I Want To Go Home
Nilibot ko ang paningin ko sa buong tanawin. Puro berde lang ang nakikita ko at kalabaw na nasa gilid ng bus ng binabaan namin.
"Ayusin mo nga yang mukha mo, Athena." Inirapan ko si ate sa sinabi niya.
Napabuntong hininga ako at tinignan ang phone ko. Gusto kong umiyak dahil sa hina ng signal nito.
Diyos ko naman Lord! Nasa planeta pa ba ako?
"Athena, bilisan mo diyan! Baka nasa labas na sina mama!"
Irita kong hinila ang maleta ko at sinundan si Ate Diana.
Pagkalapit ko ay padabog akong umupo sa tabi niya.
"I hate it here." Mahinang sabi ko.
Narinig ko ang pagbuntong hininga niya bago niya binaba ang cellphone niya at harap saakin, "We talked about this. I told you to leave that attitude sa Cebu. And lola needs us kaya tayo nandito. So please? Do this for lola, kailangan niya tayo. Alam mo yan, Athena." Kinagat ko ang labi ko sa sinabi niya.
"Anak!" Napalingon kami ni Ate sa isang boses na pamilyar saamin.
Kita ko ang pagliwanag sa mukha ni Ate Diana at dali daling tumayo para lapitan sina mama at papa.
I just stared at them. Kitang kita ko ang saya sa kanilang mga mukha. Hinahaplos ni mama ang mukha ni ate at paulit ulit na hinalikana ng ulo nito.
Nilingon ako ni papa at nginitian, "Halika na. Uwi na tayo." Umirap ako at tumayo. Pinagpag ko ang suot kong itim na high waist shorts at hinila ang maleta ko papalapit sakanila.
"Si lola ma?" Tanong ni Ate Diana habang tumutulong kay papa na ilagay ang mga gamit namin sa likod ng kumakalawang na sasakyan.
"Nasa bahay ang lola niyo, naghahanda ng pananghalian." Sabi ni papa. Pumasok na sina mama at papa sa pick up at pinaandar ito.
Napangiwi ako sa itsura nito. Halatang halata ang pagkaluma nito. Nong binuksan ni mama ang pinto sa likod ay mas lalo akong ngumiwi nong narinig ko ang tunog. Parang mahuhulog na ang pinto anytime soon.
"Athena." TInulak ako ni Ate papasok kaya wala akong choice kaya pumasok ako.
Buong biyahe ay nagkukwentuhan lang sina mama, papa, at Ate Diana. I don't really talk that much, well simula nong nagdesisyon silang dito na muna kami ay wala na akong choice. I barely talk to them kasi nakahanda na ang buong schedule ko for sembreak but this happened. And now I'm stuck in Gingoog where all you can see is green!
"You'll enjoy here honey." Sabi ni mama.
BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomanceAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...