HMHASMB #19: IN DANGER

101 9 4
                                    

THIRD PERSON'S POV

"AAACCCKK! P-PL-PLEASE TAMA NAAAAA!Panay sigaw at pagmamakaawa ng isang lalaki doon sa mga taong dumakip sa kanya. Kasalukuyan kasing nagtatrabaho ang lalaki doon sa isang hotel bilang Janitor ng bigla siya dakpin ng hindi kakila-kilalang tao. Halos patayin sa siya sa bugbog ng mga ito. Hindi niya maaninag kung sino ang nagdakip sa kanya dahil may nakasuot itong itim na bonnet para takpan ang kanilang mga mukha. Pero mahahalata mong isa silang taong basagulero o mamamatay tao dahil sa mga suot nila. Puro armado lahat ang taong nagdakip sa kanya.

Walang kaalam-alam ang lalaking dinakip kung bakit siya binubogbog ng mga armadong lalaki. Dahil hindi naman siya nagkaroon maski isang utang lamang na hindi nababayaran, kaya laking pagtataka niya kung bakit nangyari ito sa kanya. Halos gumapang na siya dahil sa sakit na dinaranas ng katawan niya dahil sa bugbog. Sa twing magmamakaawa siya panay naman bugbog naman ang natanggap niya. 

Pero nabigla yung lalaki ng bigla nalang tumigil yung pagbubugbog sa kanya, dahil may biglang pumasok na mas lalong naikapagtataka niya.

"Siya na ba yun?!" Maawtoridad na sabi nung lalaking bago lang pumasok. Mahahalata mo ring siya yung pinuno dahil sa maangas siya kung magsalita. Kahit masakit yung katawan niya, nagtanong parin siya.

"Si-sino kayo!?" Pero parang mga bingi lang ang mga ito dahil binalewala lang nila ang tanong ng lalaki. Halos hindi mo na makilala yung tao dahil halos mukha niya ay puro nalang galos. Hindi parin inintindi ng lalaki ang sakit ng katawan niya dahil kailangan niyang malaman kung sino ang mga taong kumidnap sa kanya. "Si-sino b-ba kayo?" Tanong niya ulit. Kaya napatingin yung pinuno nila at lumapit sa kanya.

"Hindi mo na kailangang malaman kung sino ako" Saka niya kwinelyuhan ang lalaking nakahandusay sa sahig na hindi man lang maipagtanggol ang kanyang sarili dahil sa sobrang hina na ng katawan. "Ano ang ugnayan mo sa mga Rostavilli?" Mas lalong naguguluhan ang lalaki dahil sa tanong nila. "Hi-hindi k-ko a-alam ang pi-pinagsasabi mo" Mautal-utal na sagot ng lalaki sa kanya dahil sa sobrang takot. Pero imbis na sumagot, humahalakhak ng pandemonyong tawa ang pinuno nila.

"Pinaglololoko mo ba ako?" Saka niya sinuntok ng sobrang lakas ang lalaki kaya napahiga ulit ito. "Bakit niyo siya dinala rito? Kung hindi naman niya kaano-ano si Vence Choi!?"

"Boss, Ito na po ang profile files ng kaugnayan ng Rostavilli at kasali na rin diyan ang pangalan ng lalaking ito" Sabay lahad nang puting folder sa pinuno nila at kinuha niya naman ito. Saka siya pumasok sa kanyang opisina. Binasa naman niya ang laman nung folder.

"Melchor Orlandez had two childrens . A man and a woman . He married Julie Hyu . The name of his daughter is Samantha Hearty Orlandez and his son is Tyler Ryan Orlandez, currently attending in Choi- ing University. " Tiningnan naman niya isa-isa ang mukha ng pamilya ng lalaking binugbog nila kanina at saka siya ngumiti ng may binabalak na masama. Liligpitin na niya sana ang folder ng may isang papel na nalaglag. Tinitigan naman niya yung nasa papel saka niya binasa yung description. "Andrea Madeline Cox. Attending Choi -ing University . Nineteen years old. She is Vence Choi first love until now." Nagulat ang lalaki sa nabasa niya. "So, your cheating Vence Choi. Now I know everything about you and one day you'll be died cause I will kill you" gigil na saad ng lalaki.

MICHAEL'S POV

"Wooh! Lead, that was a fantastic Kiss I ever seen HAHAHA" tawang-tawang sabi ni Xavier kay Lead. Tapos nakikitawa narin si Luke kahit hindi naman niya alam kung anong tinatawa-tawa ni Xavier.

"HAHAHA! Bakit anong meron?" tanong ni Luke kay Xav

"May babaemmpppp" bigla nalang tinakpan ni Lead ang bibig ni Xav.

TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon