"Yana sige na kase please pumunta ka na sa party bukas" kanina pa pinipilit ni Mika si Bryana na pumunta sa party. Party para sa bagong Bussiness partner ng kanyang ama
"Ayoko" tanggi ng dalaga
"Sayang naman hindi mo makikita yung anak ng bagong Bussiness partner ni daddy na si Don Rafael Aquino. Pogi pa naman yung anak nya. Bagay kayo, teka ano na nga bang pangalan nun?"
Agad naman napalingon ang dalaga kay Mika
"Don Rafael?"
"Oo para sa partnership nila daddy yung party" takang paliwanag ni Mika
"Pupunta ako"
Nagulat naman si Mika sa pagpayag ni Bryana
"P-punta ka? Yehey! Sabi ko na nga ba interesado ka sa poging anak ni Don Rafael eh. Yii Forever"
Hindi nalamang ito pinansin ni Bryana. Masaya ang dalaga dahil mapapaaga ang plano nyang pagpatay kay Don Rafael.
"Yana 8pm ha? Gusto mo ba sunduin kita?"
"No thanks"
Umupo si Bryana sa ilallim ng puno para pagplanuhan ang pagpatay bukas kay Don Rafael. Papatayin nya ba agad sa publiko o dadalahin nya ito sa pribado? Hindi mapigilan mangiti ng dalaga dahil sa excitement na nararamdaman
Click
Bumalik sa realidad ang dalaga ng makuhanan sya ng litrato ni Mika
"Stop"
"Kayah! Sobrang ganda mo Yana pag nakangiti! Buti nalang nakuhanan ko!"
Tuwang tuwa si Mika dahil sa tagala nilang magkasama ay ngayon palamang nyang nakitang ngumiti ang dalaga."Tss"
"Yana tignan mo oh papalapit sila Lucas dito"
Agad naman nagbago ang mood ng dalaga, ang excitement na kanikanila lang ay napalitan ng iritasyon.
"Baby " akbay sakanya ni Lucas
"Hands off" malamig na sabi ng dalaga
"Yieee Yana bagay pala kayo ni Lucas! Huwag ka ng maghanap ng Forever sa party bukas ha?"
Agad naman binigyan ng matalim na tingin ng dalaga si Mika
"Party?"
"Yes punta ka ha?" Binigyan ni Mika ang binata ng imbitasyon
"Pupunta ako" sabi ni Lucas na syang ikinagulat ni Bryana. Inisip nya paano nya papatayin si Don Rafael bukas kung laging may nakaaligid sakanya?
"Ash pupunta ka diba?" Tanong ng dalaga sa binata at binigyan ito ng tingin na umoo.
"Oo?" alanganin namang sagot ng binata
Pinapunta ng dalaga si Ash dahil kakailanganin nya ang tulong nito upang matakasan ang umaalingid sakanyang siraulo.
"Baby bat pag si Ash kinakausap mo ng maayos? Nagpout si Lucas kay Bryana
"Stop that Luke!" Singhal naman ng dalaga.
Napangisi ang binata dahil sa pangalan na binigay sakanya ng dalaga " okay Bry"
Tinaasan naman ng dalaga ng kilay si Lucas dahil sa hindi inaasahang pagtawag naman sa kanya ng Bry.
Pinagtitinginan ang grupo nila Lucas na kasamang sila Bryana at Mika, nagtataka ang mga estudyante dahil nung mga nakaraang araw lang magkaaway ang dalawa pero ngayon ay nakaakbay na si Lucas kay Bryana at kinukulit pa nito ang dalaga. Marami ang nag bigay ng kumento, maraming nagsabi na bagay ang dalaawa at karamihan naman ay nagsasabi ng kung anong masasamang salita kay Bryana dahil nagseselos ang mga ito sa dalaga.
BINABASA MO ANG
BRYANA: The Mafia Queen
RandomBRYANA BLOOD, Ang babaeng nabubuhay dahil sa isang misyon ang patayin ang mga pumaslang sa kanyang ina. Kaya nya bang ipagpatuloy ang mahalagang misyon o ibabaon nalamang ito sa limot?