KABANATA 3
Augutus Javier
Tinignan ko ang mga litrato na pinadala nina April saakin.
April:
Kailan ang uwi mo?
Text niya saakin nong itatabi ko na sana ang cellphone ko.
Kinagat ko ang labi ko at napatitig lang dito. Paano ko sasagutin yong tanog eh kahit ako nga hindi ko alam.
Ako:
I don't know...
April:
Paano na si Joaquin?
Napapikit nalang ako at hindi nalang siya nireplayan.
Joaquin was my boyfriend. Hindi ko alam kung ano ang rason kung bakit kami nag break. Siya kasi ang nakipag hiwalay at hindi ako, nakakainsulto no? Wala naman akong magagawa kaya pumayag nalang ako. Mahal ko eh.
Napangiti ako ng mapait at kinuha ang phone ko para mareplayan si April.
Ako:
Bahala na.
Tumayo ako para lumabas ng kwarto. Pagbaba ko ay dumeretcho ako sa CR para umihi. Sakto namana ng paglabas ni ate kaya ako ang sumunod.
Nong natapos na ako ay may nakita akong isang parang rectangle na bagay na nasa trash can. Kumunot ang noo ko at tinitigan ito ng mabuti.
Nanlaki ang mga mata ko. Kanino 'to?
Buntis ba ulit si mama? Si Auntie?.... si Ate?
Kinagat ko ang labi ko at lumabas nalang.
Nong dadaan na sana ako sa sala ay narinig ko ang usapan nina lola kaya nagtago ako.
"Ma hindi natin gagamitin ang mga bata!" Rinig na rinig ko ang galit sa boses ni papa.
"Wala na tayong ibang paraan Greg! Ano? Hahayaan nalang natin na lumubog ang negosyo natin at makuha ng mga Fontanilla ang lupa? Hindi pwede!"
"Pero hindi naman solusyon ang pag gamit ng bata." Malumanay na sabi ni mama.
"Nasa iisang paaralan lang sila kaya hindi siya mahihirapan. Kapag hindi natin to gagawin ay baka lulubog ang negosyo natin. Maghihirap tayo." Lumiit ang boses ni lola.
"Hindi tayo maghihirap ma, pupunta ako ng ibagn bansa. Doona ko magtatrabaho. Pag iipunan natin ang pera na ipambayad sa mga Fontanilla para makuha ang lupa."
BINABASA MO ANG
Akala Ko
RomanceAlam mong bawal pero minahal mo pa rin. Kalaban pero pinatulan mo. Masarap ang bawal, sabi nila. Pero masarap pa ba ito kapag nagkakasakitan na kayo? Hanggang kailan niyo kayang ipaglaban ang pag-ibig na alam mong kahit kailan ay hindi aaprubahin ng...