan pa nito ang babae sa harap niya.
Pinigilan nyang bumagsak ang luha. She was saving her pride because that's all she got.
"So i guess i'll see you on my place tonight?" Pinaglaruan pa ng babae ang kurbata ni Raiko habang nakakagat labi.
BINABASA MO ANG
Revenge and Seductions
No FicciónNashielle Carmela Clemente was a brat. Nasangkot siya sa isang drug scandal dahilan para makulong siya. Her dad knew it which happened to be the mayor so they came up with an agreement. Ipasa niya lang ang immersion at pababayaan na siya ng ama. 'Ti...