KABANATA 1
Hari
"Saan ka ba nanggaling bata ka? Alam mo bang sobrang nag-alala ang lola mo?" Umiwas lang ako ng tingin.
"When are you going to tell me na dito mo na ako ipapaaral?" Tinignan ko si papa. Kita ko ang gulat sa mukha nila mama.
"Where did you heard that?"
"It doesn't matter! Pa, I don't want to stay here! My life is in Cebu!" Hindi ko na maiwasan ang pagtaas ng boses ko dahil sa galit.
"Anak, kailangan mong manatili dito kasi kailangan ng katulong ang Auntie Lucy mo sa pagbabantay kay mama. At may mga bagay kaming aasikasuhin ng papa mo. Kaya kailangan niyong manatili dito. Walang magbabantay sainyo kung nasa Cebu kayo." Umiling nalang ako at tumalikod na para umakyat sa kwarto ko.
Pagkarating ko sa kwarto ay humiga kaagad ako.
A pair of eyes piercing through me. Yan ang naramdaman ko kanina nong nasa pantalan ako. Kahit na nakatalikod ako ay nararmdaman ko na may nakaktitig saakin. I'm use to being stare kasi sa Cebu ay lagi akong pinagtitinginan. I don't know why pero nasanay ako. But it's different here, nasa bukid kasi at hindi ko ineexpect na amy tititig.
Pinikit ko nalang ang mga mata ko at pinilit na kalimutan ang lalaki na nakita ko kanina sa pantalan.
Kinaumagahan ay sobrang gulo sa bahay. Sina Auntie Lucy ay nagluluto ng spaghetti. Si mama ay nagpakain ng mga manok ni lola. Si Ate ay nagwawalis sa bakuran. Habang si papa naman ay namumunas sa mga dumi sa sala ni lola.
"Oh, gising ka na pala. Get a broom at wawalisin mo 'tong dumi dito. Nasa kusina ang walis, kunin mo lang." TUmaas ang kilay ko sa sinabi ni papa.
Nilibot ko ang paningin ko sa buong sala. Tumigil ang mga tingin ko sa isang malaking picture frame na nakadikit sa dingding ng bahay ni lola. Litrato iyon nia lola at lolo, ito ang araw ng kasal nila kasi sobrang bata pa nila tignan dito. Sa tabi naman nito ay mga litrato at diploma nina papa at Auntie Lucy.
Hindi ko pinakinggang ang sinabi ni papa at umupo ako sa mesa para makapag-almusal.
"Pupunta tayo ng cold spring ngayon, Athena. Kaya ihanda mo na ang bathing suit mo." Kumindat si Auntie lucy saakin pero umiling nalang ako.
Si Auntie Lucy ay tumanda na ng dalaga. Iniwan siya ng boypren niya noon para sa isang babae dahil nabuntis ng lalaki ang babae na yon kaya hindi sila nagkatuluyan nong lalaki. Simula non ay hindi ko na nabalitaan na nagkaboyfriend siya.
Kumagat ako sa pandesal na mainit pa.
"Naku yong mga Fontanilla nanaman na yan. Nagpapasipsip nanaman sa mga tao. Narining mo ba Greg? Tatakbo nanaman ang kapatid ni Antonio sa gobyerno, hindi talaga natuto." Umiiling na sabi ni Lola.
BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomanceAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...