Kabanata 1

681 21 7
  • Dedicated kay Shance Martinez
                                    

P.S: Meet Allison Madox the "Queen of the Bullies". See the pictures above


~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Ngayon isasauli ko na ang blue book ninyo at babasahin ko kung sino ang nakakuha ng mataas na marka at nakakuha ng mababang marka" Sabi ni Mam Che, nakita ko naman na kabado ang kambal.

"50, Storm Micah" Sabi at ibinigay yung blue book kay Storm

"Yes, thank you ng marami Lord" Sabi naman ni Storm na nagpalundag-lundag pa sa tuwa habang hawak hwak yung blue book niya.

"Followed by Reyn Chandria, she got 48"

"Ang daya naman, nag-aaral naman ako ng mabuti ba't hindi parin kita mapapantayan?" reklamong sabi ni Reyn sa kakambal niya "Siguro nang daya sa exam ano o baka naman kinuha mo yung Answer Key ng school?" dagdag pa niya

"Excuse me, I'm not like you. I was born smart hindi ko na kailangang manguha ng answer key no." pagmamayabang saad ni storm sa kakambal niya.

"Ikaw alli, anong score mo?" sabay na sabi ng kambal sa akin.

"I don't know" sagot ko at tumungo para matulog na sana kaya lang

"Tsk, tsk tsk" narinig kung sabi ni mam che, naimulat ko naman ang aking mga mata at napatingin sa direksiyon niya at nakita ko rin na nakatingin siya sa akin " Susmaryosep, Marka pa ba ito?" nagpaparinig na sabi niya " Ang nakakuha ng pinakamataas na marka na hinding hindi mo mapapantayan walang iba kundi si Allison Madox, nakakuha lang naman siya ng perfect 1 score sa exam. Let's give her a round of applause" pabalang na sabi niya sa akin at pumalakpak pa.

"Tsss", ang nasabi ko nalang at tumungo ulit para umidlip

"Ano bang plano mo sa buhay Allison?. I give my best para naman matuto ka at 1 lang ibibigay mong score sa akin? Ano namang gagawin ko dito?" galit na sabi niya sa akin napatingin naman ako bigla sa kanya at binigyan ko siya ng nakakabagot na tingin. Akala mo naman nanay ko kung magalit sa akin. OH EM ZEE, OH EM ZEE-

"pwede mo namang kainin kung gusto mo" tanging saad ko nalang at naghiyawan naman yung kaklase ko. " Your the best Allison" rinig kong sigaw nila habang yung guro naman namin ay parang puputok na sa galit.

"Hindi ka na nga matalino, bastos ka pa. Paano ka ba pinalaki ng magulang mo?

"Don't waste your time asking me, kasi kahit ako hindi ko alam ang isasagot sa mga katanungan mo. CLASS DISMISS!" tinalikuran ko silang lahat at laking gulat nalang ng kambal sa ginawa ko pero hindi naman sila sumunod sa akin dahil alam kung ginawa nila iyon para hindi masira ang pangalan nila. Takot kasi mapagalitan yung mga yon. Pumunta nalang ako sa cafeteria dahil binabagot ako at gusto ko mang trip. Hindi naman ako nagkamali mukhang masisiyahan ako ngayong araw na ito dahil nakita ko yung babaeng palagi kong pinag tri-tripan.

"Hey!" sabi ko habang nakahawak sa aking baywang at pinagsisisipa yung upuan niya. Nakita ko naman kung paano siya matakot nang makita ako.

"A-Allison, anong kailangan mo?" takot na takot na tanong niya, napangiti naman ako dahil doon. Dapat lang na matakot ka.

"What did you say? tinawag mo lang akong Allison? Hindi ba parang ang sagwa pakinggan at nakakawala ng respeto iyon pagtawag na ganun sa akin? How rude of you naman" tahimik lang siya habang nakatungo at parang mangiyak-iyak na.

"Queen" seryosong kong sabi at nakatingin naman siya sa akin na may halong pagtataka sa kanyang mga mata at tumungo ulit.

"Call me Queen!" utos ko sa kanya. Still nakatungo parin siya at hindi gumagalaw. "Until now hindi kapa ba din aware dun? Call me Queen NOW!" nagulat naman siya sa biglaan kung pag sigaw narinig ko na rin ang mga bulung-bulongan sa loob ng cafeteria. Mga Chismoso't Chismosa.

TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon