Vows (last)

2.1K 67 3
                                    

"Besh, sorry kung biglaan yung pag invite ko ng lunch" Alyssa started.

After the argument with Dennise, Alyssa decided to call Ella. Balak niyang gawing lawyer ito para sa case nila ni Den, selfish man pakinggan pero wala ng siyang choice. Kung gusto niya talagang matapos na ang lahat, having Ella as her lawyer would be the best option.

"No worries, basta ba libre mo hahaha" Ella joked. She was trying to lighten the atmosphere kasi ramdam na niya na tensed na ang babae sa kanyang harapan.

"Pero Alyssa, i guess this is it, huh?" She went straight to the point. Napayuko naman si Alyssa after hearing her bestfriend's words. After a few seconds, she brought up her head, anger was evident on her face.

"So sinabi na rin pala niya sayo? Sinabi rin ba niya na nakipaglandian ako sa ex ko?! Sinabi rin ba niya na napakasinungaling ko?! Ang sama sama ko na siguro para sayo besh! Hahaha! Hindi na talaga siya nagbago. Parati nalang naghahanap ng kakampi, so immature!" Halos pasigaw na banggit ni Alyssa. The girl in front of her just stared in awe.

"Ano besh?! Tama ako diba?! Nagsumbong na naman siya!" Alyssa sarcastically chuckled.

Kahit kailan ka talaga Dennise

"Ly, wala siyang nabanggit sa akin or kahit sa mga kaibigan natin. Sayo mismo nanggaling lahat ng iyan ly. In fact tumawag siya sa akin just to tell me na huwag daw akong magdalawang isip na puntahan ka if ever na kailangan mo ako" Alyssa was taken aback by what she just heard.

"P-pero pano mo nala-" Alyssa was already confused and Ella knew about it.

"Paano ko nalaman? Besh, kaibigan ko kayo ni Dennise. Hindi ako bulag para hindi mapansin na dysfunctional na ang marriage niyo. Hindi kayang takpan ng mga ngiti niyo iyang problema niyo" napabuntong hininga nalang si Ella nang makita niya na wala pa rin sa sarili si Alyssa.

"Besh, I am not taking sides ah? But sana nakita mo rin yung paghihirap ni Den. Hindi madaling maging asawa mo Alyssa. We cant deny the fact na maraming nagkakagusto sayo at marami rin ang gusto umagaw sayo. Hindi mo rin masisisi kung bakit protective at selosa si Dennise." And with that, Ella noticed that tears were already forming under Alyssa's eyes.

"She was kind enough-no scratch that. She was beyond kind to be able to tolerate your lousy actions" a voice from behind them suddenly spoke. Agad namang napalingon ang dalawa sa nagmamayari ng boses na iyon. It was beadel.

"Bei.." They both uttered in unison.

"It's really nice to see you both but I didn't expect na itong convo na to ang maaabutan ko." By the looks of it, beadel wasnt pleased by what she heard a while ago.

Naputol ang pag-uusap nilang tatlo namg biglang tumunog ang phone ni Alyssa.

Alyssa went to check on her phone at tumayo agad nang makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Wait lang guys, si mama" paalam niya sa dalawa bago siya lumabas.

"Hello Ma" bati niya rito.

"Anak! Kamusta ka na? Kamusta si Denden? Kelan kayo ulit bibisita??" Bakas sa boses ng mama ni Alyssa ang excitement. Hindi nila nababanggit ni Dennise na nagkakalabuan na sila kaya ang akala ng mga magulang nila ay okay pa rin ang lahat, pero hindi na pala

Hindi pa nakakapagsalita si Alyssa ng bigla na namang nagtanong ang mama niya.

"Nasan na ba si den,anak? Namimiss ko na yung batang yon. Tuwing hindi ka nakakadalaw ay siya ang pumupunta rito sa bahay." And once again, Alyssa was taken aback. Hindi na lang niya pinahalata sa Mama niya ang gulat at baka magtanong pa ito.

Shades of Blue (alyden drabbles feat. jhobea)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon