1:04"Aly, hintayin mo ko saglit para sabay na tayo lumabas. Maliligo lang ako"
Kami lang ngayon ni den ang nasa dorm dahil nagsilabasan yung mga teammates namin, gagala raw sila
Well, what's new?Im currently waiting for den kasi sabi niya ihatid ko daw siya sa date nila ni LA mamayang 2pm since ako ang may sasakyan sa amin. At syempre, bilang bestfriend niya, agad naman akong pumayag.
Kahit masakit.
Kahit masakit na nakikita ko siyang masaya sa piling ng iba.
Kahit na masakit na hindi ako iyong taong nagpapasaya sa kanya.
Kahit masakit na talaga.
Pagkalipas ng ilang minuto, naramdaman kong unti unti na akong dinadalaw ng antok, dala na rin to siguro ng pagod sa buong maghapong training.
"Alyssa" marahan kong minulat ang aking mga mata at naaninag ko na ang mukha ni den. Napakaganda niya talaga, no doubt about that.
Mukhang tapos na siyang maligo dahil naka ayos na siya.
"Tara na?"
Akma sana akong babangon nang pigilan niya ako. Umupo siya sa gilid ng kama at mariin akong tinitigan.
"Den? Alis na tayo baka ma late ka pa sa lakad niyo ni LA" tumayo ako at hinila ang kanyang kamay ngunit ayaw talaga magpatinag nitong bubwit na nasa harap ko ngayon.
"Ui den tara na ka-"
"Alyssa, magusap muna tayo please?" Sa tono ng kanyang pananalita, pakiramdam ko ay mag b-breakdown na lang siya anytime.
Umupo ulit ako sa kanyang tabi at di ko na napigilan ang aking sarili na magalala "bakit den? May problema ba kayo ni LA? Sinaktan ka ba niya?"
"Alyssa, sinubukan ko naman eh. Sinubukan ko naman siyang mahalin pero di ko talaga kaya." Kasabay ng paglabas mga salitang iyon ay ang paglabas rin ng luha mula sa mga mata ni den
She looks so fragile right now that it makes me want to keep her in my arms forever.
I cant find the right words to say kaya naman i decided to hug her, trying my best to give the comfort she needs the most at this time.
"Ikaw naman kasi eh!" Pagmamaktol niya.
Ha? Bakit ako?
"Hala! Bakit ako? Dont tell me gusto ako ng pugo mong boylet?" Right now, im trying my best to set off a lighter atmosphere para naman mabawasan yung nararamdaman na sakit ni den
"Besh naman! Ako kasi!"
Magulo rin tong babaeng to eh.
"Oh kanina sabi mo ako, tapos ikaw naman ngayon? Aha! Nambabae si LA no kaya siguro nagkakaganyan ka!" Proud kong sabi. Noon pa man ay may hinala na ako.
At least ngayon may rason na siya para hiwalayan si LA!
"Ako kasi. Ako kasi yung may gusto sayo"
Ako kasi yung may gusto sayo
"Alyssa!"
"Ui baldo ano ba"
Huh?
Napabalikwas ako mula sa aking higaan at agad na tiningnan ang babaeng nakatayo sa aking harapan ngayon.
"D-den?"
"Grabe akala ko ako lang tulog mantika dito, ikaw rin pala. Bangon na dyan at late na ako sa lakad namin ni LA" nakapamewang na ito at bakas sa kanyang mukha ang pagkainip
"A-ah tara na!" Bago ako tumayo mula sa higaan at sundan ang maliit na pigura ni den na papalabas na sa pinto ay sinulyapan ko muna ang table clock sa gilid ng kama ko.
1:48
Tsk.
Ako yung klase ng tao na hindi matakaw sa tulog
Pero ngayon parang gusto kong humingi ng ...
5 more minutes, please?
••••••
Comments and votes are much appreciated :)
BINABASA MO ANG
Shades of Blue (alyden drabbles feat. jhobea)
ФанфикA collection of alyden drabbles. (Plus Jhobea) (Formerly titled as "just a bit")