HMHASMB #25: MEET THE FAMILY

99 4 0
                                    

SAM'S POV

*BLOG

"Aba't Loko, ba't nambabato ka?" Napahiyaw sa sakit ang ungas ng binato ko siya ng libro sa mukha. Hindi naman makapalag yung iba kasi ayaw raw nilang pumangit ang mukha nila, ang kapal talaga. Nakita ko naman si Mike na panay tingin sa akin. Well hindi naman ako galit sa kanya dahil nag e-explain na nga sa akin hindi ba?. Medyo AWKWARD lang.

"Yah! Why are you here?" Kanina medyo gulat pa siya, ngayon nakasingkit na habang nakatingin sa akin. Hala, ano nagawa ko? Binato ko lang naman siya ng libro ah. Pero medyo masakit din yun.

"Are you still stalking me?" Haah, ang kapal ng mukha "Hindi, bakit naman kita i-sta-stalk diba?. Yang mukhang yan?" I chucked. "Or maybe are you trying to scared us?" tuloy pa niya, What, what did he say? Scare? Napahalagakhak ako sa narinig ko.

"What are you laughing at?. Don't tell me, It's y---" Hindi ko na siya pinatapos magsalita ng binatukan ko siya. Siningkitan niya naman ako ng mata.

"Pwede ba makinig ka muna?" Tumahimik naman silang lahat, habang nag-aabang sa sasabihin ko.

Ano ba ang una kong sasabihin?. "Pwede bang, kami lang mun---"

"HA? HINDI PWEDE, BAKA RAPE-PIN MO PA YANG SI LEA----- ARAY MIKE! Ano na naman?, bakit mo naman ipagkatiwala yang si Lead sa babae na yan?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni Xavier. "Pwede ba, hayaan muna natin silang dalawa?" nakatungong sabi ni Mike bago niya kami binalingan. "Ako ng bahala sa kanila Lead, Sam" Sabi niya habang papaalis at kinaladkad ang dalawa, habang ang isa namang lalaki na may bitbit na libro ay nakasunod, pero tumigil siya sandali bago nagsalita na hindi man lang kami tinapunan ng tingin "Lead, huwag mong kalimutan ang sinabi ko sa'yo" At tuluyan ng lumabas.

"What?, umalis na sila at ano ang sasabihin mo?" Bakit parang nahihiya ako. "Ahm, about the deal. Tuloy parin ba yun?" Tiningnan niya ako na parang nagtataka. "What are you trying to say?"

"Kasi, sa fake marriage nati-----" Nagulat ako sa susunod niyang sinabi.

"I will not do it" sabi niya habang prenteng nakahiga. Hindi niya alam na pinulot ko ulit ang libro sa sahig at ibinato sa kanya.

"Are you going to provoke me?" Galit na galit na saad niya. "Bakit kasi ayaw mo pa gawin yun?" tanong ko

"Eh di ba nga, pa ayaw ayaw ka noon tapos ngayon na ayaw ko na, nag pupumilit ka about doon sa fake marriage na yun."

"You know what Ungas, ayaw ko sana eh. Pero dahil kasalanan mo ito, ipagpapatuloy natin yung Fake marriage na yun?"Nahulog naman siya sa sofa. Bago siya napatawa "You mean?" Desperada na kung desperada, mapapatay ako ni Kuya wala sa oras. "Okay, okay"

"Pero bago natin gawin yun, pumunta tayo sa bahay at ipakilala kita kina mama." Sabi ko habang kinaladkad siya papalabas.

 "What the. N----"

"Wag mo subukang mag No. Ipakilala na nga kita kay Mama na ikaw nga yung asawa ko, ikaw pa maarte." sabi ko habang nakatingin sa daan. "I said no, no, no" Nagmamaktol na parang batang sabi niya. Kaya binatukan ko nga ulit "Kanina ka pa nang babatok ah." 

"H'wag ka na kasing pumalag pa." Hindi na nga siya pumalag. Natatawa nalang ako sa inasal ng lalaking ito. Minsan pala hindi lang siya siga, maypagka childish din pala tong ungas na ito.


SOMEONE'S POV

"What the. N-----" Rinig ko ang boses ni Vence na papalabas sa tambayan nila habang kinaladkad siya ng asawa niya, kaya nag tago ako bigla. Hindi nila ako masyadong nakikita dahil medyo nasa sulok ako. Kaya dali-dali kung kinuha ang cellphone ko at kinuhaan niya ng video.

  "Wag mo subukang mag No. Ipakilala na nga kita kay Mama na ikaw nga yung asawa ko, ikaw pa maarte."  I smell something victory on this video. "I said no, no, no" May ganito palang side ang lalaking ito. At sa babaeng yan ko lang nakita na ganito siya.

  "H'wag ka na kasing pumalag pa."  ang sabi ng babae at hindi ko na sila nakita ng tuluyan. Ipinasa ko na ang video sa Big Boss ko bago ko ibinulsa ang cellphone ko.

"Sino ka?" nagulat ako ng biglang may nagsalita sa likod ko.

"Tama nga ako, Babae nga hahahaha" Sabi ata nung luke na iyon.

"Paano mo nalaman eh, naka hood oh plus nakalikod pa?" Tanong naman ata ni Xavier.

"Kita mo naman ang katawan. Yummyness" Kadiri naman itong lalaking ito.

"Inuulit ko, sino ka?" tanong ulit ni Mike.

"No need to know me, dahil makilala niyo rin ako sa bandang huli." I wear my mask, bago ko sila pinagsisipa ng matumba na silang lahat saka ako tumakbo ng malakas at tumalon sa may bintana. I told you, I smell our VICTORY.


SAM'S POV

"Ano?, may plano ka pa bang ipakilala ako sa mama mo?" Kanina pa siya dada dito, nakakairita na. "Pwede ba manahimik ka nga muna?"

"Aba't babae, kanina pa tayo dito sa labas ng bahay niyo, kung ayaw mo edi. Babalik na ak--"

"Ito na nga oh, lalabas na." dali-dali naman akong lumabas sa kotse, Nak ni memeng. Nagkakarera na na naman ang mga kabayo sa dibdib ko. " ANO BA BILISAN MO NGA" hinila ko naman ang mga kamay niya papunta sa loob ng bahay. so it's means nagka H-H-W-W- "HOLDING HANDS WHILE WALKING"

"Sam, ba't ang ag----- Owww, ikaw ba yung asawa ng anak ko?" Bakit hindi man lang nagalit si mama sa halip, lumapit siya sa akin Oh I mean sa kanya lang pala tapos, tiningnan ng maigi ang mukha niya.

"Ma, hindi pa ba naka-uwi si kuya?"

"ayy andyan na ang kuya mo anak, pababa na rin yun" Si kuya nalang yung kulang. Oh no, si papa pa pala. Bakit nga ba hindi na nagpaparamdam si papa?. Nakita ko naman na pababa na si kuya. 

*TUGUTUG *TUGUTUG *TUGUTUG

Pababa na siya, heto na naman ang letseng kaba ko.

*BLOG

Nagulat ako ng wala ng nakakapit sa akin, napatingin ako sa katabi ko na nakahandusay na sa sahig.

"Kuya, what did you do?" Nilapitan ko naman si Vence. "Are you okay?" Nag-alala kong tanong "Yeah" ang tanging sagot niya. "Kuya, naman."

"Umpisa lang yan okay?, Pag sinaktan mo si Sammy hindi lang yan ang aabutin mo. At isa pa pala" Susuntukin na niya sana ulit si Vence ng pumagitna na ako. "Kuya, ano ba."

"Sammy! Nahihibang ka na ba?. Okay na sana sa akin ang mag bo-boyfriend boyfriend ka eh, pero. Kasa-Kasal? Is this a joke?. Nung una lang, brokenhearted ka tapos nalaman nalang namin na kasal ka na? Ano to Sammy lokohan?" 

"Kuya." Hindi niya ako pinansin dahil hinarap niya si Vence

"Tell me, Do you like my sister?" napatingin naman ako kay Vence. Kinakabahan ako sa bawat salita binibitawan niya. "No" Ang tanging sagot niya, bakit parang ang sakit. No, no, hindi dapat ako magpapa apekto dahil sa umpisa alam ko namang laro lang ito eh. PEKE LANG. Tinitigan naman ako ni Kuya. Ah nak ni Memeng. ayaw kong tumitig sa kanya baka iiyak na naman ako.

Bakit nga ba ako iiyak? Bweset to.

"Gago ka pala eh, bakit mo pa pinakasalan si Sammy kung hindi mo naman siya gusto? Tapos hindi ka man lan-----" Hindi na natapos ang sasabihin ni Kuya, maski ako nagulat sa sinabi niya.

"I don't like her. Because I love her." Bakit ang lakas na naman ng tibok ng puso ko. Bakit ka ganyan Vence?. Wag mo sana ako i-pa-fall sayo baka hindi mo ako saluhin eh.

"I don't believe you." Tanging sagot ni kuya. "I don't care if you believe me or not, the important thing is Sam believes me." Hindi ko napigilang napaluha.

"Umiyak nga si Sam eh HAHAHA----"

"Tears of JOY to kuya, TEARS of JOY" Sabi ko habang ni yakap si Vence. I deliberately hug him without any reasons. Wala akong pakialam kung nagulat siya sa ginawa ko, maski ako nga rin eh. Para mawala ang kahihiyang ito, just go with the flow nalang. Basta masaya ako. Masaya ako sa ginawa ng ungas na ito.




Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 26, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

TWO WORLDS (ON GOING- EDITING)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon