KABANATA 2
Type
Pagtapak ko palang ng paaralan ay gusto ko nang umuwi sa bahay at mag mukmok doon buong araw.
Panghuling taon ko na to sa highschool at si Ate naman ay nasa 3rd year college na. Kaya hindi ko talaga alam kung bakit ako nilipat nila mama dito kung graduating na ako. I'm just wasting time.
Pansin ko ang pagtingin ng mga estudyante saamin ni Ate habang naglalakad kami papuntang opisina kung saan gagawin ang enrollment.
"Ganyan ba talaga dito sa bukid? Pinagtitinginan ka ng tao?" Naiirita kong sabi.
Umiirap ako tuwing may nakakasalubong akong mata.
"Sino ba naman kasi ang hindi titingin sa'yo? Naka shorts ka at sleeveless, naka combat boots, at ang laki pa ng sun glasses mo." Aniya.
Tinanggal ko nalang ang suot kong sun glass at lagay sa shoulder bag ko.
Nong dumating kami sa opisina ay tinignan kami ng babae mula ulo hanggang paa bago ako pina take ng entrance exam.
"Apo kayo ni Patricia?" Tanong nong babae habang inaabot ko ang papel ko.
"Opo, bakit po?" Tanong ni ate habang inaabot ang mga papel na pinipirmahan niya para sa proses ng enrollment.
"Taga Cebu kayo diba? Bakit kayo lumipat dito? Hindi nakayanan ang hirap don?" Ngumisi ang babae kaya tumaas ang kilay ni ate sakanya.
"What do you mean?" Tanong ko sakanya.
"Masyado po ata kayong pakealamera? Sariling buhay po namin 'to. Kung ako pa sayo ay ayusin mo din yang buhay mo or better yet yang mukha mo bago ka magsalita ng mga chismis na gawa gawa mo lang." Umirap si ate at hinila na ako.
"Kain muna tayo, nagugutom ako." Aya ni Ate kaya naglakad kami papuntang canteen nila.
Hindi ko nalang inindiya ang pagkainis ni ate sa babae kanina at sinunod nalang siya.
May madadaanan muna kaming isang daanan na puro lang kahoy. Kitang kita ko sa nilalakaran namin ang mga players na naglalaro sa isang malawak na soccer field.
Maybe this province 'aint that bad after all.
Nagkibit balikat ako bago kami pumasok sa canteen. Konti lang ang mga estudyante pero napalingon sila lahat saamin ni Ate pagpasok namin. Nairita nanaman ako kaya umirap ako at sumunod kay ate na nakalinya para bumili ng pagkain.
"Anong sa'yo?" TInignan ko ang mgaa pagkain na nakahilera.
"Safe ba yan?" Bulong ko sakanya.
I can't help it! I've never been to a public school before kaya ganito ako kung umasta.
BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomanceAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...