Two

4.5K 113 4
                                    

"Saan ka na naman pupunta?" Kunot noong tanong ng kapatid niyang si Adam. Nakababata ito sa kanya ngunit di gaya niya ay mas succesful na ito sa buhay. Ito ang namamahala ng kompanya nila at paborito ng kanyang ama.

His father always compare them at siya ang dehado. Kaya nga hindi siya nagtrabaho sa kompanya ng ama. Gusto niyang makalayo sa anino ni Adam. He dont want to be second best. Pero tsaka na niya pagtutuunan ang paghahanap ng trabaho at pag aayos sa buhay niya kapag nabigyan na niya ng hustisya ang pagkamatay ng girlfriend niya. Si Teressa.

Teressa is the only person who made him feel complete. 'Yung tipong walang kulang. Na kahit ganito lang siya karapat dapat siyang mahalin. Kaya nga gumuho ang mundo niya ng ma hit and run ito.

Kasalukuyan siyang nasa ibang bansa noon dahil isinama siya ng ama. Itinetrain siya nito upang humawak ng negosyo at kaliwat kanang mga conference ang pinupuntahan nila. His dad once caught him talking to his girlfriend at sa sobrang galit nito dahil hindi daw siya naka focus sa trabaho ay sinamsam nito ang telepono niya.

He stayed a week there without even knowing that Teressa got involved in an accident. That took her life. But since her family did not afford a lawyer, at hindi rin siya macontact ng mga ito, nakipagkasundo ang pamilya sa lasing na mayor na nagmamaneho ng sasakyan. He payed them. Iniurong ng pamilya ang demanda. Huli na ng malaman niya.

Kaya ngayon, igaganti niya ang babaeng mahal. Mali ng binangga ang mga Clemente.

Alam niyang pumirma ng kasulatan ang mga magulang ni Teressa na nagsasabing iaabswelto nila ang mayor kapalit ng tulong pinansyal na ibinigay nito. Kahapon niya lang iyon nalaman ng bisitahin niya ang mga magulang ni Teressa. That's why he come up with a plan.

He will seduce Nashielle Carmela Clemente and make her fall. Then he will crushed her. Siguradong masasaktan ang ama nito kapag nalaman na ito rin ang dahilan kung bakit siya naghiganti.

He knew how the mayor loves his daughter. Lagi siya nitong pinapaalalahanan na ingatan ang prinsesa nito. While she dont care about her dad at all. 'Yun din ang nagtutulak sa kanyang ituloy ang balak. Nash, does'nt give importance to the people around her. Teaching her a lesson would'nt hit his conscience.

"Wag mo na 'kong pakialaman Adam" matigas na sabi niya. He's late for work. "And one more thing.. i'll be in an out of town for a week" hindi na siya nagbigay ng dahilan at nilayasan na ito.

ISANG oras ng naghihintay si Nashielle ng mamataan niya ang lalaking hinihintay. Bumaba ito sa isang pampasaherong jeep at agad na tinakbo ang kinaroroonan niya.

She hates late people. Para sankanya ay kabastusan ang hindi paggalang sa oras ng iba. But if Adamson Cordova is thenone you're waiting. It's worth the wait. Napakagwapo nito sa suot na cargo pants at hapit na hapit na gray shirt. Kahit ata basahan ang isuot nito ay bebenta.

"Sorry im late" nakangiting turan nito sa kanila.

"It's ok. Let's get it on" her dad said and chuckled "bawal ang special treatment" paalala pa nito sa binata.

Maya maya pa ay nagpaalam na din itong tutuloy. He was about to hug her but she refused. Umalis na din ito.

"Hindi ka kaya magsisi sa dami ng dala mo ma'am?" Nakangising saad nito. Nakunot ang noo niya at pinasadahan ng tingin ang dala. Isang malaking maleta at back pack iyon. Para sa isang babae hindi naman OA iyon. Duh, she has this morning rituals, pati na rin bago matulog kaya marami talaga siyang dalang gamit. Toner, facial wash, etcetera.

"Konti pa nga ang nga 'yan marami pang kulang" kunot noong saad niya. Tumigil sila sa tapat ng isang jeep. May ilang tao doon na sa hula niya ay volounteers din.

Revenge and SeductionsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon