Nang makarating sila Bryana at Mika sa park ay nagsimula ng nagtanong ang dalaga
"What happened"
"Akala ko kase may nangyare sayong masama k-kpag may nangyare sayo habang buhay kong pagsisihan yun a-yokong mawala ka" at humagulhol ulit ang dalaga
Naawa naman si Bryana kay Mika. Kahit hindi nito tinuturing na kaibigan si Mika at lagi nya itong tinataboy ay eto nagmamalasakit at nag aalala parin sya. Hindi naman sa ayaw nyang maging kaibigan ang dalaga. Ayaw nya lang madamay ito sa mundong kinagagalawan nya. Napakainosente ni Mika para sa mundo nya. Ayaw nyang mapalapit sakanya ito dahil hindi malabong gamitin ito ng kalaban laban sakanya. Ayaw nyang mapahamak ang mga taong nagmamalasakit sakanya kaya kahit anong pilit na gusto nyang kaibiganin ang dalaga ay mas pinipili nya itong iwasan para sa kaligtasan nito.
"I'm fine, may problema ka pa ba?" Nabalitaan nadin kase ng dalaga ang agad na paglubog ng kumpanya nila Mika sa kadahilanang pagkamatay ni Don Rafael. Matagal nang unti unting nalulugi ang kumpanya nila hanggang sa napagpasiyahan ni Don Rafael na tulungan itong makabangon ngunit nawala ang lahat ng pagkakataon ng kumpanya nila Mika ng mamatay si Don Rafael
"Kase palubog na ang kumpanya namin dahil sa pagkamatay ni Don Rafael, Si Don Rafael nalaman kase ang pag asa ng Kumpanya p-pero okay lang yun" agad na bumuntong hininga si Bryana. Nadamay pa tuloy si Mika na nagmamalasakit sakanya dahil sa paghihiganti nya kay Don Rafael.
Tumayo sya at iniwan saglit si Mika. Agad nyang tinawagan si Anton
"Anton"
"Miss bakit po?"
"Mag invest ka sa kumpanya nila Enriquez Reyas. Tulungan nyong makaahon ito"
"Pero po palubog na po sila, magsasayang lamang po tayo ng pera. Wala po tayong makukuhang be-"
"I don't care basta gawin mo nalang"
At pinatayan ito ng tawag. Walang pakielam sa pera si Bryana dahil marami sya nun ang hindi nya matitiis ay ang makitang maghirap si Mika dahil sa kagagawan nya
Bumalik na si Bryana sa pwesto nila ni Mika ngunit hindi nalamang si Mika ang naruon, naduon narin sila Lucas. Agad nabigla si Bryana ng maalala ang nangyare kagabi
"Bryana bat nawala ka kagabi? Nag alala kami sayo!" Pag alalang tanong ni Robert
"Oo nga si Lucas aligagang aligaga kakahanap sayo" pangsang -ayon naman ni Mike
"Pasensya na Bryana kagabi ha?"naintindihan ng dalaga ang gusto iparating ng binata. Tinanguan naman nya ito
"Kumain ka na?" Tanong sakanya ni Lucas, hindi naman makasagot agad ang dalaga
"H-hindi pa" damn! Bat ako nauutal yan ang nasa isip ni Bryana
"Halika kumain na tayo sa cafeteria masama ang nagpapalipas" seryosong saad ni Lucas
"Wow si Loverboy" pang aasar ni Robert at agad naman siniko ito ni Ash
"Tara Mika" inalalayan naman ni Mike si Mika.
Matagal ng may gusto si Mike kay Mika ngunit ngayon lang sya nagkaroon ng pagkakataon lapitan ito dahil nahihiya sya. Aba! Kahit pogi natotorpe yan ang laging sinasabi ni Mike
Nang makarating sila sa Cafeteria ay malamang sa malamang ay pinagtitinginan sila. Sikat sila Lucas sapat iyon na dahilan para pagtinginan sila
BINABASA MO ANG
BRYANA: The Mafia Queen
SonstigesBRYANA BLOOD, Ang babaeng nabubuhay dahil sa isang misyon ang patayin ang mga pumaslang sa kanyang ina. Kaya nya bang ipagpatuloy ang mahalagang misyon o ibabaon nalamang ito sa limot?