Time

2.3K 57 4
                                    


"Late ka na naman"


yan agad ang bungad sa akin ng babaeng nasa harapan ko ngayon.


Si Dennise. Ang matalik kong kaibigan. We have known each other for a long time. 'Bestfriends' sa madaling sabi.


Siya rin ang babaeng palihim kong minamahal.


"San ka na naman ba galing at late ka na naman pumasok kanina, ha Alyssa?"

Ayan si Den. Strict pero deep inside nagaalala lang yan, caring kumbaga.


Isa yan sa mga bagay minahal ko sa kanya.


"Ah, eh kasi late akong nagising pasensy-"

"OHMYGOD BESH!" sambit ni Den habang nakaturo sa kung ano mang meron sa open field namin. Agad akong napalingon kung saan siya nakaturo.


WILL YOU BE MY PROM DATE?


Yan ang nakasulat sa isang malaking tarpaulin na hawak hawak ng mga varsity players. Mula sa gilid ay lumabas ang manliligaw ni Dennise, si LA, may dala itong rosas at tsokolate.



Psh, wala na bang iba? Ang common naman niyan.



Pero deep inside, nagwawala na talaga ang sistema ko.


Napakabilis ng mga pangyayari. Kanina lang ay nasa tabi ko si Den, ngayon ay nagtatatalon na siya papunta sa manliligaw niya. "YES"
Sigaw pa niya.


Ang totoo niyan, nahuli ako ng gising dahil inayos ko ang promposal ko DAPAT para kay Den, pero mukhang nahuli na naman ako.



Pano ba yan Alyssa, late ka na naman

-

Mabilis lumipas ang mga araw, mabibilang na lang sa aking mga daliri ang mga natitirang araw bago matapos ang pasukan.


Nakapagdesisyon na ako, aaminin ko na kay Dennise. Wala ng oras kung papairalin ko ang katorpehan ko.


Bitbit ko sa aking kamay ang bouquet of blue roses, bitbit ko rin ang pag-asang sana pareho kami ng nararamdaman ni Dennise.



Papalapit na ako sa kanya, i'm only a few steps away from the girl i have secretly loved for years.


Habang papalapit ako ay napansin kong iba ang ngiti niya ngayon.


Blooming ata siya


O baka sadyang ang lakas na ng tama ko sa babaeng to.


Akmang hahakbang ako nang bigla siyang tumakbo papalapit sa akin.


"Ah Den-"

"Kami na!!"


Ha?


"Kami na ni LA!!" masayang bigkas nito.


"K-kelan pa?" Pinipilit kong huwag ipakita ang pagkadismaya sa aking pananalita.


"Kanina lang Besh! Ang saya ko! Ang saya saya ko!" Sigaw niya habang tumtalon.

Kanina lang niya sinagot

Kanina lang


Late ka na naman Alyssa.

-

Taon na din ang lumipas, parang dati lang eh mga dalaga't binata lang kaming magkakaibigan, ngayon may reunion nang nagaganap. Pakiramdam ko tuloy ay ang tanda tanda ko na kahit 5 taon pa lang naman ang nakalipas.


Nandito ako ngayon sa tapat ng restaurant kung saan magkikita kita kaming magkakaibigan. Di lang raw ito isang simpleng reunion, may iba pa daw na magaganap bukod sa napagusapan.


Being the late comer that i am, syempre dating gawi, late na naman.
Some habits are hard to change, ika nga nila.



Pagpasok ko ay mukha agad ng aking kaibigan ang sumalubong sa akin



"Alyssa! Bat ngayon ka lang? Di mo tuloy nakita yung proposal ni LA kay Dennise, Sayang!" matapos niyang banggitin iyon ay tila nawala na ako sa aking sarili.



Proposal



I must admit, kahit ilang taon na ang nagdaan, umaasa parin ako. Umaasa na kahit sa huling pagkakataon ay magkakaroon ng 'kami' ni Dennise.

Despite having trouble with her sched, Den never failed to keep in touch with us, with me.

Kahit noong naging sila ni LA ay ni minsan ay di nagbago ang pakikitungo niya sa kanyang mga kaibigan, and it made it harder for me to move on.

Kaya ang status ko pa rin ngayon ay "umaasa".

Simula noong banggitin nila ang katagang proposal ay tila ba nawalan ako ng gana makihalubilo sa kanila. I know it's a bit rude, pero di talaga mag-sink in sa akin ang salitang iyon.



"Alyssa!" Si Den.



Ang ganda niya parin. The same girl i fell in love with years ago.



"Pati sa proposal nahuli ka pa! Hahaha, di ka na talaga nagbago. Late ka na naman!"




Oo nga naman Alyssa, hanggang sa huli, late ka pa rin.

Part 2 or nah?

Sorry for the typos ang errors

(Galing to sa story ko na Scintilla, but i decided to delete the book nalang)

Sorry guys kung napaka inconsistent ko when it comes to the language i choose for my stories. Madalas more on english or filipino kung mapapansin niyo :( im working on it naman :) happy 2k!! Thank you readers!

Shades of Blue (alyden drabbles feat. jhobea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon