Kabanata 6

23 2 0
                                    

KABANATA 6

Enemy


"Ahhh! OMG OMG OMG!" Dali dali akong pumatong sa isang malaking bato dahil may biglang tumalon sa sapatos ko.


Kanina pa tawa ng tawa si August dahil sa inasal ko.


Nakahuli na kami ng dalawang palaka at kulang nalang ng isa. Si Augustus ang humuli sa dalawa at ako ang pinapahuli niya sa panghuli.


"Come on Augustus! Ikaw nalang!" Naiinis kong sigaw sakanya.


"Walang kang naitulong kaya ikaw ang humuli ng panghuli." Tumawatawa niyang sabi.


Kinagat ko ang labi ko at tinignan ang isang malaking palaka na nasa gilid lang ng bato na pinapatungan ko.


"There! Hulihin mo!" Sabi ko habang tinuturo ang palaka.


"Ikaw ang humuli. Ang lapit lang niyan." Tinignan ko siya ng masama pero nakangisi lang siya sa akin habang nakapamaywang.


Let's just get this over with, Athena!


Dahan dahan akong bumaba sa bato na pinatungan ko.


May nakita akong papel sa isang gilid kaya kinuha ko iyon at ginamit pangkuha sa palaka.


Dahan dahan kong nilapit iyon. Napansin ko na ang panginginig ng kamay ko habang inaabot ko iyon.


Malapit ko nang makuha nang, "Bah!" Hinawakan ni Augustus ang baywang ko kaya na out of balance ako at natumba. 


Napatili na ako kasi nahawakan ko ng bahagya ang palaka bago ito umalis.


"Walang hiya ka!" Naiinis na sabi ko sakanya


Tawa lang siya ng tawa.


Kinagat ko ang labi ko at tinignan ko siya ng masama. 


Parang may bukol sa lalamunan ko at lumabo ang paningin ko. 


I hate frogs! UGH!


"I hate you." Nanginginig na sabi ko habang pinipilit na tanggalin ang putik na dumikit sa damit ko.


Tumahimik na si Augustus kaya napatingin ako sakanya.


Tinignan ko siya ng masma, "I hate you." Ulit ko. 


"Hey..." Aakmang lalapit siya sa akin pero umiwas ako sakanya.


"Huy, sorry. Hindi ko naman sinasadya." Nakita ko ang takot sa mukha niya.


Akala KoTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon