P.B.T.L : First Real Encounter

9 0 0
                                    

Adrian's POV

Hanggang ngayon kinukilit ako ni Raven sa Research nya. Ang kulit grabe. Kailangan ko siyang layuan muna ang kaso nakatira kami sa iisang bahay, mukhang mahirap gawin yun.

Kailangan ko maging busy.

COFFEE BEAN

(Coffee, Pastries and Tea)

Is urgently hiring for personnel

Must be:

18 years old and above

blah blah blah.

Ito na ang sagot sa problema ko kay Raven.

Magaaply ako dito.

Nung nasa dressing room ako,  may napansin akong tao sa pinto, more specific babae sa pinto. Humarap ako, sabay sabing

"Are you done checking me out?" habang inaayos yung damit ko.

"Excuse me?" haha, namumula siya.

ito  yung kausap ni Raven kanina.

Wait

Kaklase ko to sa Literature

Si

.

.

.

.

.

.

Zooey.

"Are you finish changing? 'cause I need to change too." biglang tanong nya

Napangiti na lang ako, Small world. At lumabas ng kwarto.

Ganto pala dito tuwing 5 o' clock na ang daming tao.

at sa dinami dami ng taong makikita ko, Si Raven pa.

Patay ako pag nalaman nya na dito ako nagtratrabaho para iwasan siya sa bahay.

Biglang sumulpot si Zooey, "Okay ka lang?"

"Oo, naman bakit?"

"Para kang nakakita ng multo,"

"Sa loob lang ako."

"Ay, tsk tsk, ako na nga yung nagtitimpla ng kape, ikaw dun sa counter daleee." Sabay Tulak sakin palabas ng Staff room

"Wait! may tinataguan ako okay."

"ooooh."

akala ko labas na ko sa gulo. "Sino??" biglang tanong ni Zooey.

"Ah basta."

"Di kita tutulungan pag di mo sinabi.."

Black mail pa ko? Ayos to ah.

"Isa----- dalwa---- Tatlo--- sasabihin ko kay Manager umiiwas ka sa trabaho, Maaaa---"

tinakpan ko yung bibig nya, " Oo, na sasabihin ko na OKAY?" pabulong kong sinabi.

"Ayun yung babae dun na naka- pula at naglalaptop sa corner."

Nanlaki yung mata nya, tas kumunot, Narealize ko ang lapit namin sa isa't isa.  parang bigla akong nakuryente, Binitawan ko siya. "Happy?" tanong ko sakanya.

"Hmm, di ko makita, near sighted ako e, Malabo paningin ko nawawala pa yung salamin ko." Nag-shrug siya habang pabalik sa labas.

Konsensya, ako nga pala yung nakasira ng salamin nya, Well I mean not directly but still.

============================================================================

Author's Note

well guys, soorry kung mabagal yung progress ng love story nila Zooey at Adrian, Masyadong madami akong plano sa utak  di ko alam kung paano pagsasamasamahin.

basta stay patient, stay with me, and I will try na next chapter may kilig moment na talaga, Ifafast Forward ko na :)

Between The LinesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon