Kabanata 7

24 2 0
                                    

KABANATA 7

Tuso


Paglabas ko mula sa CR ay pumalakpak agad ang mama ni Augustus sa akin.


"Ang ganda mo! Magkamukha kayo ni Greg." Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya.


Tinignan ko ang damit na pinahiram niya sa akin. Isa itong puting dress na hanggang hita ko. Maiksi ito sa akin pero sakto lang ang korte. Unang tingin mo sa damit ay parang simpleng dress lang ito pero kapag sinuot mo na ay makikita mo talaga ang ganda na pagkagawa nito.


Narinig ko ang tikhim ni Augustus kaya napalingon ako sakanya. Kita ko ang pagtaas ng kilay niya habang nakatingin sa legs ko. Bumalik ang tingin niya sa mga mata ko at umiwas ng tingin.


"Ang pangit ng pinahiram mo ma." Kita ko ang pagkunot ng noo ng nanay ni Augustus.


"Anong pangit diyan? Ang ganda kaya?" Nilapitan ako ng nanay niya at hinawakan ang laylayan nito. Sinuri ko din ang damit.


"Ewan ko, masyadong maiksi. Hindi yan pwede sa akin." Uminit ang pisnge ko sa sinabi niya.


"Napaka arte mo talaga!" Sabi ng mama niya sakanya.


Tumayo siya at sinulyapan ulit ako bago naglakad papunta sa pinto, "Tutulungan ko lang si lola sa baba." Sabi niya sabay labas.


"Ang arte talaga ng batang yon. Okay lang naman diba, iha?" Tanong niya sa akin habang inaayos ang strap ng damit.


TUmango ako sakanya, "Okay lang naman po mam, sakto lang po." 


"Naku wag mo akong i-mam. Just call me Tita Kristine." Ngumiti lang ako sakanya.


Napatitig siya sa akin kaya nahiya ako, "Sorry, napatitig ako. Kamukha mo kasi ang papa mo at ang tita Lucy mo." Napawi ang ngiti ko sa sinabi niya.


This was the girl na pumalit kay Tita Lucy. Iniwan si tita Lucy ng boypren niya dahil sa babaeng ito.


Kinagat ko ang labi ko sa naisip.


"Halika na, baba na tayo. Baka handa na ang hapunan." Tumango lang ako sa sinabi niya at lumabas na.


"Ang ganda ng apo ng mga delos Reyes apo no? Ano pormahan mo na." Ito agad ang bumungad sa amin pagkarating namin. Namula ako sa sinabi ng lola niya.


"Mama, ikaw talaga." Iniwan ako ni tita Kristine at nilapitan ang lola ni Augustus. 


"Yaya, yong cake ilagay mo dito." Natarantang sabi ng lola ni Augustus. 


"Ma kumalma ka nga." Nilingon ko ni Tita Kristine at nginitian ako.

Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon