Ang Pagwawakas (Buti Naman)

171 3 2
                                    

“Nasaan na ba kasi ang mga magnanakaw na iyon ha? Sanggano? Sampung taon na tayong naghahanap pero hindi pa rin natin nakikita ang mga bwisit na iyon!” galit na galit na si Mang Tibyong. Mukha na kasi siyang naghihirap na kikay. Puro butas na kasi ang maong niyang pants.

“Eh, sabi po kasi nila pupunta silang Mars eh. Kaya sinundan natin sila dito. Sabi nyo kasi hanapin natin sila eh. Kasalanan nyu to!!” sinisi pa ni Sanggano si Mang Tibyong. Para na rin kasi silang tinuyong pusit. Hindi na sila kumakain since they left the Philippines.

“Eh, kung ikaw naman kasi itong si Tanga! Naniwala ka naman agad! Eh..ang lawak lawak nitong Mars! Sa tingin mo malilibot natin ito! Baliw ka din noh! Yan tuloy…hindi natin alam kung ano na ang gagawin natin! Masyado ka kasing—

“Kasalanan nyu ito. Kung hindi kasi kayo emote na emote na hanapin ang mga yun hindi sana tayo makakarating dito sa Mars! Kasalanan nyu ito!” paiyak na talaga si Sanggano. Namimiss na niya si Mommy niya.

“Hindi na tayo makakauwi! Nawala na ang passport natin!”

Napaluhod na lang ang dalawa. Wala na silang magagawa kundi maghintay na maipasa ang Freedom of Information Bill.

Dun na yata sila magkakaanak sa Mars.

“At dahil hindi mo nagawa ang pinagagawa ko sa’yo Susang, hahahaha…ito na ang katapusan mo!” pananakot ni Maam Mam kay Susang.

“Maam, pakiusap…huwag nyo pong sasabihin kay Juan na crush ko siya…Please!” todo-luhod na si Susang mula sa canteen hanggang sa faculty. Pero hindi niya napigilan si Maam Mam.

“Juan! May dapat kang malaman tungkol kay Susang!” walang kagatul-gatol na pahayag ni Maam Mam.

“Ano naman yun Maam?”

“Naikaw ay….”

Tsug! Tsug! Tsug!

Napakabilis na ng tibok ng puso ni Susang. OMG! Mabubuking na ang feelings niya!

“Juan…”napahawak na lang si Susang sa mga kamay ni Juan dahil sa takot sa guro.

“Ikaw Juan ay crush ni Susang!”

BLLAAAAAGGGGGG.

Parang nahulog sa double-deck na higaan si Susang. Hayun. At nagblush na parang durog na kamatis.

Pero sa halip na si Juan ang magulat, si Maam Mam pa ang nagulat.

“Eh bakit wala kang reaksyon! Hindi ka ba mabibigla!!? Hindi ka ba mag-eemote!??” banat ng kanilang guro kay Juan.

Napangisi na lang si Juan.

“Maam. Wag nga kayong masyadong tungag!? Eh…kung yun nga na nalaman ko na bakla ang tatay ko, natanggap ko agad…ito pa kayang crush!? Maam naman common sense!?” ahahaha at si Juan pa ang nakatrip mambara sa titser.

Ayieeeee. Halos lumundag naman sa kilig ang puso ni Susang.

So it means pala…WALA NANG PROBLEMA.

Lalong tumindi ang paghawak ni Susang kay Juan. Yun bang parang sila na. As in ‘oficially.’

“Walanghiya ka talaga Juan kahit kailan! Dapat ka nang mapatalsik sa paaralang ito!” galit na galit na si Maam Mam.

Napatawa  na lang si Juan.

“Maam, bago po kayo magalit…gawin nyu na po muna ang report na iniuutos sa inyo ni Prince Epal! Hahahaha!”

Maya-maya nga ay bigla na lang may dumating na pulis at dinakip si Maam. Pero hindi naman pala siya hinuli kundi kakain lang sila sa Food Court.

Kaya hayun..

Si Juan at Susang na lang ang naiwan sa eksenang ito.

Sa kanila na ang sandali.

Sa kanila na ang moment.

At wala nang makakapigil pa sa kanilang pag-iibigan.

Isang pag-iibigang hadlangan man ng KATANGAHAN..

Mananatiling…EWAN.

Pumayag na kayo.

Mahal nila ang isa’t-isa.

Pero as usual.

They live happily….ever….

Teka???

Teka???

Tapos na!

Ano ba yan?

Huwag na yung after.

Hindi naman naging masaya ang pagsasama nila eh. Actually nagkaroon pa sila ng sampung anak  na sunod sa lahi.

And they did not live happily ever after.

Oh…di ba?

Walang kakwenta-kwenta ang buhay ni Juan Tamad?

Kaya wala kayong karapatang magreklamo na hindi kayo satisfied.

Remember: Title pa lang…BINALAAN KO NA KAYO. Ahahahaha…

Good time good time rin kasi pag may time.

SELFIE NA SILA.

*THE END*

Ang Napakawalang Kwentang Kwento ng Buhay ni Juan TamadTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon