Kabanata 3

319 10 0
                                    

P.S: See the Rufino's hacienda. *Photo not mine*


Buong byahe ay nakatanaw lang ako sa labas ng bintana, kinakausap naman ako ni dad pero hindi ko na siya pinakinggan pa dahil sobrang sama talaga ng loob ko sa kanya, biruin mo nagawa niyang saktan ang anak niya. IMPOSSIBLE. I promise, hinding hindi ko na papansinin si dad kailanman. Dahil hindi niya naman ako intinuring na anak, di ko rin siya itinuring na ama.

"Apo" 

"Apo gising na" may isang mahinhin na boses ang aking narinig at nang tuluyan ko ng naimulat ang aking mga mata tumambad sa akin ang muka ni mamela, sobrang saya niya ng makita ako pero hindi naman siya sinuklian ng ngiti. "Nako apo, sobrang pagod na ka siguro kaya naka idlip ka sa byahe. Nasaan ba yung mga gamit mo at ipapakuha ko ni Ricardo." itinuro ko naman kung nasaan yung mga gamit ko at may isang lalaki namang payat ang pumunta sa likod ng sasakyan upang kunin yung mga gamit ko. "Nako apo, nag luto ako ng paborito mong ulam dahil alam kong gugutomin ka." Wala lang akong imik, hinahanap ng mata ko si dad pero hindi ko siya nakita. Napatingin naman ako kay mamela at alam naman niya kung ano ang ibig kung sabihin.

"Andon siya sa likod ng bahay at parang may kinakausap yata." pinuntahan ko naman si dad para yayaing kumain pero hindi ko inaasahang marinig ang pinag usapan nila sa kabilang linya, naka loud speaker kasi yung phone niya.

"Mahal, Oo kararating lang namin. Anong gusto mong pasalubong? Sige, mag luto ka ng masarap na ulam at diyan na ako kakain ha?. I love you mahal, sige." Nag tago naman ako sa likod ng pader upang hindi niya ako makita. Dali-dali naman akong umalis at bumalik sa sasakyan na parang walang nangyari.

Nang makita ko si dad na papalabas na..

"Dad, sabay na tayong kumain. I know you're tired already bukas ka na bumalik sa maynila please." pagmamakaawang sabi ko, kahit ngayon lang, kahit ngayon lang dad isipin mo rin naman ako. Kailangan rin kita dito, pero bakit ang hirap mong payagan ako. Umo-o ka lang dad, kakalimutan ko na yung galit ko sayo at hinding-hindi na ako mag rerebelde pa. Kahit ngayon lang, isipin mo rin kung ano ang ikasasaya ko.

"I'm sorry Allison, pero I have to go. Marami pa akong meeting na kailangang ma puntahan." Para akong binagsakan ng langit dahil sa mga sinasabi niya, ibig sabihin mas pipiliin niya parin ang kabet niya kaysa sarili niyang anak. Wala siyang kwentang ama. Hindi na ako nag paalam pa at dali-dali na akong pumasok sa loob ng bahay. LIAR.

Pumasok na ako sa aking silid upang magpahinga na ng kumatok si mamela sa pinto.

"Apo,  baba ka na kakain na tayo."

"I don't have an appetite Mela, just leave me a alone for a while." parang wala namang nagawa si mamela at bumabana. Nagtaklob nalang ako sa aking kumot dahil sa pighati na aking nararamdaman ng matandaan ko ang sinabi ni Reyn sa akin.

"Mas nakakabuti rin magbasa ng libro para naman mawala yung mga hinanakit sa iyong puso"

Totoo kaya yung sinabi ni Reyn sa akin? Bakit hindi ko kaya subukang magbasa ng libro total wala naman akong ginagawa dito at nababagot na ako. Napatayo naman ako para hanapin yung librong ibinigay ni Reyn sa akin.

Kanina ko pa hinahalughog ang gamit ko pero hindi ko parin makita yung librong hinahanap ko. Bumaba nalang ako para ipahanap kay mela yung librong iyon. Nang tuluyan na akong makababa, hindi ko maiwasang mamahangha sa aking nakita. Medyo may kalumaan na yung bahay pero maayos parin ito. Parang nililinis talaga araw-araw, makintab yung sahig walang kahit anong alikabok ang iyong nakikita.

Sa kabila ng paghahanap ko sa aking libro, may iba akong nararamdaman na parang bang may kanina pang nagmamasid sa akin. Kaya't hindi ko napigilang  mapalingon sa lugar kung saan may nagmamasid. At hindi nga ako nagkamali, may bumabalot na kaba sa aking dibdib ng tinitigan talaga ako ni manong. Ilang sandali pa'y umalis siya at arang pinapahiwatig niya na sundan ko siya. Nakita ko siyang bumaba sa may hagdan kumbaga "Underground" sobrang dilim na ng paligod kung kaya't kinuha ko ang aking selpon upang magbigay ng ilaw. Pero mas namumuo yung takot at kaba ko dahil biglang nawala si manong na kanina ko pa sinusundan. 

Sinasabi ko na nga ba, may kakaiba talaga dito sa bahay na ito. Bakit nga ba ako natatakot, di naman ako duwag diba? Ako kaya si Allison Madox at wala akong kinakakatakutan, mapa multo pa yan. Sinasayang ko lang yung oras ko dito. Tumalikod na ako upang bumalik na papaakyat pero nang humarap ako, bigla kong nakita ko si manong na nakatingin sa akin ng matalim. Hindi ko maiwasang mapapikit at mapasigaw nalang sa takot. ANO BA ALLISON, HINDI KA DUWAG.

Pero nang imulat ko ang aking mga mata, wala na si manong sa aking harapan. Sa halip may nakita akong isang libro. Sobrang luma na ito at inaalikabok na. Parang may nag udyok sa aking kunin ito, kaya kinuha ko na at pinagpagan. Napa ubo naman ako dahil sa mga alikabok.

At binasa ko ang pamagat ng libro "nuestras historias son eternas?" at nang binuklat ko ang ilang pahina ng libro may naka sulat ding our stories are eternal. Kahapon pa ako nahihiwagaan sa mga nangyayari sa buhay ko at hindi ko maintindihan. Hindi naman ako mahilig magbasa ng mga libro pero bakit napapalapit ako sa mga libro ngayon?. 

Dahil sa hindi ko makita ang paboritong libro ni Reyn napadpad naman ako dito sa underground dahil may sinusundan akong matanda pero natagpuan ko itong librong ito na pinamagatang Our stories are eternal. Wait baka pakana ito ni dad lahat para magalit ako sa kanya lalo at para hayaan ko silang masama ng kabet niya, di maari ito o baka naman pinaglalaruan lang ako ni manong dahil kasabwat siya ni dad?. 

Dali-dali naman akong umalis doon bitbit ang librong nakita ko sa ibaba, kailangan kong mahanap si mamela upang hanapin ang isang nawawalang libro, paborito pa naman yun ni Reyn. Tapos malalaman yang naiwala ko, i'm sure magagalit yun. Pumunta ako sa hardin upang hanapin mela at nakita ko naman siyang nakaupo habang hawak-hawak yung librong kanina ko pa hinahanap.

"Mela, kanina pa kita hinahanap. Buti naman nasasaiyo lang pala ang librong iyan." Hindi naman kumibo si mela at patuloy parin sa pagbabasa ng libro. "Ikaw mela a, mahilig ka rin pala sa mga historical stories. Baka saiyo din itong librong to" At ipinakita sa kanya yung librong nakuha ko sa baba kanina.

"Ang na udlot na kanilang pagmamahalan ay ngayo'y magpapatuloy na" Nagulat ako ng biglang paghawak ni Mela sa kamay ko. "Ikaw, ikaw ang itinakda para magpatuloy sa pagmamahalan nilang dalawa". Naka drugs bato si Mela, anong itinakdang pinagsasasabi niya?.

"Alam mo Mela, good mood na ako ngayon wag mo nga akong Chinuchurva ha hindi po magandang Joke yan sa araw na ito." Hahawiin ko na sana ang aking mga kamay, mas lalo niyang hinigpitan yung pagkahawak sa akin.

"Siya ang naglapit sa iyo papunta sa kanya, ngayon malapit nang matupad ang mga pangarap niyang makasamang muli ang taong mahal niya." Nagtaka naman ako sa inasal ni Mela ngayon, ano bang nakain nito?

"Pagsapit ng tatlong linggo, may isang eklipse na magaganap. Kung kaya't mag iingat ka sa iyong paglalakbay."

"Mela, ano po ba talaga ang ibig niyong sabihin? Hindi ko po kayo maintindihan" Hindi niya ako pinakinggan sa halip. Ibinigay niya sa akin ang dalawang libro. Yung librong paborito ni Reyn at yung librong nakuha ko sa baba. "Basahin mong maigi iyan dahil makakatulong iyan sa iyong paglalakbay"

"M-Mela" kinakabahan kung sabi "Huwag kang mag-alala alam kung magtatagumpay ka sa iyong misyon. Hindi mo pa alam sa ngayon pero sa tamang araw sasabihin ko ang lahat ng nalalaman ko. Kung kaya't pag-aralan mong maigi ang librong iyan upang makadagdag sa mga kaalaman mo at iyan ang magbigay susi upang tulungan ka sa iyong misyon." Hindi ko alam ang aking gagawin dahil kusa kong nararamdaman ang kaba ngayon. Biglang nahimatay si mela sa harapan ko na hindi ko alam ang dahilan. Sobra akong nalilito sa mga mahiwagang nangyayari sa buhay ko ngayon?. Ano ba talagang meron sa librong ito at bakit sila napapalapit sa akin?.  At ano bang misyon ang pinagsasasabi ni Mela? Sobra akong naguguluhan, bigla akong napatitig sa dalawang librong hawak ko ngayon.

Ano ba talaga kayo? Bakit niyo ba ginugulo ang buhay ko? At ang hihiwaga ninyo sa paningin ko?

TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon