Agad naman nagising ang dalaga sa pagkangawit at nagulat ito ng malaman na sa balikat pala sya ni Lucas nakatulog.
"Gising ka na pala" sabi ni Lucas na kakagising lang din
"Uwi na tayo" pag aaya ng dalaga
"Kumain muna tayo" sagot naman ni Lucas
Agad na pinagbuksan ng binata ng pintuan si Bryana papasok ng kotse. Tahimik na nagmamaneho ang binata, paminsan minsan ay napapalinga ito sa dalaga. Maganda ang dalaga ang nasa isip nito. Maganda ang mata na kung titignan mo ay parang mahihipnotismo ka, matangos na ilong, perpektong hugis na mukha at mapangakit na labi. Damn! pagmumura nito sa isip nya at napatingin ito muli sa labi ng dalaga. Gusto nya itong halikan. Sahalip pagpantasyahan nalamang nya ang labi ng dalaga ay itinuon nalamang nya ito sa pagmamaneho at agad naman itong nakarating sa pinakamalapit na Fastfood chain.
Pumasok ang dalawa, pinagtitinginan sila ng mga tao dahil sa pisikal na itsura ng mga ito, para bang Diyos at Diyosa na bumaba sa lupa.
Gosh ang pogi ng lalaki!
Ang hot nung babae!
Bagay sila!
Ang seryoso namn ni girl
Waaah artisba sila? Magpapicture tayo!
Pare tara lapitan natin yung babae
Agad naman kumunot ang noo ni Lucas ng marinig nya ang bulungan ng mga lalaki habang si Bryana naman ay walang pakielam.
"Anong gusto mo?"
"Fries, Burger at cokefloat lang" agad naman nagtungo ang binata sa counter.
Iniisip ng dalaga kung sino ang nagbigay ng mensahe sakanya sa napulot nyang papel ng biglang may lumapit sakanya
"M-miss" tawag ng binata sakanya na may kasamang dalawang lalaki
Agad naman sinulyapan ito ni Bryana ngunit malamig natingin lamang ang ninigay nito
"P-pwede bang makimagkilala?" Bago pa man magsilata si Bryana ay agad naman nakarating si Lucas sa kinaroroonan nya na
"Back off! She's mine!" Sita nya sa mga lalaki, nagulat naman ang mga ito at nagsialisan
"Tss. Dapat pala nagdrive thru nalang tayo!" Bakas ang irita sa boses ng binata habang ang dalaga naman ay tahimik na kumakain.
Katahimikan ang bumabalot sakanila at samahan mo pa ng halos lahat ata ng tao sa pinagkakainan nila ay nakatingin sakanila.
"Pupunta ka ba mamaya sa Arena?" Basag ni Lucas sa katahimikan.
Nagtaas naman ng kilay ang dalaga
"Nabalitaan ko kase na darating ang isa sa pinakamalakas na gang mamaya" dugtong ng binata
"Ano naman gagawin ko dun?" Tanong ni Bryana habang sumusubo ng fries
"Baka kase gu-"
"Pupunta ako" hindi na pinatapos ni Bryana ang binata at agad inubos ang natitirang fries
...
"King sino bang hinihintay natin dito? Bakit hindi pa tayo pumasok!" Naiinip na si Dark (Robert)
BINABASA MO ANG
BRYANA: The Mafia Queen
RandomBRYANA BLOOD, Ang babaeng nabubuhay dahil sa isang misyon ang patayin ang mga pumaslang sa kanyang ina. Kaya nya bang ipagpatuloy ang mahalagang misyon o ibabaon nalamang ito sa limot?