“Pinagloloko mo ba ako?” galit na galit na gustong manapak na ang facial expression ni Mang Tibyong. Kanina pa niya gustong sapakin si Sanggano.
“Naku, Mang Tibyong…Eh…hindi ko naman po kayo niloloko eh…” paiyak mode na si Sanggano. Ikaw ba naman ang nasa harap ng isang kikay na matanda ewan ko lang kung hindi ka maiyak.
“Anong hindi niloloko? Di ba’t sabi mo nandito ‘yung mga hinadupak na magnanakaw na ‘yon? Eh bakit wala sila dito?” emotero pa rin si Mang Tibyong. Di malimutan ang mga batang nagnakaw ng bayabas niya. Damot.
“Pramis. Nandito lang po sila kanina. Nagbabalak pa nga silang pumunta daw sa Mars kuno. Tapos may lumabas pang higanteng kabute ‘yon daw ang sasakyan nila. Nababaliw na nga yata talaga ang mga ‘yon. Balak pa nga po nila akong idamay sa mga kabulastugan nilang ek-ek.” Paliwanag ni Sanggano.
“Eh, nasaan na nga sila ngayon?”
“Naku, baka nakaalis na nga po ang mga ‘yun. Baka nasa Mars na.”
Halos batukan na siya ni Mang Tibyong dahil sa naramdamang pagkadismaya.
“Eh, gago ka rin pala eh! Sabi mo mga baliw sila? Eh bakit ngayon naniniwala kang nasa Mars na nga sila? Eh, baliw ka rin palang pating ka eh!”
Puweek. Napahiya si Sanggano dun ah. Sabagay may point nga naman si Mang Tibyong sa sinabi nito. Toinkss. Naging baliw din siya. Shoots!
“Sorry na po. Baka nagtatago na sila. O, baka naman umuwi na…Huwag po kayong mag-alala hahanapin ko po sila para sa inyo, Mang Tibyong. Pramis!”
“Talagang hinding hindi ako papayag, hangga’t hindi ko nakikita ang mga bwisit na ‘yon! Pagbabayarin ko sila sa ninakaw nilang bayabas!” nag-uusok na ang pwet ni Mang Tibyong na parang sinilihan. To the max na talaga ang galit parang may pinaghuhugutan. Comedy naman ang genre ng story na ito, pero itong si Mang Tibyong lakas makaaction. Gusto yatang madiscover.
“Kaya ikaw, Sanggano. Gawin mo ang trabaho mo nang maayos!” Tinutukan siya nito sa sintido ng baril.
Takot na takot si Sanggano ng mga sandaling ‘yon. Nanginginig na ang mga tantalizing lips niya.
“Dahil kung hindi mo gagawin ang trabaho mo.”
SHOOOOOOOOKS!
Pumutok kunwari yung baril.
“Buhay mo ang kapalit!”
“Opo. Opo. Opo.” Luhod na luhod na si Sanggano sa takot na baka mamatay na siya. Pero sa pagtaas ni Mang Tibyong ng baril may napansin siyang likido na umagos na kamay nito.
Hindi dugo!
Hindi pawis!
Kundi…
Tubig!
Pucha!
Lakas makawater gun ng baril ni Mang Tibyong. Kahit ako natakot ako sa water gun. Puteeek. Pauso nitong matandang ito. Kumukontrabida na nga ang dating, palpak pa sa gadget. Sus! Ewan na.
Nagpapahid pa ng whitening lotion si Dokling. Pang-enhance sa look niya. May eksena ulit siya. Kailangan niyang paghandaan. Pangatlong eksena pa lang kasi niya yata ito sa kwentong ito. Siya pa naman ang main kontrabida. Baka magreklamo sa talent fee.
“Nalalapit na pala ang kabilugan ng buwan. Ibig sabihin nun. Nalalapit na rin ang pagkamit ko ng kapangyarihan mula sa prinsesa ng Imburnal. Nalalapit na ang aking tagumpay!”
With matching smiles and demonic tone. Para may dating.
“Pero, bago ‘yun, kailangan ko munang mamalengke. Magluluto ako ng spaghetti! Maghahanda ako para sa celebration ko.”

BINABASA MO ANG
Ang Napakawalang Kwentang Kwento ng Buhay ni Juan Tamad
HumorSa mundo ni Juan Tamad, laging masaya at walang problema. Kasama ang crush at buong barkada. Kung saan malaya kang mamayabas kahit may klase. Pwede mag-out of the world. Kung saan ang kontrabida ay ang mga gurong walang ibang itinuro kundi paulit-ul...