HMHASMB #15: THE FIRST MOVE

109 10 0
                                    

THE FIRST MOVE

"Magsisimula na rin sa wakas ang matagal na naming hinihintay" Yan ang sabi ng mga Rostavilli kung saan kabilang ang ka grupo ng P5. Ang rostavilli ay ang pangalawang pinakakilalang "MAFIA" sa buong mundo. Sila ay ang pangalawang gang na sobrang kinatatakutan ng iba.

"I miss you Baby" Yan ang sinabi ni Luke, sabay halik doon sa mga pistol na kinuha niya. "Magagamit na ulit kita sa wakas"

"Mamayang gabi na natin gagawin ang misyon natin" biglang sabi ni Lead sa kasamahan niya. "Ayos!" Ang sagot naman ng iba.  "Pero Lead, anong gagawin natin sa mukhang unggoy nato" Pagputol ni Xav sa kasiyahan ng kasamahan, sabay turo doon sa lalaki na hanggang ngayon ay nakaupo parin na namimilit sa sakit na natamaan ng bala sa kanyang dalawang binti.

"Pahirapan niyo hanggat hindi nagsasalita ang ungas na yan" nakatalikod na sabi ni Vence. "HAHAHA! Ayos, handa na ulit tung bala ko---Aray" hindi na niya natapos ang sasabihin niya dahil binatukan na siya ni Vence. 

"Bakit na naman lead? Akala ko ba papahirapan natin yan?" Sabi ni Xav

"Oo, nga pero hindi ikaw. Kundi sila" Sabay turo doon sa iba pa nilang kasamahan. "Eh! Anong gagawin namin?" Pagmamaktol na parang bata na sabi ni Xav. Napa facepalm naman si Vence ng wala sa Oras.

"Papipiliin ko kayo, Mas gugustuhin mo bang papahirapan yan o sasama ka?" Bigla namang nabuhayan si Xav "Syempre ikaw pa Lead, sasama ako"

"MICHAEL, XAVIER, LUKE, NATHAN, Sumama kayo sakin may pag-uusapan tayo" naglakad siya papaalis pero bigla naman siyang huminto at tumingin ulit sa kasamahan niya "Kayo na ang bahala diyan sa g*gong yan, pag hindi parin magsalita alam niyo na ang gagawin niyo"

"Yes Boss" pagsang-ayon naman nila

Pagkarating nila sa conference room ay biglang nagsalita si Vence

"May gaganaping party mamaya si Mr. Francis Gray dahil kakauwi lang ang anak niya galing sa Europe. All we need to do it to kill Mr. Francis Gray he is also the secret second Mafia Leader of the Loacart Mafia. Siya ang nagpapadala at nagbebenta ng pinagbabawal ng druga. " 

"How did you know Lead?, Imposible ang nasa isip mo. Paano mo alam na si Mr. Francisco is the second mafia leader at siya rin ang nagbebenta ng mga druga?" Pagtatanong ni Nathan at sumang ayon naman ang lahat sa kanyang sinabi.

"Simple, when I have a small vacation in korea. I saw him"

"and? Anong connect doon?" tanong naman ni Michael na mukhang nagtataka

"I saw him at palihim siyang nagbebenta ng mga drugs. Una hindi ko pa siya kilala, pero ng dumating ang araw na parang nagka-interes ako sa kanya. Sinundan ko siya hanggang sa malaman ko ang pangalan niya. And gumawa na ako ng aksyon para malaman ang background niya. Hanggang sa madiskubre kong isa rin pala siya sa leader ng Mafia na kumakalaban sa atin" Seryosong sabi ni Vence sa P5. "Ginawa niya ang pagbebenta ng mga illegal drugs sa iba't-ibang bansa para makakuha ng maraming pera para matumbasan tayo. Hindi natin namalayan na gumagawa ng palihim na aksyon ang kalaban natin, at bago sila magwagi kailangang maunahan natin sila" Dugtong pa niya. Nagpalakpan naman ang P5 except for Nathan and Michael.

"Ang talino mo talaga Lead" nakangangang sabi ni Xav

"The best ka talaga" pagpatuloy pa ni Luke at nagpalakpakan pa. Nagulat nalang sila ng tumilapon ang mesa malapit sa kanila, bago pa sila mataman ay nakailag na sila, bigla naman silang napatingin sa taong gumawa non.

"I'm f*cking serious here! BAKIT NIYO AKO PINALAKPAKAN!?" Paatras ng paatras naman sina Xav at Luke. Nagulat nalang sila ng may papalapit na Vase sakanila. At nakailag naman sila.

TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon