CHAPTER 16: Blind Date huh?

7 0 0
                                    

ZOEY’S POV

~Miss Jackson playing

RAVEN GANDA CALLING… ~

Hello?”

“Zoe! Meet me sa tambayan.”

“er? Bakit? May trabaho ako.”

“CODE blue.”

“okay, ngayon na ba?”

“yeess. See you later best friend.”

“okay bye.”

~toooooooooooot

Okay that was weird. But anyways, Kailangan ko malaman kung bakit. Kaya nag-paalam ako kay manager. Buti nalang konti lang yung customers.

Palabas n asana ako ng

“Saan ka pupunta?” tanong ni Adrian

“Tinawagan ako ni Raven, best friend ko. Kailangan nya daw ako.”

Nanlaki mata nya. “bakit?” tanong ko.

“Ah, wala. Sige ingat.”

“Okay.”

At lumabas na ako ng shop.

***

SA TAMBAYAN

Tambayan. Actually tree house siya. Na may duyan na gulong. Pinagawa ng lola nila Raven para samin. Bago siya mamatay nung sumunod na taon. Natanaw ko yung tambayan. Mukhang walang tao sa tree house walang ilaw.

"Raven!" sigaw ko. Nakita ko na may tao sa swing na gulong.

Dahan dahan akong lumapit. "Husst. Raven. Bakit?"

Tumayo yung tao sa duyan. At dun ako natigilan. Hindi sya si Raven. Patakbo na sana ako ng bigla nya kong tawagin.

 "ZOEY!"  Napalingon ako. At huminto.

"Sino ka?"  tanong ko.

"Pinapunta ka rin ba ni Raven?" habang naglalakad siya palapit sakin

"Di mo sinasagot ang tanong ko." habang paatras akong naglalakad, palayo sa kanya.

"Wait. Dyan ka lang."

"At bakit ko naman gagawin yun?"

"Kasi wala naman akong gagawing masama."

Natigilan ako.

At lumapit siya.

"Ako nga pala si Todd Chad Mercado. Groupmate ni Raven Caster."

"Paano mo nalaman yung pangalan ko?"

 "nababanggit ka nya kasi samin."

 "Bat ka nandito?"

 "Ha?"

 Gwapo sana kaso binggi.

"Bat ka nandito sa tambayan namin?!"

 "Ah, tinext kasi nya ko imeet ko daw siya dito. Ikaw?"

 "Tinawagan nya ko. Imeet ko daw siya dito."

 nagkatinginan kami.

"Sinet-up nya tayo!" sabay naming sabi.

At natawa naman kami.

"ano ba yan! Kinailangan ko pa umabsent sa PTJ ko."

"PTJ? "

"Oo, Part-Time Job."

"Saan?"

"Sa coffee bean. Coffee shop siya."

"Halata nga."

Grr,. Obviously.!

"Babalik na ko"

"So, iiwan mokong magisa.?"

"E bakit naman hindi?"

"Syempre, konting awa naman sakin."

nga naman. Kawawa nama siya kung Magisa lang siya.

"wala ka bang gagawing iba?" tanong ko

"Wala."

"edi umuwi  ka nalang." Suggestion ko.

"Ayoko muna, nakakasakal dun."

"dito ka muna kahit isang oras lang." dagdag pa nya

*Sighs*  "okay, ikaw na ang magaling mangonsensya."

So yan naupo kami sa damo. Nagkwentuhan, nagtawanan, nagasaran. Mabait naman siya at madaling kausap.

Mamaya maya pa. Napatingin ako sa orasan ko.

"Tsk. Sabi ko isang oras lang. "

"Hahaha. Oo nga noh. Naka tatlong oras ka na."

"Hehehe. Osya. Aalis na ako. Umuwi ka na.din."

"Hatid na.kita?"

"Wag na nakakahiya"

"Hindi, hatid na kita. Tutal ako naman yung dahilan kung bakit ka nalate na umuwi."

Tumungo nalang ako. At naglakad na kami.

Pag dating ko sa bahay.

"Adrian?!"

***

END OF CHAPTER 16

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon