Kabanata 9

169 11 0
                                    

Laking gulat ko ng makita ang dalawang batang lalaki na may hawak na bato. At nakalabas pa yung dila nila na animoy ginagalit ako. 

"Ya! Alam niyo bang masakit yun!" Pero sa halip na sagotin nila ako ay nagkatinginan sila at sabay na tumatawa. 

Aba gago tong mga batang to a

"Bleeeh" walang anu-ano'y pinulot ko yung bato malapit sa akin at ibinato sa kanila. Kababatang tao pumapatol sa maganda lang. Bigla naman silang nakailag agad kaya hindi ko sila natamaan at napatawa ulit. Azaaaaar!

"Aray! Sino yun!" Kunot noo naman akong napatingin sa taong nag sabi non. Laking gulat ko ng bigla itong mapaupo at tumitig sa akin. Taka naman siyang napatingin sa akin.

"Sino may gawa non?" mahinanong tanong niya pa ulit pero nasa mga bata na yung paningin niya kaya ngumuso ang mga ito at itinuro ako. Galit naman akong napatingin sa kanila.

"Alam mo bang masakit yun?" baling ulit ng lalaki sa akin

"Malamang masakit, ikaw kaya batohin"

"Kaya nga, bakit mo ba ako binato na alam mo namang nakakasakit yun"

"E, malay ko bang may tao diyan? At saka isa pa ilog ito hindi higaan!" Aba, ang lakas ata ng sapak nitong lalaking ito a. Kasalan ko bang matamaan siya? Kung alam ko lang na may tao diyan hindi ko siya matamaan. Atsaka hindi naman siya dapat ang babatohin ko a. 

Bigla naman itong tumayo at nag pagpag at aakmang aalis na ng bigla itong napahinto. 

"At isa pa binibini, masyado ka ng matanda para makipag-asaran sa mga bata" 

"WHAT?, HOY ABA GAGO K--" Bigla ko nalang tinakpan yung bunganga ko baka may makarinig pa sa akin dito at ma taychi ako mahirap na. Pero hindi ako nito pinansin at nagpatuloy na sa paglalakad.

Hindi ko namalayan na nandito pa pala yung dalawang bubwit sa gilid ko. Galit naman akong napatingin sa kanila.

"Pangit,  Unggoy!" Sabi nila at tumakbo papalayo.

 Ang gandang unggoy naman nito

Nakakainis anong klaseng lugar ba ito? Creepy and weird. Nananaginip lang ba ako ulit? Kung oo, please gisingin ako ngayon na, ayoko ng manatili pa dito.

Dahil sa nababagot na rin ako kakaupo at kakatingin sa ilog, naisipan ko na ring umuwi na. Hindi paman kalayoan sa mansyon ay sinalubong na ako agad ni Juana.

"Mercedes, saan ka ba galing kanina ka pa hinahanap ni ama?" pag-aalalang tanong niya.

"Wag kang mag-alala, diyan lang ako sa tabi-tabi nagpapahangin lang, masama yung pakiramdam ko e"

"Baka magalit na naman si ama sayo Mercedes, halikana't mag bihis baka mahuli tayo sa misa"

"Misa?. Pwede bang pass mo na ako ate Juana?" Bigla naman siyang napatingin sa akin agad

"Pass?" Takang tanong niya pa. 

Oh em zeeee Alli. Stop being so conyo na kasi e, kaya ka napapahamak. OH EM ZEEE WHAT TO DO! WHAT TO DO!?

"Pass-sa mo nga sakin yang belo mo ate Juana nakalimutan ko kasi yung akin at hindi  talaga maganda yung pakiramdam ko e, para akong lalagnatin" Buti naman nakita ko na soot soot niya yung belo niya. Sana naman tumalab tong palusot kung ito.

"Sabi ko kasi sayo wag mong kalimutan sootin yung belo mo diba?" Kinuha naman niya yung belo niya at ipinatong sa ulo ko. Kahit papano tumalab rin yung palusot ko. "Halikana't hinihintay na tayo nila ama"

"Ate Juana, pwede bang hindi nalang ako sasama masama talaga kasi yung pakiramdam ko e"

"Hindi pwede Mercedes magagalit si ama" Paano ko ba mapipilit tong si ate Juana ayaw ko talagang sumama dahil hindi naman talaga ako yung tipo ng babae na palasimba.

"Halika na" Sabi pa niya habang hila-hila ako. Kung ayaw pumayag ni ate Juana, what if si ina nalang kaya since mahal naman niya naman ako diba I mean si Mercedes. 

GOOD IDEA ALLISON!!

Nang makarating na kami sa loob ng mansiyon, dali-dali ko namang hinanap si Donya Margarita at ng makita ko siyang papalabas lang ng kanyang silid ay tumakbo ako papalapit sa kanya at bigla ko nalang niyakap dahil ito lang ang tanging paraan upang makatakas sa misa.

"Anak, anong nangyari?" pag-aalalang tanong niya

"Ina masama po yung pakiramdam ko"  tinitigan niya muna na ako na para bang hindi kumbinsido kaya't nagpaawa effect na ako. Yung bang pa sekreto kang humihikab para naman may luhang lumabas. Divuuuuuuuh~ 

"Sige na anak magbihis ka na upang makaabot pa tayo sa misa at mabibiyayaan tayo ng grasya" Gulat naman akong napatingin sa kanya.

"Pero ina, masama po yung pakiramdam ko. Parang hindi po ako makakalakad."

"Huwag kang magsalita ng ganyan anak, ipanalangin nalang natin yan alam kung gagaling ka din, manalig ka lang" Like seriously. Tinitigan ko lang siya baka sakaling mag bago ang isip niya. Pero habang tumatagal parang wala talaga siyang balak bawiin yung sinabi niya. What the talagang naniniwala sila sa ganon?. I can't believe them. I have no choice, kundi mag bihis nalang din. Ito na ata talaga ang parusa ko. Welcome to hell-o Allison.











TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon