"Narinig mo ang pinagupasan namin ni Ash?" tanong ni Bryana
Nakasakay ang dalaga sa Passenger seat na minamananeho ni Lucas. Nagulat ang dalaga nang inihinto ng binata ang sasakayan sa park.
"Anong gagawin natin dito?" Tanong ulit ng dalaga
"Oo narinig ko ang lahat. Narinig ko na isa kang Mafia Queen"
"Hi-"Hindi ulit pinatapos ng binata ang dalaga magsalita. Matagal ito bago nagsalita
"Nung una nagulat ako pero hindi naman malabo sayo maging Queen ng Mafia dahil mabilis kang gumalaw, nakita ko rin haha namin pala kung paano ka makipaglaban sa lasing kung hindi mo siguro kami naramdaman na sumunod sayo ay malang napatay mo yung dalawa at isa pa natalo mo si Ash sa Battle Field ng walang kahirap hirap"
Tumawa naman ang binata. Nakatingin lamang si Bryana rito na may gulat sa kanyang mukha
"At oo alam kong ikaw si Ruthless Queen, hindi naman ako tanga para si Ash lang makaalam na ikaw at si Ruthless ay iisa"
Tumayo ang dalaga at iniwan si Lucas ng mag isa sa inupuan nila. Hindi sya makapaniwala na nalaman ni Lucas yun ng walang kahirap hirap at hindi sya makapaniwala na may nakasunod sakanya ng hindi nya nalalaman. Ano bang nangyayare sakin tanong ng dalaga sa sarili. Pakiramdam nya ay natalo sya dahil sa dalawa na ang nakaalam sa pagkatao nga. Naikuyom nya ang kanyang kamao sa inis.
Nagulat ang dalaga ng bigla syang hilahin ng binata at niyakap ito
"Hindi mo kasalanan na nalaman ko ang lahat. Curious lang talaga akong tao."
Katahimikan ang bumabalot sakanilang dalawa
"Nung makita kitang muntik mabaril ng lalaking yun hindi ko alam bakit ako nakaramdam ng takot. Sa susunod mag iingat ka Bryana, p-paano pag wala ako dun? Baka.." humigpit ang yakap ng binata sa dalaga. Pakiramdam nya ay kailangan nyang protektahan ang dalaga ng hindi malaman ang dahilan.
Limang minuto, Limang minutong nakayakap ang binata sa dalaga ng napagpasyahan nyang bitawan ito. Hinubad ng binata ang kanyang coat at isinuot ito sa dalaga.
"Ihahatid na kita"
Tahimik ang dalawa sa byahe dahil pareho silang naguguluhan. Naguguluhan ang binata kung bakit nya ginawa iyon sa dalaga tila ba bumaliktad ang ikot ng plano nya sahalip na ang dalaga ang mapaibig sakanya ay sya ata ang nahuhulog sa sarili nitong patibong. Nagugustuhan na ba talaga nya ang dalaga?
Naguluhan naman ang dalaga kung bakit nya hinyaan yakapin sya ni Lucas at kung bakit nanlambot sya. Hindi nya maipagkakaila na sa halos 12 na taon ay ngayon lang sya ulit nakaramdam na ligtas sya, ligtas ng dahil sa isang yakap. Kumportable sya sa yakap ni Lucas. Na para bang kahit anong piligro ang kakaharapin nito ay hindi ito mapapahamak dahil pakiramdam nya ay pinoprotekthan sya.
Hindi namalayan ng dalaga na nakarating na sila sa Mansion. Hindi na hinintay ng dalaga na pagbuksan ito ng pinto, agad na itong lumabas at pumasok sa loob
"Bryana" napahinto naman ang dalaga at nag aalanganing lumingon sa binata. Nang lumingon ito ay bigla nalamang syang nagulat at namula ng bigla syang halikan ni Lucas sa noo.
"Good night" sabi ng binata bago umalis
Nakatayo parin si Bryana habang nakahawak sa noo. Nagulat sya sa ginawa ni Lucas. Nang makabawi sya sa gulat ay agad naman itong pumasok at umakyat sa kwarto.
...
Kanina pa paikot-ikot ng kama si Bryana habang pahawak hawak sa noo nito. Hindi makapakali ang dalaga. Hindi namalayan ng dalaga na 4:30 am na kaya napagdesisyunan nito maligo.
Nang makatapos ang dalaga ay agad na itong bumaba para uminom ng tubig, napagdesisyunan din nito na magjogging. Nagulat naman ang matandang nagluluto sa kusina ng makita ang dalaga
"Anak ang aga mo ata magising?"
Agad na kumuha ng baso si Bryana para lagyan ng tubig na iinumin
"Mag jojogging po muna ako" sagot nito at lumabas na ng Mansion
Agad nagsuot ng Headset ang dalaga at inayos ang sintas ng kanyang sapatos, Nagsimula na itong tumakbo.
Nang makaramdam ng pagod ang dalaga ay agad naman itong nagpahinga sa Park na nadaanan, 3 oras na rin kase itong tumatakbo. Pinanuod ni Bryana ang mga batang naglalaro kasama ang kanilang yaya ang iba naman ay ang kanilang mga magulang. Napangiti ng mapait ang dalaga kahit minsan hindi nya naranasang makipaglaro sa mga magulang dahil bago silang pa lamang nito ng mamatay ang kanyang daddy. Bihira naman silang makalabas ng kanyang mommy dahil may mga inaasikaso ang kanyang ina. Hindi nya rin naranasan maglaro magmula nung namantay ang kanyang ina dahil ginugol nya ang kanyang oras upang magensayo at magpalakas para sa darating na pagkakataon na maghihiganti na ito ay kaya nya ng labanan ang pumatay sakanyang ina.
Hindi namamalayan ng dalaga na nakuyom na ang kanyang kamao saka lang sya bumalik sa realidad ng makita nya ang batang nakadapa na umiiyak sa kanyang harapan. Agad nyang itinayo ang bata at pinagpagan ang maduming damit nito
"Huwaaaa" iyak ng bata
"Shhh don't cry"
"It hurts huwaaaa" sagot ng bata sa dalaga
Tinuro ng bata ang kanyang tuhod. Agad naman binuhat ni Bryana ang bata at pinaupo ito. Hinaplos ng dalaga ang ulo ng bata hanggang sa tumigil ito sa pag iyak
"Brianna! Naku ikaw bata ka kanina pa kita hinahanap. Malalagot ako sa mommy mo eh" lumapit ang yaya ng bata
"Nako mam pasensya na po sa istorbo" habang binuhat nito ang bata
Ngumuti lamang ng tipid si Bryana at umalis na
"Wait po" tawag ng bata kay Bryana at agad naman itong nilapitan ng bata
"Ate thanks for helping me! I'm Brianna. What is your name po?"
"Bryana" lumuhod si Bryana upang magkapantay sila ng bata at ngumiti
"Wow ate parehas tayo. Dahil mabait po ikaw, Take this" inalis ng bata ang clip na nakalagay sa buhok nya at inilipat ito sa buhok ni Bryana
"Wow bagay sayo ate."
"Halika na Brianna" tawag ng yaya ng bata
"Bye ate pretty" at hinalikan ng bata si Bryana bago ito tumakbo pabalik sakanyang yaya.
...
Nang makarating ang dalaga sa Mansion ay agad naman itong naligo upang makapaghanda papasok sa paaralan. Agad naman sinilid ng dalaga ang clip na binigay ng bata.
"Anak hindi ka pa ba muna kakain?"
Tanong matanda ng makita ang dalaga palabas ng pinto"Hindi na po muna Nanang sa School nalang po"
Agad naman nakarating ang dalaga sa paaralan
"Yana!" Kanina pa naghihintay si Mika sa dalaga, gustong gusto malaman ni mika ang nangyare sa kaibigan, kung may nangyare bang masama dito, kung ayos lang ba ito. Pagkatapos kase ng brown out sa party ay agad nawala sa paningin nya si Bryana
"Kumusta ka? May nangyare ba sayong masama? Sana hindi nalang kita pinilit eh di sana huhuhu" hindi na natuloy ang sasabihan ni Mika at bigla na itong umiyak. Humagulhol sa iyak si Mika dahil sa pag alala kay Bryana at sa Problemang kinakaharap ng pamilya
"Tss"
Hinila naman ni Bryana si Mika papuntang Park...
BINABASA MO ANG
BRYANA: The Mafia Queen
RandomBRYANA BLOOD, Ang babaeng nabubuhay dahil sa isang misyon ang patayin ang mga pumaslang sa kanyang ina. Kaya nya bang ipagpatuloy ang mahalagang misyon o ibabaon nalamang ito sa limot?