KABANATA 4
Kapal
Si August lang ang laman ng isip ko hanggang sa araw ng pagbalik sa klase. Hindi ko alam kung bakit siya ang laging sumasagi sa isip ko. Siguro out of boredom kaya naisip ko yon. Umabot pa ako sa punto na landiin siya para makuha namin ang lupa namin at para makauwi na din ako sa Cebu.
Umiling nalang ako at kinuha ang bag ko na nasa kama. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
"Kaya mo 'to Athena, malalampasan mo din 'to." Sinuklay ko ang buhok ko at sinulyapan si ate na natutulog pa.
Mamayang 10 pa ang klase niya kaya hindi pa siya gumigising.
Pagkababa ko ay naghahanda na ng almusal si Lola para sa aming lahat. Si papa ay nakaupo habang hawak ang isang diyaryo. Si mama naman ay tumutulong kay lola na maghanda dito sa bahay. Nakita ko mula dito sa kainan namin ang pagwawalis ni Auntie Lucy sa bakuran.
Umupo ako sa harap ni papa at inayos niya ang diyaryo, "Unang araw mo ngayon. Mag ingat ka sa school ha? Mag tricycle ka nalang pauwi." Tumango lang ako sa sinabi ni papa at pinagpatuloy ang pagkain.
Nong natapos ako ay tumayo na ako at nagpaalam sakanila. Sumakay ako sa dumaang tricycle sa bahay namin. Kinuha ko ang phone ko at tinignan ito, may isang message na nagpatalon sa puso ko.
Joaquin:
Athwns
Kanina pa madaling araw ang text na yon. Hindi pa nagsisimula ang klase doon at next week pa sisimulan.
Hindi mahaba ang biyahe papuntang school, kung tutuusin ay pwede ko namang lakarin pero ayaw ko lang pagpawisan pagdating ko sa school.
Pagkatapos kong abutin kay kuya ang bayad ay bumaba na ako. May isang SUV na huminto sa likod ng tricycle kaya napalingon ako dito.
Wow, may SUV pala dito? May mayaman palang nag-aaral dito? May nakakatiis sa bukid na 'to?
Tinignan ko yon at ganon nalang ang pagkalaglag ng panga ko nong nakita ko kung sino ang bumaba sa sasakyan.
Holy shit! Nakalimutan ko atang mayaman 'tong lalaking to!
Tinignan ko siya mula dito sa gilid. Umiigting nanaman ang panga niya, ang tangos ng ilong niya ay kita mula dito sa kinatatayuan ko. Bumaba ang tingin ko sa katawan niya at hapit ang uniform niya dito. Napatingin ako sa braso niyang malaki.
"Omg si Augustus! Grabe gumwapo pa siya lalo!" Natauhan ako nong narinig ko ang tili ng isang babae sa gilid ko.
Umiling nalang ako at nagmadaling lumakad papasok sa paaralan.
Napatalon ako nong bumungad saakin ang bunganga ng guard sa school, "Ikaw? Nasaan ang ID mo?" Tumaas ang kilay ni manong at lumaki ang mata niya.

BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomanceAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...