"Puta pakawalan mo kami! Duwag ka!" Sigaw ni Robert ng alisin ang nakalagay na panakip sa kanyang bibig.
"So weak!" Singhal naman ni Ash
"Tang ina ka!" Giit ni Mike
"Hahahahahahahahahaha" malakas na tawa ni Black Demon na lalong kinainis ng mga binata
"Sorry hindi ako fair makipaglaban hahahah" pahayag ni Black Demon
"Fvck you!" Galit na galit na si Mike
"ENOUGH!" nagulat ang mga binata ng makita ang paparating na si Lady A.
"Black Demon nasan na sila Bryana!" Tanong ni Lady
"Pinasama ko na kay Lucas" nangingiti na si Black Demon
"Tang ina ka! Desperado ka masyado matalo si Lucas"
"Natalo ko na sya kung hindi lang nakisali yang Bryana na yan!" Galit na baling ni Black Demon kay Robert at sinipa ito
Napangisi naman si Ash
"Ginamit mo si Bryana para palabanin si Lucas. So weak Black Demon" malamig na sabi ni Ash na lalong ikinainis ni Black Demon kaya sinuntok suntok nya ito.
Madali lang makaintindi si Ash. Sigurado sya na iyon ang dahilan. Nangaling na mismo sa bibig ni BK ang katotohanan magmula banggitin nya ang pangalan ni Bryana.
Naglakad naman papalapit si Lady A sa tatlong binata
"Tsssk sayang kayo" saka ito pinagsisipa sipa ng dalaga. Napadaing ang tatlo. Hanggang sa nawalan ito ng mga malay
....
Mabilis na kumuha ng armas si Bryana sa kanyang Mansion para sa pupuntahan nila. Nagdala sya ng mga baril, Shurikens at Daggers. Nagbihis narin ito ng kumportable para sa labanan
"Nakakuha ka na ng gagamitin mo?" Tanong ng dalaga kay Lucas
Pinakita naman ni Lucas ang Handguns na hawak nya
"Magdala ka ng Dagger at Shuriken" utos ni Bryana na agad naman sinunod ng binata
Para sa dalaga sa Dagger at Shuriken sya kumportableng gamitin, ito narin kase ang nakasanayan nya.
Nang matapos mag ayos ang dalawa ay agad na itong sumakay sa sasakyan ni Lucas at nagmaneho kung san lugar ang usapan.
...
Agad na pinasok ni Lucas ang abandonadong gusali. Naging maingat ang dalawa sa pagpasok. Hanggang sa makarating sila kila Robert
"Oww Lucas nandito ka na pala. Namiss mo na ba mga kaibigan mo?" Mapang asar na bungad ni Black Demon. Napakuyom ng kamao si Lucas ng makita ang mga kaibigan na hindi na makilala dahil sa dugo at galos na natamo sa kanilang mukha.
Bumaling naman si Black Demon kay Bryana "Ruthlesss Queen! Buti isinama ka ni Lucas! Akala ko hindi sya tutupad sa usapan" hindi pinansin ni Bryana ang sinabi ni Black Demon kundi tinignan nya lang si Lucas ng matalim dahil sa hindi pagsabi na sabit pala sya sa gulong ito. Umiwas ng tingin ang binata sa dalaga.
"Lady A, Nandito na ang hinihintay mong bisita hahaha" tawag ni Black Demon. Agad naman napatingin si Bryana sa paparating na si Lady A
Napangisi si Lady A maging si Black Demon "i told you Bryana, magkikita pa tayo"
"Bitter? Hindi parin nakakamove on?" Malamig na panukso ng dalaga kay Lady A. Agad na sumenyas si Lady A sa mga tauhan upang kalabanin ang dalawa. Agad naman naghanda sila Lucas at Bryana. Napapalibutan sila ng mga labing anim na tauhang lalaki nila Lady A
Agad sinuntok ni Bryana ang lalaking papalapit sakanya. Sinipa naman nya ang lalaking nasa gilid, ganun din si Lucas sinusuntok nya at sinisipa ang balak na lumapit sakanya.. agad na iniwasan naman ni Bryana ang Shuriken na tatama sakanya at sinipa ang may hawak ng dagger na isasaksak kay Lucas.
Matagal na nilabanan nila Bryana at Lucas ang mga tauhan ni nila Lady hanggang sa apat nalang ang natitira. Abala si Bryana sa kalaban na dalawa na may hawak na katana. Tatamaan sana si Bryana ng katana na galing sa isang kalaban ni Lucas pero agad na nasipa ng binata ang lalaki, dahil sa ginawang iyon ni Lucas hindi nya namalayan na may dagger na paparating sakanya kaya hindi nya ito napansin at tumama nalamang ito sa braso nya.
"Shit" singhal ng Binata.
Dumukot ng dalawang handgun ang dalaga at walang awang pinagbabaril ang kalaban. Habang si Lucas naman ay nakahawak sa brasong natamaan.
Agad na sumugod si Lady A kay Bryana ganun din naman si Black Demon kay Lucas.
Medyo hina na si Lucas para labanan si Black Demon dahil sa natamong mga sugat nito at pasa.
"Putang ina mo Lucas! Papatayin kita hayop ka! Ikaw nalang lagi!" Singhal ni Black Demon kay Lucas at sinugod ito ng suntok at tadyak. Hindi talaga mapagkakaila kung bakit sila nagsama sila ni Lady A sa ganitong set-up dahil pareho silang insecure sa dalawa.
Nakakailag naman si Lucas sa mga bininitawang suntok at sipa ni Black Demon at nakakaganti rin ito.
Sa kabilang banda ay galit na galit na si Lady A habang nakikipaglaban sa dalaga. Iwas lamang ng Iwas si Bryana habang nagpapakawala ng mabibilis na suntok si Lady A. Lumipad ang dalang handgun ni Bryana dahil sa hindi nya inaasahang pag sipa ni Lady A sa kanyang kamay. Agad muli sinipa ni Lady A si Bryana sa mukha na sanhi ng pagkadugo ng labi ng dalaga.
"Fvck!" Singhal ni Bryana dahil yun nalamang ang natitirang armas na maari nyang gamitin at medyo marami narin kase syang tama.
Agad na bumawi ng mabilis na suntok si Bryana kay Lady A at sinundan ito ng malakas na sipa na syang ikinatumba ng kalaban. Ngunit sa di inaasahan ay agad na bumunot ng baril si Lady A at itinutok ito kay Bryana. Pumikit si Lady A at agad na ipinutok ito.
"Stop!" Ang huling narinig ni Lady A pagkapindot na pagkapindot nya sa gansilyo ng baril
"Hindiiiii!!!!" Iyak na sigaw ni Lady A ng buksan nya ang kanyang mata. Nakita nya lang naman ang nakahandusay at duguan na katawan ni Alessandro. Nanginginig nya itong nilapitan.
"No aless! Don't die please" iyak na iyak na si Lady A at ibinaling ang tingin kay Bryana "it's your fault! Selfish bitch!" Galit na giit ni Lady A
"Look who's talking" sagot ng dalaga. Hindi mo makikita ang mga luha sa mata nya ngunit makikita mo ang lungkot, lungkot na nararamdaman nya.
Iyak lang ng iyak si Lady A at mabilis naman lumapit si Lucas sa kapatid kahit hinang hina na sya at maraming natamong sugat bago napabagsak si Black Demon.
BINABASA MO ANG
BRYANA: The Mafia Queen
RandomBRYANA BLOOD, Ang babaeng nabubuhay dahil sa isang misyon ang patayin ang mga pumaslang sa kanyang ina. Kaya nya bang ipagpatuloy ang mahalagang misyon o ibabaon nalamang ito sa limot?