Kabanata 3

76 4 0
                                    

Palabas na sana ng paaralan sila Lucas ng mahagip ng kanilang mga mata si Bryana Blood. Oo alam nila ang buong pangalan ng dalaga dahil naghagilap na sila ng impormasyon ngunit hanggang doon lamang ang nalaman nila. Nananitiling misteryoso ang tingin nila kay Bryana dahil tago ang pagkatao nito.

Napagdesisyonan nilang apat na sundan si Bryana bukod sa "Curious" sila sa dalaga ay hindi rin mapagkakaila na maganda ito, makinis at sexy lalo na sa suot nitong shorts.

Nagulat sila ng makita ang dalaga na papasok sa madilim na eskinita.

Hindi ba sya natatakot? Yan ang nasa isip ni Lucas. Sinundan parin nila ito, napahinto sila at nagtago nang makita nila na huminto si Bryana, nung una ang akala nila ay nakita na silang sinusundan ito ngunit ng masilip nila ay hinarang ang dalaga ng mga lasing.

Akmang pupuntahan na sana ni Lucas, Robert at Mike ang dalaga na hinawakan ng lasing upang tulungan ay bigla nalamang silang pinigilan ni Ash. Kahit naman binubully o kaaway nila ang dalaga sa paaralan ay hindi parin masikmura ni Lucas na mapahamak ang walang kalaban laban na babae.

"Wait! Wag muna! panuorin muna natin" kahit naguguluhan ang tatlo kay Ash ay sinunod naman nila ito.

Nagulat sila ng makita nilang nakipaglaban si Bryana. Sobrang bilis ng galaw ng dalaga at mahahalata mong eksperto ito mula sa pag iwas, pag sipa at pagsuntok na pinapakawalan nito. Napasinghap ang apat ng makita nila ang dalaga na nagbato ng pocket knife sa dalawang lasing.

Kinabahan ang mga binata ng lumingon ang dalaga sa direksyon nila, agad naman silang nagtago..

...

Nang makarating ang apat na binata sa condo ni Ash ay agad naman nila pinag usapan ang nasaksihan nilang pangyayari.

"Damn! Ang bilis nya! Ang galing ng moves nya!"

"Pakshet! Ang hot nya mike" ganti naman ni Robert sa papuri ni Mike sa dalaga

Habang si Lucas naman ay naguguluhan parin.

"Gangster kaya sya?" Wala sa sariling tanong ni Lucas

"Baka isang myembro ng magagaling ng grupo ng gangster dito sa Pilipinas?" Natatawang si Robert

BRYANA BLOOD? malalaman ko rin kung ano ang tunay mong pagkatao. Mapaglarong nasa isip ni Ash at ngumisi ito.

...

Nang nakarating sa bahay si Bryana ay agad syang nagulat dahil nandoon ang kanyang Tiyo

"Ija"

"Tito" humalik naman sa pisnge si Bryana sakanyang Tiyo

"Bakit hindi mo sinasagot ang tawag ko"

"I forgot my phone"

"Kumusta ang Mafia?"

"Fine"

Alam din ng Tiyuhin ni Bryana ang tungkol sa Mafia nitong minana pa sa ama.

"Ikaw ang pumatay kay Alfredo De Guzman at Carlos Cruz" hindi tanong na sabi ni Ysmael dahil alam nyang si Bryana lamang ang gagawa non. Sinusoportahan naman ni Ysmael si Bryana sa paghihiganti nito

"So who's next?"

"Rafael Aquino?" Sa totoo lamang ay hindi alam ng dalaga kung sino ang isusunod nya.

"Mag iingat ka lagi Bryana" yan ang lagi ang sinasabi ng Tiyo sa Dalaga simula ng mamuno at malaman nito an tungkol sa Mafia

Flashback

BRYANA: The Mafia QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon