Agad ginamot ni Lucas ang sugat ni Bryana. Ayaw talaga ipagamot ito ng dalaga ngunit mapilit si Lucas kaya wala na rin itong nagawa.
Nasa Pribadong Silid sila ng Satans. Pagkatapos kase ng pangyayari kanina ay agad na dumiretso ang mga ito sa paaralan.
Nang matapos malinis at gamutin ang sugat ni Bryana ay agad naman nyang hinubad ang mask na nagtatago ng pagkatao nito.
"Bryana?!!!!" Sabay na gulat ni Mike at Robert. Hindi makapaniwala ang dalawa na si Ruthless Queen at Bryana ay iisa. Agad itong nagsilapitan sa dalaga. Hinayaan na ni Bryana malaman ng buong Satans na sya si RQ dahil sa alam nyang hindi ito mga kalaban at isa pa mapagkakatiwalaan naman ang mga ito.
"Ikaw at si Ruthless?" Naguguluhang tanong ni Mike
"Takte! Bakit hindi ko agad napansin yon!?!" Napasabunot pa si Robert sa sariling buhok
"Ash, Lucas! Alam nyong sya si Ruthless Queen?!!" Baling naman ni Robert sa mga kaibigan. Nagkibit balikat naman ang dalawa kay Robert
"Astig mo Bryana! Kaya pala ang lakas ng Aura mo" aakbay na sana si Mike ng hagisan sya ni Bryana ng shuriken, lumaki ang mata ng binata ng muntik tumama ito sa mukha nya. Mabuti nalamang ay naging alerto ito
"Bryana! Hindi magandang biro yun" at napaatras si Mike
"Duwag ka pala Mike eh." Aakmang lalapitan ni Robert si Bryana ng biglang nagkasa ng handgun ang dalaga at itinutok ito kay Robert
"Wooah! Biro lang! Ang bangis mo pala Bryana"
Natawa naman ang sila Lucas sa reaksyon ni Robert matapos itong tutukan ni Bryana ng baril"Uuwi na ako" paalam ng dalaga hindi nya na hinintay magsalita ang mga binata at dumiretso na ito sa kanyang sasakyan.
...
"Yana?napano yang braso mo?" Inosenteng tanong ni Mika sa dalaga habang nakaupo sila sa park ng paaralan
"Tss"
"Eh Yana sabihin mo na" ngumuso pa si Mika habang kinukulit ang dalaga
"Nahiwa lang"
"Hindi ka kase nag iingat."
Tinignan naman ng matulis nang dalaga si Mika
"Eihhh nag aalala lang ako Yana"
"Sya nga pala yana... ano.. kase.." nahihiyang sabi ni Mika sa dalaga
"What?" Iratadong tanong ng dalaga
"Thank you so much for helping our company.. salamat talaga ha?" Nahihiyang pagpapasalamat ni Mika. Kung hindi nya lang sana kailangan ang tulong ng dalaga ay hindi nya iyon tatanggapin pero kailangan nya kase, pinaghirapan ng daddy nya ang kumpanyang iyon.
"Tss"
Palihim na ngumiti si Mika dahil kahit gaano kalamig ang pakikitungo sakanya ni Bryana ay may pakielam parin sakanya ito.
"Bryana! Mika!" Sigaw ni Mike na paparating kasama ang mga kaibigan
"Ayos na ba sugat mo Ru- i mean Bryana"
Tinignan naman ng masama ni Bryana si Robert ng masama
"Huh ?kasama mo ba si Yana nung nasugatan sya Robert ?" Inosenteng tanong ni Mika habang pabalik palik ang tingin sa dalaga at kay Robert
BINABASA MO ANG
BRYANA: The Mafia Queen
RandomBRYANA BLOOD, Ang babaeng nabubuhay dahil sa isang misyon ang patayin ang mga pumaslang sa kanyang ina. Kaya nya bang ipagpatuloy ang mahalagang misyon o ibabaon nalamang ito sa limot?