Kabanata 8

192 10 1
                                    


KINABUKAN

Hindi man lang ako nakatulog ng maayos kagabi dahil sa hindi inaasahang pangyayari, matapos kung tingnan yung napakalaking buwan. May nabasa naman ako na mas lalong nakakadagdag kaba. Sabi kasi doon sa maliit na papel.

"Huwag mo hayaang mahulog ang iyong loob sa taong ikakasira ng pamilya mo"

WHO?  Sino ba itong taong to? Sino bang sumulat nito? Kung nabasa ko ba yung mga libro, masasagot yung mga tanong ko?


Bumaba nako dahil sa nagugutom na ako, ewan ko ba nung napadpad ako dito palagi akong gutom. 

Gutomin ba tong Mercedes na ito? 


Dali dali naman akong pumunta sa kusina upang kumuha ng pagkain. At ng may makuha ako dali dali ko namang itong inilapag sa mesa at nag simula ng kumain ng.


"Sino ang nag bigay sa iyo ng pahintulot na kumain ka mag-isa!" 

Bigla naman akong napatayo agad dahil nasa harapan ko ngayon si Don Jose habang salubong ang kilay. Magsasalita pa sana ako ngunit hindi niya pinahintulutang mag paliwanag.

"Kahit kailan ay palagi mo nalang akong sinusuway Mercedes." Gusto ko siyang sagotin ngunit walang lumabas na kahit anong salita sa aking bibig bagkos yumuko nalang ako. Naalala ko si Dad sa kanya, yung maawtoridad na ama, yung walang pakialam sakin, yung titigan palang ako parang diring diri sila, yung hindi ako tanggap at yung ipaparamdam sa akin na wala akong kwenta. 


Pati ba naman dito, wala pa rin akong silbi? Tss. Nawalan tuloy ako ng ganang kumain.


"Pinagsabihan na kitang bawal kumaing mag-isa dahil nakakawala ng grasya!" Maawtoridad niyang saad. Napayuko nalang ako ng may biglang nagsalita.


"Jose, pabayaan mo na si Mercedes. Baka hindi niya alam ang kanyang ginagawa, hindi rin siya kumain kagabi" Mahinanong pagpapaliwanag ni Donya Margarita.


Buti pa yung nanay ni Mercedes nakakaintindi sa akin

"Parte din ba sa limot ang pagbibigay galang, simula nung nangyari bago siya mawalan ng ala ala mas lumala ang ugali niyan!"  

"Huwag kang mag-alala pag sabihan ko nalang" Mahinanon paring saad niya sa kanyang tigreng asawa. Hindi ko man naramdaman na nasa harapan ko na pala si Donya Margarita ay hinawakan ang pisngi ko.

"Huwag kang umiyak anak diba sabi ko sayo, nandito lang ako at pro-protektahan kita" Hindi ko rin namalayan na umiiyak na naman ako. 


Hindi ko lumubos maisip na ang isang tulad ko ay napaiyak sa mundong ito at ang gusto ko lang ngayon ay mapag isa.

"Ina, nais ko sanang magpahangin pwede po ba akong lumabas mag isa?" Hindi muna ito agad naka sagot.  Alam ko naman na hindi ako papayagan, dahil wala nga akong ma-alala sa paningin nila. Pero laking gulat ko na pumayag siya.

"Sige, ngunit umuwi ka ng maaga" Ningitian ko nalang siya, hindi ko paman din naubos yung pagkain. Si Don Jose kasi, nakakawala ng gana. Tss I hate him. He's just like Dad!


First time kong makita ang Hacienda Rufino ng taong 1890. Grabe, parang isang panaginip lang. Panaginip na hindi ka magising-gising. At yung paligid......


Sobrang dami ng bulaklak na nakapalibot sa buong Hacienda, sobrang ganda nila tingnan. Amoy na amoy mo din yung preskong hangin at yung mga ibon na walang sawang nagliliparan sa kalangitan at maaliwas din ang kalangitan. Grabe, hindi ko lubos maisip na ang isang tulad ko ay napadpad sa lugar na ito. Kung ikwento ko ito sa kambal, I'm sure hindi maniniwala yun. Kumusta na kaya sila?, kumakain pa kaya sila? Humihinga pa kaya sila?. Bigla ko tuloy naalala yung sinabi ni Reyn bago ako umalis.


*FLASHBACK*

" Wag ka ngang magsalita ng ganyan Storm, baka magsisi ka. Sige ka baka dalhin ka sa taong 1892"

*END OF FLASHBACK*


Oh my gosh, don't tell me nagkatotoo yung sinabi ni Reyn? Baka manghuhula yun?. Baka may kapangyarihan yun? Nababaliw naman ako ulit



Hindi ko namalayan na napadpad na pala ako sa ilog. Hindi ko din alam na may ilog pala dito.


Wait, ibig sabihin may Ilog pala talaga?. Bakit hindi ko namalayan na may ilog sa lugar nila Mamela?.


Ng makalapit na ako sa may ilog ay tiningnan ko ito, sobrang linaw ng tubig at kitang kita ko yung sarili ko dito. Ibang iba yung itsura ko sa panahong ito.


Hindi ako ito e, sobrang hinhin niya tingnan. Malayong malayo siya sa ugali ko. I'm sure maraming nagkakagusto dito, dahil sa mukhang ito. Napaupo naman ako sa malaking bato, yung makikita ko parin yung repleksyon ng mukha ni Mercedes sa tubig. Ng biglang.


"Aray!" Napasigaw ako sa galit habang hawak hawak ko parin yung ulo ko dahil may bigla bumato sakin. Galit akong napalingon at laking gulat ko sa nakita ko.





TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon