First Meeting

20 1 1
                                    

ADRIAN'S POV

Unang una na araw ko sa pagiging transfer student late ako, o malelate pa ata. Bakit traffic? Grabe naman umagang umaga, tsk, tsk. Wala pang taxi na masakyan.

Only choice ay ang mag jeep. Nung pag sakay ko okay pa, akala ko aalis na. Pero, anak ng tinapa, anong "dalwa pa dalawa pa oh, kaliwa't kanan" sigaw ng barker. Ano to? Sardinas? Puno na manong puno na what the, okay, halos di na nakakaupo ng maayos yung matanda, o nakakaupo pa ba si Lola?. Di man ako sanay.

"La, upo na po kayo dito, sasabit na lang po ako"

Ang hangin, Oo sumabit na lang ako para makaupo si Lola. Kawawa naman e, naalala ko yung Lola ko sa kanya.

Pag dating ko sa University, naligaw pa ko. Sakto, magkasabay lang kami dumating ng Professor..

Umupo nalang ako sa kung saan ko unang makita na di pa occupied na seat.

"Excuse me, is this seat vacant?"

"Uhmm, yes." sabi niya.

"okay thank you"

Tuwing First day ba talaga ng Semester may introduction? -.- ayoko masyado ng mga ganto,Name, Age,Saan Galing, hobby, personality kung gusto mo pa idagdag daw. Nag simula dun sa harap hanggang sa katabi ko na

"uhmm A-A-Ako pala si Zo-oo-ooey Minalas, uhmm 17 years old, made and born sa pilipinas mahilig ako magbasa yun lang nice to meet you all."

Tapos ako na, Sana hinabaan nya ng konti.

"Uhmm, Hello, My Name is Adrian Caster. 19 years old, from San Francisco. I love racing and swimming. Have a Great day thank you"

Yun at yun lang ang ginawa namin sa umaga, at hula ko hanggang hapon.

palabas ako ng classroom ng may nakaiwan ng eyeglass. panigurado ako ito yung eyeglass ng katabi ko nung first subject at kaklase ko sa last subject. Joey? Jodie?Joley? ba ang pangalan nya?

Oh well, ibibigay ko nalang to pag nakita ko siya mamaya o bukas, o kaya hahanapin ko na lang siya.

*Can't hold us*

Unknown Number

"Hello,?"

"Hey Kuya."

"Raven?"

"Kuuuuuyaaaaa!!"

"Hey, what's the matter?" makatawag wagas " where are you?"

"Here on your school"

"what are you doing here?"

"same as what you're doing here"

You might be thinking, why is she already in college but calls me kuya. Well she does not want to study abroad back then. Kaya yan nag paiwan sa pinas, palibhasa lolo's girl. Kaya halos magkasabay kami sa college. At ako bakit ako pumayag? simple lang ayoko magpaiwan dito. *wink* bad memories.

"okay I'll see you later."

"kuya, you seem looking for someone? a girl perhaps?"

"how, paano mo nalaman?"

"i can see you here"

"where are yo---" toooot aba lokong bata binabaan ako ng telepono. nagulat nalang ako ng may biglang may tumalon sa likod ko sabay yakap.

"kuya, I'm here." muntik na kong ma-out of balance. wait yung salamin. nabitawan ko.

"Raven wai--"di ko na naituloy yung sasabihin ko.

CRACK~ Naapakan nya na. *face slap*

ay patay na. tsk tsk. yung salamin nya. nasira na.

"Raven!"

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon