Kabanata 9

32 1 0
                                    

KABANATA 9

Walang Hiya

Naglakad na ako palabas ng gate ng school namin.

Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang sinabi ni Augustus. Bakit kaya niya nasabi yon? Hindi naman ako nag tatanong at hindi din yon ang laman ng isip ko.

"Ang tagal mo," Napalingon ako sa gilid ko at nagulantang nong naaning ko ang gwapong pagmumukha ni Augustus.


"Bakit nandito ka pa?" Lumapit siya sa akin at naramdaman ko ang pagkiliti ng tiyan ko.


"Hatid na kita," Napaatras ako nong nasa harapan ko na siya.


"Hindi mo na ako kailangan ihatid. Kaya ko na," At ayaw ko ring makita siya nina lola. Baka aandar nanaman ang pagiging tuso ni lola at maging agresibo kay Augustus.


Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at pumara na ng tricycle. Buti nalang at may huminto kaagad. Sumakay na kaagad ako at sinabi ang lugar namin. Hindi ko na siya nilingon ulit.


Pagkababa ko ng tricycle ay nakita ko si Tita Lucy na nagpapakain ng mga maok ni lola, "Napaaga ka ata tita? Wala ka na pong klase?" NIlingon ako ni tita. Nagmano ako sakanya, "Napaaga ako. Maaga talaga kapag elementary lang ang tuturuan mo Athena." Tumango nalang ako sa sinabi niya.


"Pumasok ka na sa bahay. May handang meryenda na don. Hinanda ng lola mo." Tumango na ako at nagpaalam sakanya.


Dumeretcho na ako sa kusina namin at nagmano kay lola, "Kumusta ang araw mo apo?" Nakangiting bati ni lola.


"Okay lang po la, akyat na po ako. Gagawin ko pa po ang mga assignment ko." Tumango lang si lola at hinayaan na ako.


Mamaya nalang siguro ako kakain. 


Sinasagot ko ang mga assignment ko nang biglang bumukas ang pinto at pumasok si Ate. Nakakunot ang noo nito at parang namumutla.


"Ate okay ka lang?" Tinignan niya ako at tinanguan. Sobrang putla niya. Napakapit siya sa lahoy naming cabinet. Tumayo kaagad ako at inalalayan siya paupo sa kama namin.


"Ate okay ka lang ba talaga?" Nanliit ang mga mata ko habang pinagmamasdan siya, "Okay nga lang ako. Ang kulit mo," Naiirita niyang sabi sa akin. 


Naalala ko ang PT na nakita ko noon sa CR namin. Hindi kaya...


"Ate..." Dinilat niya ang mga mata niya at tinignan ako, "Ano?" 


Ayaw ko magtanog kasi baka magalit siya. Pero nagtataka na talaga ako sa mga kinikilos niya, "Ate buntis ka ba?" Hininaan ko ang boses ko para hindi kami marinig.


Kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. Namula ang ilong niya at ang kanyang mata. Hindi kaagad siya nakapag salita. Kahit na may namumuo nang conclusion sa utak ko ay gusto kong sakanya mismo manggaling.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 02, 2016 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon