Chapter 11

82 5 4
                                    

Ken's POV

Well, I'm having no problem. Akala ko mahihirapan ako sa Tatay niya. Boses palang swabe na. Alam kong magugustuhan niya ako. "Upo ka Iho." He said then I smiled. He was thinkin but I know madali lang siya makagaanan ng loob.

"Salamat po."

"Tay...." Tumaas ang kilay ng Tatay ni Dennise. Umupo si Dennise sa tabi ko pero hindi pa hinuhubad ang bag. Parang mahihirapan siyang magsalita. Bubuka palang ang bibig nya'y inunahan ko na.

"Boyfriend po ako ni Dennise." Kita ko ang panlalaki ng mga mata ni Dennise pero I can explain by myself. "Huwag niyo po akong pag-isipan ng masama Tito, matagal na kasi kaming magkaibigan. Sorry po kung hindi namin agad naipaalam sa inyo."

"Sigurado ka bang boyfriend ka ng Anak ko?" Napansin kong parang nagpanic si Dennise. Napataas ang ulo niya.

"Ah Tito, very sure po." Ngumiti ako.

"Tay naman."

"Eh kasi, wala kang nililihim sakin bukod dito." Nakatingin parin sakin ang Tatay niya.

"Nasa mabuting kamay po siya. Gusto niya po kasing ilihim nalang sana dahil natatakot siya. Pero naisip namin na 'wag nalang itago. Pinilit ko po siya.." Napatingin siya sakin at medyo tinabig ko siya para makisakay nalang. "Ayoko po kasing hindi nalalaman ng magulang niya na wala siyang boyfriend, mali po 'yun." Napatingin ako kay Dennise, napayuko nalang siya. Ewan. Hindi marunong umarte.

"Dennise, hindi naman ako against sa lalaking ito." Tinuro niya ako. Okay lang. I understand all Dads in the world. "Pero sana naman sinabi mo, bakit ba natakot ka?" Sinipa ko saglit 'yung paa niya na sumagot. Kahit kasinungalingan lang. Napatingin siya sakin na parang nag-iisip. Lagot. Nablangko pa.

"Eh Tay kasi..." Napakamot siya ng ulo. "Ano eh...." Sus. Magsasalita na sana ako pero naunahan na niya ako. "Kasi Tay nahihiya ako. Mayaman kasi siya." Nyek! Unessential reason. "Baka isipin niyo.... baka isipin niyo, matulad ako sa inyo."

Konting katahimikan. So, what now? Speechless lahat. Tumingin sakin Tatay niya. "Ganun ba?" He said. He's thinkin again. Mukhang may pinagdaanan sila sa kagaya ko.

"Hindi po ako--"

"Alam ko, unang tingin palang. Kotse mo palang. Kaya isa ito sa dahilan sigurong naisip ko. Tama nga ako."

"Kung ano man ang nakaraan niyo, hindi ako ganun. 'Wag kayong mag-isip ng iba." I said.

"Hindi 'yun. Ang akin lang, ang mga magulang mo, paano na kayo kung tumutol sila?"

Tumawa ako tapos napatingin ako kay Dennise. Hindi parin siya ngumingiti. "Alam na po ni Mommy na kami na at botong boto si Mommy sa kaniya."

"Sure ka?"

"Opo! Ipakilala pa kita kay Mommy, hope you like."

"Nahihiya ako. At isa pa...." Nag-isip siya. "Totoo ba yang sinasabi mo?"

"O-opo Tito. Tanong mo pa kay Dennise." Tumingin uli ako kay Dennise pero nakatingin lang siya sa Tatay niya.

"May naging ex ako. Bago pa ang Ina ni Dennise, hindi boto sakin ang Ina niya dahil mayaman. Oo lalaki ako kaya mahalay pero mapababae o mapalalaki, kailangang kalevel ang mapapang-asawa. Hindi ko pingarap na kumapit sa patalim dahil totoong pagmamahal ang gusto ko. Ayoko siya sa mayaman." Tumingin siya kay Dennise. "Pero mukhang mabait ka naman, at madaling kausap, papayag ako dahil mukhang totoo naman ang sinabi mo."

"Salamat po." Nakatawa lang ako. Sabi ko na nga ba, mabait siya. Pagkatapos ay hinatid na ako ni Dennise sa labas.

Nakatapat siya sa kotse ko at hindi nagsasalita. "May problema ba? 'Wag kang mag-alala, pag na-in love ka sakin, papanindigan nalang kita." Tumingin siya sakin.

"Nagtataka lang kasi ako eh, andami daming babae sa mundo, bakit sakin pa." Nagtaray na naman. Haay.

"Ewan ko din. Kasi kasalanan mo yan kaya napagkamalan ako. Ayoko naman na matanggal ka kaya since my Mom badly wants me to be married. Sinakyan ko na. Isipin mong maigi kung bakit."

"Maraming paraan, pwede mong aminin na kasalanan mo para hindi ka makunsensya."

"Ayaw mo ba?"

"Hindi sa ganun Ken. Nagtataka lang ako. Sa gwapo mong 'yan..." Napatigil siya. "Sa itsura mong yan, hindi malayong may higit pa sakin na papakasalan mo."

"Makinig ka Dennise, hindi man naging maganda ang unang pagkikita natin, natuwa ako sa'yo. Hindi naman talaga ako galit, it finds something I don't understand. Sa lahat lahat ng babaeng magpapanggap, ikaw ang gusto ko. Hindi ko alam kung bakit."

"Panggap? So, bakit papanindigan mo pag na-in love ako sa'yo? Sobra na 'yun. Pagpapanggap lang ang gusto mo."

"Pag na-in love ka? Pag hindi, I let you go. Pero dapat, totoo ang nararamdaman mo. Ayoko ng niloloko ako dahil marami akong pera."

Tinuktukan niya ako sa noo ng daliri. "Hey, hindi ako mukhang pera, ngayon din--ayoko nang magpanggap!!" Tumalikod siya.

"Joke lang. O pa'no, I gotta go."

"Bahala ka." Tumingin siya. "Ano pa ang hinihintay mo?"

"Outta my way." Nakaharang kasi siya sa daanan papuntang pinto ng kotse. Dali dali siyang umalis. Akala niya ha! "Bye!" I said again and smiled. Umandar na ang kotse ko. Ewan ko ba. Habang nagmamaneho ako, napangiti ako. I'm having the best time already. Pagbibigyan ko na si Mommy kung ano ang gusto niya. Akala ko kasi lahat ng babae mafeeling eh. Kaya ayoko pang mag-asawa. Ah basta, sana magustuhan nalang ako ni Dennise para makapag-asawa na ako. Ang ayoko lang kasi, baka plastikin si Mommy ng magiging asawa ko. Sabi nila, nai-in love tayo sa hindi perfect na babae kaya tanggap natin kung ano ang meron sila. So, swerte nang Dennise ang nakilala ko. She's imperfect but ang importante, mabait ang magulang niya na nagpalaki sa kaniya. Hindi pwedeng hindi siya mabait. Mataray nga lang.

The Happy Go Lucky Guy And The Anime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon