“Dito tayo sasakay.”
Pahayag ni Juan nang marating na nila ang headquarters.
“Ano ito?” tuleleng na tanong ni Pedro. Tuleng na tuleng ang dating habang pakamut-kamot sa kili-kili.
“Di ba ikaw ang may sabi na sa spaceship tayo sasakay? O, ayan ang spaceship.” Pinakita ni Juan ang pinagmamalaki niyang spaceship. Ang spaceship na pinaghirapan niya for just five months. Tinalo pa niya ang NASA sa pagpoproduce ng high techs space automobiles. Wow terms, ahaha.
“Ito ang FLY FLY 0210. Ang produkto ng aking pagsisikap.” Pinindot ni Juan ang hawak niyang remote control. Lumabas ang isang kahanga-hanga at super high tech na imbensyon.
“Ano ito? Dito tayo sasakay? Pinagloloko mo ba kami?” pagrereklamo ni Sanggano. “ Eh isa lang itong higante, lanta-lanta, mabantot, at kulu-kulubot na kabute!?” nangangasim pa ang mukha nito na parang suka.
“Oo nga, paano tayo sasakay dito? Eh, kabute lang ito. Sabi mo spaceship? E bulok na kabute lang ‘to Juan. Kahit siguro ang seven dwarfs walang ganang sumakay dyan.” Segunda ni Gurax.
Ngayon lang nagkasundo ang dalawang ‘yan. Pagbigyan nyo na.
“Ah, ako. Ang mahalaga. Makapunta ako ng Mars. Kahit pa saan nakasakay go ako.” Sabi ni Pedro na ngingiti ngiti pa habang kumakayat na naman ang sipon.
Naeengotan na naman ang mga kaibigan kay Pedro. Sa halip na kaawaan siya sa sinabi niya, pinagtawanan pa sya ni Sanggano. (Devil Sounds)
“Engot ka talaga, Pedro. Kahit nga sa dagat hindi ka makakalutang dyan! Eh yung paglipad pa kaya sa kalawakan? Tsk. Tsk. Tsk. Walang utak mga tao rito.” Umiling-iling pa ito na simbolo ng pagkadismaya. “ Puro kabulastugan na yata ang nangyayari rito.Mas mabuti pa umuwi na lang ako kumain at matulog. Kaysa sumama sa mga sira-ulong kagaya ninyo.” Panlalait pa ni Sanggano habang naglakad na palayo.
Nagpakabasang-sisiw naman itong si Pedro at nagmistulang paiyak. Nasaktan yatang sabihan ng sira-ulo. Pero sabi nga nila, The truth hurts you most. Hehe.
“Ang sakit mo namang magsalita. Sabagay hindi ka naman namin pinipilit eh. Umuwi ka na kung gusto mo. Basta huwag kang hihingi ng pasalubong ha. Balita ko masarap daw ang martian burger at spaghetti. With coke float. Bida ang saya.” Pagdedepensa ni Pedro sa sarili.
Ngunit hindi naman nagpatinag sa advertisements si Sanggano at nagpatuloy na sa paglalakad.
Mababanaag naman ang pagkadismaya sa mukha ni Juan T. All his life pinagbuhusan niya ng pansin ang pagbuo ng spaceship na ‘yon. (Take note six years old pa lang si Juan.) Pero, sa bandang huli- panlalait ang natanggap niya. Pandudurog ng damdamin. Sa mismong kaibigan pa niya. It hurts you know. He can’t get over you. Emote na emote na si Juan. Siyempre, siya ang bida,kailangan ng facial expression.
“Wala na akong magagawa pa sa naging desisyon ni Sanggano. Kung ayaw niyang sumama sa atin. Hindi ko na siya pipilitin pa.” pahayag ni Juan na may kirot at hapdi sa puso at damdamin.
Dumilim ang paligid. Sagisag na paparating na ang nagbabadyang ulan. At ang nagbabadyang pag-utot ni Gurax.
PROOOOOOOOOOTTTTTTT!!!
Mango Flavor.
“Ooooopppssss. Pasensya na kayo guyz. Mukhang natatae na yata ako. Pwede na ba nating bilisan?” request nito na hawak na malaking pwet.
“Sige.”
Tining-tining-tining-tining-tining-tining……….
Bumulusok sa harapan nila ang kabute. Lumabas ang hightech seat with life insurance tickets na nakadikit sa upuan.

BINABASA MO ANG
Ang Napakawalang Kwentang Kwento ng Buhay ni Juan Tamad
HumorSa mundo ni Juan Tamad, laging masaya at walang problema. Kasama ang crush at buong barkada. Kung saan malaya kang mamayabas kahit may klase. Pwede mag-out of the world. Kung saan ang kontrabida ay ang mga gurong walang ibang itinuro kundi paulit-ul...