KABANATA 8
I Hate
Tuwing nakikita ko sina lola at papa nag-aaway tuwing umaga ay parang sinampal talaga sa akin ang kahirapan. Hindi ako sanay na ganito kami. Our life in Cebu is great! Sobrang luwag ng buhay namin doon. Pero simula nong kinuha na ng mga Fontanilla ang lupain namin dahil sinangla ito ni lolo sakanila noon ay naghirap na kami. Dumagdag pa nong nagkasakit si lola at sinugod sa ospital.
Kaya desperada na sila. Kaya gusto nilang gamitin ang anak ng mga Fontanilla para mapadali ang lahat. Gusto nilang paibigin ko si Augustus para matigil na tong hirap namin.
"Kaya ikaw Athena, mag isip isip ka ng mabuti. Dapat mapa-ibig mo yang Augustus na yan. Madali lang yan iha, maganda ka kaya madali lang talaga yan." Sabi ni lola nong paalis na ako ng bahay.
Bad trip tuloy ako nong dumating ako sa school namin.
"Buti naman at naka uniform ka na iha!" Hindi ko na pinansin ang pag puna ng guard sa akin at nilampasan siya.
Araw araw niya akong pinagdidiskitahan dahil sa hindi ko pagsuot ng uniform. Kabiruan ko yon lage pero hindi ngayon kasi bad trip ako kay lola.
Ayoko. Ayokong gamitin si Augustus. Ayoko talaga. After what I discovered yesterday? Ayokong gamitin siya. Napakabait ng pamilya niya sa akin. Kaya ayoko.
Yan lang ba talaga ang rason mo Athena?
Umiling na ako at nagpatuloy sa paglalakad papuntang klase ko.
"Goodmorning Ms Sungit!" Napatalon ako nong narinig ko ang pamilyar na boses na yon.
NIlingon ko siya at inirapan lang.
"Umagang umaga bad trip ka na agad?" Naramdaman ko ang init niya sa gilid ko nong sinabayan na niya ako.
Napalunok ako at hindi nalang siya pinansin.
"Hoy, okay ka lang ba? Hindi ka namamansin ah?" Nauna siya sa paglalakad at humarap sa akin. Naglakad siya ng patalikod.
Tinignan ko ang mukha niya at nakakunot ang perpekto nitong kilay. May mailait ba sa mukha ng taong ito? Parang nong ginawa siya ng Diyos ay wala talagang pinalampas kahit anong bahagi ng katawan niya.
Tuwing may masasalubong siya sa likod ay umiiwas. Parang takot na takot sila na mabangga sakanya. Para siyang hari na bawal madumihan o matapik man lang.
Kita ko na ang masamang tingin ng ibang babae sa akin. Napansin ko din na halos lahat ng babae sa paaralan namin ay may gusto sakanya. I don't blame them, I mean, gwapo naman talaga siya at maganda ang katawan kaya hindi ko sila masisisi.
"Hoy!" Pinitik niya ang noo ko kaya napahawak ako dito.
"Ano ba? Umagang umaga ah wag kang mambuwisit!" Inis na sabi ko sakanya sabay lakad ng mabilis.
"Ba't ba bad trip ka? Meron ka ngayon?" Namula ako sa sinabi niya kaya tinignan ko lang siya ng masama. Kita ko ang pag angat ng gilid ng labi niya.
"Augustus!" Napalingon kami sa tumawag sakanya at nakita namin ang mga barkada niya. Yong babaeng nakasama niya sa palengke at bumili ng pagkain niya ang tumawag sakanya.
Nakatingin nanaman siya ng masama sa akin. Anong problema nito?
"Tinatawag ka na ng grilfriend mo oh." Sabi ko sakanya sabay turo.
BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomanceAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...