KABANATA 5
Umaapoy
Mabilis lumipas ang araw. Isang linggo na ako dito sa probinsya namin at text na ng text sina April saakin kung babalik pa ba ako. Hindi ko pa alam kung ano ang sasabihin ko kaya hinayaan ko nalang yon at hindi na sinasagot.
Umupo na ako sa upuan ko na hindi lang malayo kay Fontanilla at nilabas ang libro ko sa susunod naming klase.
Binuksan ko ang aklat ko at tinignan ang susunod namin aaralin
"Nandiyan na si mam!" Sigaw ng kaklase ko kaya umayos na ako sa pagkaupo.
Pagkalapag ng gamit niya ay sinimulan niya kaagad ang klase.
I hate this lesson, dissecting, Ang pinaka ayaw ko talaga eh yong nag da-dissect kami sa klase.
Naalala ko pa last year nong nag dissect kami ay hindi ako sumipot at umabsent pa ako. Kaya ayun! Bumagsak ako sa subject na yon at napagalitan ni mama. Pinangako ko pa naman sakanya na sa susunod ay sasali na ako.
"Okay, ipapares ko kayong lahat para sa dissecting natin bukas. Sabihin niyo sa mga wala dito na pwede pa sa sabado pero may minus na yon." Tumango lang ang iilan sa amin.
Napangiwi na ako nong tinatawag na isa isa ang magkakapares.
Please lord, sana yong matinong partner. Para sakanya nalang lahat.
"Baldon at Borres." Tinaas nilang dalawa ang kamay nila at tumayo na para magkatabi sila.
"Bariga at Corpuz."
Tumayo si Alma na pinag gitnaan namin ni Fontanilla.
Marami pang binanggit si mam hanggang sa napunta sa pangalan ko.
"delos Reyes at Espinosa." Espinosa who?
Isang linggo na ako dito sa classroom namin pero hindi ko pa kabisado lahat ng kaklase ko. May iilang naging kaibigan ko na pero yong iba ay acquaintances lang.
"Mam absent po si Espinosa" Sabi nong isang babae na kulot ang buhok.
Ngumuso ako at tinignan si Ms na tinignan ang listahan sa klase namin.
"Then it will be delos Reyes at Fontanilla." Nalaglag ang panga ko sa sinabi niya.
WHAT? NO WAY!
"Tss." Narinig kong sabi niya kaya tinignan ko siya ng masama.
"Ang gagawin niyo ay huhuli kayo ng tatlong palaka at dadalhin niyo dito sa paaralan bukas. Siguraduhan niya na nasa tamang lalagyan ang mga palaka para hindi ito makatakas. Mag usap na kayo ng partner niyo para bukas." WHAT THE HELL!?
BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomantizmAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...