Kabanata 2

152 4 0
                                    

p.s: See the pictures of the twins above.




KINABUKASAN

Hindi kami nagpapansinan ni dad dahil nalaman niya ang ginawa ko sa school. Bigla kasing tumawag si Mam Che sa kanya nang biglaan kung pag walk out habang pinapagalitan niya ako. Pero maya-maya biglang tumawag si mamela upang kumustahin ako at pinapunta sa hacienda niya. Nalaman ko rin na ibinalita niya kay mamela ang nangyari sa akin. Si mamela ay ang lola ko, na ina ng aking ina. Sobra akong malapit kay mamela noon pero dahil sa hindi na ako nakapunta sa kanila medyo napapalayo na rin ang loob ko sa kanya. Ayaw ko ring mamalagi doon sa kanila dahil masyadong matahimik at hindi ako sanay. Alam niyo naman mahilig sa parties ang lola niyo. No parties No life ako. Hindi parin tapos sa  kakatalak si dad sa akin at tuluyan na akong pinapahiya sa harap ng kabet niya at ang anak nito.

"Allison, ganyan na ba talaga ka tigas ng ulo mo?. Kailan ka pa ba matututo, hindi mo na ako binibigyan ng kahihiyan." dahil sa nalaman ni dad ang ginawa ko kahapon, maaga niyang binubulabog ang kwarto upang ako'y gisingin. Inilagay ko ang headset ko sa aking tenga upang hindi siya marinig dahil sa sobrang ingay niya. Pero tinanggal niya iyon.

"At ngayon ayaw mong makinig sa sasabihin ko?" Galit akong napatingin sa kanya, ganyan naman siya lagi.  (Wag mo ng patulan Allison, dahil baka magkakagulo na naman ) sabi ko sa sarili ko para pampakalma.

"Since you don't want to listen to what I say. You like it or not you have to stay where your grandmother lives." Napatulala nalang ako dahil sa sinabi niya. "You have to packed all your things dahil bukas na ang byahe natin".

"But dad!" magrereklamo pa sana ako "No more buts Allison, since sobra na ang katigasan ng ulo at ayaw mong makinig sa akin ito ang magiging parusa mo!" galit na saad niya

"Bakit dad?, nakikinig ka rin ba sa akin? Hindi rin naman diba? Sinabi kong huwag mong papalitan si mommy pero ginawa mo parin. Wala kang pinagkaiba kay tito Arthur pareho kayong mga manlolo-" Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil nasampal na niya ako. Dali-dali namang lumapit ang kabet ni dad sa kanya. Ito ang unang beses na masampal ako ni dad kaya laking gulat ko na nagawa na niya akong pag buhatan ng kamay ng dahil sa kabet niya. Hinding hindi ko sila mapapatawad.  Kita ko parin ang galit sa mga mata ni dad.

"Hindi mo alam ang sinasabi mo Allison kaya wala kang karapatan na pagsabihan ako ng ganyan!" dagdag pa niya at umalalay naman yung kabet niya.

"I hate you!" Yun nalang ang nasabi ko at umalis sa bahay.


"Allison, why are you here?" takang tanong ni Storm, dahil matapos ang bangayan namin ni dad dumiretso na ako dito. Since sila lang naman ang nakakaintindi sa akin. "Can I stay here for awhile?"

"Ofcourse you can, may nangyari ba Alli?" nag aalalang tanong ni Storm. "Baka ito na ang huli nating pagkikita" malungkot na sabi ko sa kanya. "You can share it naman sa akin yung problema mo e, I'm your bestfriend Alli. Kung ma kwento mo yan sa akin for sure, gagaan yung pakiramdam mo. Diba nga promise natin sa isa't-isa walang taguan ng lihim?" Napatawa naman ako bigla. Ano bang lihim ang pinagsasabi niya?.

"Ano bang pinagsasabi mo diyan, wala akong lihim no." 

"Bakit ka malungkot diyan?, Sige na sabihin mo na sa akin baka naman may maitutulong ako diyan." Umupo naman siya sa tabi ko. "Reyn, paki kuha nga ng juice si Alli!" sigaw niya pa

"Nasaan ba si Reyn?" takang tanong ko dahil hindi ko man lang siya nakita. "Haaay naku Alli, since nasa New York si dad at mom for business natural kaming dalawa ni reyn ang natitira dito. Ayun humingi ng pabor kay dad na humingi ng pera para bilhin yung paborito niyang libro."

"Ito ng juice" Masiglang sabi ni Reyn at may hawak siyang libro medyo makaluma yung cover ng book. Nagbabasa narin ng ancient stories si Reyn?. "You want to read it?" masiglang sabi niya, hindi ko naman namalayan na napatitig na pala ako sa hawak hawak niya. "No, thanks!" nasabi ko nalang pero hindi ko maiwasang mapatingin sa libro na hawak hawak niya ngayon at nagpatuloy nalang siya sa pagbabasa

"Hoy Alli napatulala ka na" Bigla akong natauhan ng iwinawagayway ni Storm ang kamay niya sa mukha ko. "Ha? Ano nga ulit yun?" Ano bang nangyayari sa akin.

"Sabi ko, bakit ito na ang huli nating pagkikita?" 

"Kasi, itinaboy na ako ni dad. He don't want me to stay beside him dahil mas gugustuhin niya pang manatili doon sa babae niya." gusto kong magalit nang maalalang sinampal niya ako sa harap ng kabet niya. Sa kabila ng pag e-emote emote ko bigla nalang humagikhik si Reyn. Napalingon nalang kami sa kanya, akala ko kung anong meron nag babasa parin pala siya ng libro. "Ano ba, can you stop it Reyn. Kita mong nag-uusap kami ni Alli, pwede ba bumalik ka na sa room mo?"

" Alam mo kasi Storm, mas nakakabuti rin magbasa ng libro para naman mawala yung mga hinanakit sa iyong puso." Napatingin naman sa akin si Reyn "Since, marami kang problema na dinadala ngayon Alli, why don't you ready this story. I'm sure makaka relate ka" Napatitig nalang ako kay Reyn at napatingin sa librong ibibigay niya sana sa akin.

"Ano ka ba Reyn, alam mo namang hindi mahilig magbasa ng libro si Alli diba, atsaka wag ka ngang Bad Influence" kinuha naman ni Storm yung libro at inilagay sa mesa at nag simula na naman mag bangayan ang dalawa. Hindi ko maiwasang mapatitig sa librong nasa mesa ngayon, parang mahiwaga ang libro ito, parang iba yung pakiramdam habang minamasdan ko siya. 

"Kita mo na Reyn, dahil sayo ayan natutulala na naman si Allison, bakit hindi mo nalang ibalik sa kwarto yang libro mo"

"Bakit ba e, sa maganda naman talaga ang kwento nina Juanito at Carmelita a" depensa ni Reyn sa librong nabasa niya. "Alam mo, kaya siguro hindi mo ako mapapantayan dahil ibang librong binabasa mo, hindi naman nag e-exist yan sa ganitong buhay. So bakit mo pa babasahin hindi ba?"

"Storm, hindi mo ako maiintindihan kasi nga hindi ka naman BOOK LOVER hindi ba! at isa pa, may moral lesson kaya sa librong yan basahin mo pa" 

"Wag nalang, ayaw kong mamaga yung mata ko kakabasa sa walang kwentang libro ano."

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan Storm, baka magsisisi ka. Sige ka baka dalhin ka sa taong 1892" nananakot na sabi ni Reyn sa kambal niya "Hindi ako isip bata kagaya mo ano, atsaka hindi naman nag e-exist yan e, kaya nga tinawag na fiction stories diba? duh!" At nagpatuloy parin ang bangayan ang dalawa ng bigla akong magsalita. "Ma mi-miss ko kayo" Kaya napahinto sila sa kanilang ginagawa at napatingin sa akin. "My dad wants me to stay at lola's house maybe it takes a year bago ako makabalik dito. Dumeretso nalang ako dito dahil wala akong ibang mapupuntahan at kayo lang naman ang taong naniniwala sa akin. Kaya sa huling pagkakataon nais kong magpaalam ng maayos sa inyong dalawa." Dali-dali namang lumapit sa akin si Storm at Reyn at niyakap nila ako ng mahigpit.

"Mag-iingat ka doon Allison ha?. Wala kami doon para tulungan ka kaya ingatan mo talaga ang sarili mo. Lampa ka pa naman minsan" Imbis na iiyak ako, hindi ko maiwasang matawa nalang.

"Alli, ma mi-miss din kita. Since this is my favorite book, ibibigay ko nalang ito sa iyo para naman pag nakikita mo ito maaalala mo ako diba, wag mo kalimutang basahin ito ha?" Sabi ni Reyn, napatango nalang ako.

Hindi ko maiwasang mapatitig talaga doon sa libro. 

"Wag mo lang titigan yan Alli, pag nakarating ka na sa iyong patutunguhan, basahin mo agad yang I LOVE YOU SINCE 1892, I'm sure gaganahan ka at hindi ma bore doon. Kukuha mo na ako ng pagkain" Sabi ni Reyn at tumayo na at naglakad papuntang kusina. 


I LOVE YOU SINCE 1892? Bakit ganito nalang ang naging reaksyon ko ng makita ang librong ito? Parang sobrang mahiwaga at may ipinapahiwatig ang librong ito sa akin. Baka naman guni-guni ko lamang ito. STOP IT ALLI, nababaliw ka na.

TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon