Hindi makagalaw si Nashielle sa kinatatayuan ng makita si Raiko sa loob ng opisina ng daddy niya. Ipinatawag siya ng ama doon at saglit na matagalan dahil inayos niya pa ang sarili.
"She's here" ngumiti ang ama niyaat inanyayahan siyang maupo sa upuan na katapatan ng kay Raiko. He's still the same Raiko she met before. Georgeous. 'Yun nga lang ay nag mature ang itsura nito dahil sa balbas at bigote.
"What is this all about mayor?"
"It's about you're child mr. Aragon" deretsahang sagot ng ama niya. Pakiramdam nya ay tumigil ang ikot ng mundo niya sa narinig. Limang buwan nya ng itinatago ang pagbubuntis. Paano nalaman nito iyon?
Hanggat maaari ay hindi siya nagpapakita sa ama. Bumili rin siya ng malalaking shirt para hindi halata iyon lalo pa at iniipit niya iyon ng gerdel.
Gaya niya ay bakas din ang gulat sa muka ng binata. Nagtatanong ang mata nito ng tumingin sa kanya. Wala siyang nagawa kundi ang tumungo dahil nagsimula ng magtubig ang mga mata niya.
"I dont know what pushes you to lie to us about your name. Whatever the reason is, i dont care" seryosong saan ng ama niya dito "ang gusto ko-"
"Paano mo nalaman?" Tanong niya sa ama.
"Simply because im your dad" ngumiti ito pero mababakas niya ang dissappointment sa muka nito "and about you mr. Aragon, i went to the Sitio and there i knew na naging kayo ng anak ko. You got her pregnant at kailangan mong panagutan-"
"Ayos ka lang?" Umismid ito dahilan para matigilan ang ama nya.
"Raiko.." saway niya sa binata pero hindi ito natinag.
"Hindi pa ba nagsusumbong sa 'yo ang anak mo?" Ngumisi ito. He looked at her father like he was the biggest fool "i used your daughter para gantihan ka"
"Ano?" Nanginginig ang ama nya sa narinig kay Raiko.
"Theressa Valera. March 8, 2015. You killed my girlfriend you asshole!" Sigaw ni Raiko. Natigikan ang ama niya at tila hindi makapaniwala.
"Tama ka ng rinig mayor" umismid ito. Bumagsak ang luha nito na agad nitong pinunasan "i used your daughter to get even. I broke her heart because i know it would hurt you a lot!" Dire diretsong umalis na ito.
Sinundan niya ito at niyakap mula sa likod ng abutan nya.
She never thought she was able to cry infront of someone, telling them to stay.
"Raiko please" she said in between sobs.
Ang sakt sakit malaman na kasinungalingan lang ang lahat. That he just use her. But it hurts her the most knowing that he will leave her.
Tinanggal nito ang kamay niya at humarap sa kanya "ang akala ko uto uto ka lang. Tanga ka rin pala Nashielle" itinulak siya nito. Mahina lang iyon pero ang lakas ng impact sa kanya.
"Hearts never lie. At kahit ilang beses mong sabihin sa 'kin na hindi mo ko mahal, hindi ako maniniwala kasi 'yun 'yung nakikita ko sa mga mata mo" she cupped his face and looked at his eyes.
She can see thousands of emotions in his eyes. Anger, pain, grief, sadness, love.
"Hindi kita mahal" tinanggal nito ang kamay niya "hindi kailanman. Sapat na siguro 'yan para tumigil ka na"
~
"Nashielle.." nilingon nya ang lalaking pumasok ng kwarto niya.
It's her dad.
Tumabi ito sa kanya at pinahid ang luha nya.
"Im sorry princess" a tear from his eyes escaped. Mas naiyak siya. She dissappoint her dad again.
"Im sorry" she said sobbing. She hugged her dad tightly. "I guess things would be different if mom was here. Sana may gumabay sa 'kin sa mga panahon na kailangan ko"
"Believe me, i tried to make her stay" mukang nagsisisi ang ama niya "panahon na din siguro para malaman mo"
"About mom?"
Tumango ito "bata pa kami pareho ng magkakilala kami. Umalis siya ng probinsya at nagmodelo sa maynila. Then she came back few years later" her dad said as if telling her a fairy tale "nagmahalan kami. Nagpakasal at mabigyan ng napakagandang prinsesa" napangiti siya. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok na tumatabing sa muka niya. "But all the fairy tales has an ending. Ours, had. Naging mapaghanap ang mommy mo. Hindi siya nakontento sa kaya kong ibigay. Hanggang sa iniwan na niya tayo" bumagsak ang luha nito she understand because she know her mom is her dad's true love.
"Binalikan ko siya anak, kaya lang hindi siya sumama. Babalik na lang daw siya sa pagmomodelo. Hindi ko sinabi sayo dahil alam kong masasaktan ka kapag itinanggi ka ng mommy mo"
"Im sorry for putting you all the blame" muling niyakap niya ang ama.
"Im sorry because i was'nt there when you need me the most" hinalikan nito ang buhok nya "natakot kasi ako e, na baka kagaya ka rin ng nanay mo, na baka iwanan mo din ako kapag nagkulang ako sa 'yo. Kaya nga ginawa ko lahat para makuha ang loob ng mga tao, maging mayor at yumaman kasabay ng pagpapaunlad ko sa bayan na 'to. Para maibigay sa 'yo lahat ng kailangan mo"
"Dad, hindi kita iiwan i promise"
"Thankyou.. but there's something you should know.. about Theressa....."
-
"Nakabuntis ka?" Isang suntok na naman ang dumapo sa muka ni Raiko mula sa ama. Kanina ay nabigyan na siya ng Adam at pumangalawa ang ama niya.
"Dont lecture me like im a kid" ngumisi siya habang sapu sapo ang panga "im 28 for fvck's sake dad"
"You're 28 yet you're acting like 15. Be a man Raiko Adamson. Panagutan mo ang ginawa mo"
"Raiko please. Panagutan mo ang ginawa mo" si Adam ang malumanay na nagsalita.
"Look who's talking" umismid siya. Alam nya ang ginawa nitong kagaguhan noon at hindi siya nagsalita.
"Raiko, dont do this to the poor woman. She's just 19. Hindi niya kakayanin ang mag isa. Maatim mo bang pabayaan ang mag ina mo?" His mom talks this time. Naiiyak na ito dahil sa pagkakagulo nila.
"Galit ka sa 'kin diba?" Sigaw ng ama niya "you said i was never a dad to you. You're blaming me because you're was'nt there when Theressa needed you. Gusto mo bang ganoon din ang maramdaman ng magiging anak mo sa-"
"Shut up!" He screamed "i will marry that woman" natigilan ang mga magulang "just to prove you i will be a better dad"
BINABASA MO ANG
Revenge and Seductions
Non-FictionNashielle Carmela Clemente was a brat. Nasangkot siya sa isang drug scandal dahilan para makulong siya. Her dad knew it which happened to be the mayor so they came up with an agreement. Ipasa niya lang ang immersion at pababayaan na siya ng ama. 'Ti...