Chapter 2

193 9 4
                                    

KEN'S POV

Yo! Kenry Mendoza here! 20 years old. 4th year college sa Neko Daisuki University. taking bussiness management. 'Yun ang gusto ni Mom dahil ako daw ang magmamanage ng company at nung school kung saan ako nag aaral ngayon. Yes kame po ang may-ari ng school.

(Ayos pakilala mo dre ah! Ms. A)

Hehehe Ms. A pagbigyan na :)

(Sige na sige na di na ko kokontra. Ms. A)

Thanks Ms. A mwuahhhh :*>

Haaaaaaaaaay! Ang aga aga naman tumawag ni Mom pinapapunta ako sa company, asar! Ayokong pumunta dun! Hindi ako malaya! Ako na naman ang papuppuntahin nun sa mga meeting or kaya party at pag lalong minamalas eh doon ako maghapon sa office kaharap ang mga papeles at anime! Haizt! Pang bata lang 'yun eh! Kaya nga nagsolo na ko kase nung dun pa ako nakatira daming rules ni Mom. Lumipat na ko sa condo na regalo nya saken last year. Well, wala nman akong magagawa kaya kahit ayoko--pupunta pa den ako sa ayaw at sa gusto ko. Mawawalan ako ng allowance, pano nalang ako mabubuhay nun? 'Di ako mabubuhay ng 'di gumi-gimik at walang night life!

*Bangon*

*Ligo*

Etc....

"Done!" ^___^

Sakay na ako ng kotse, tawag na ng tawag si Mom kaya nagmamadali na'ko at pagminamalas-malas ka nga naman dahil my tatanga tangang babae na biglang tumawid, buti nalang astig ako at di ko siya nasagasaan. Okay okay! I admit kasalanan ko naman talaga dahil ang bilis ko magpatakbo ng kotse, para may thrill hihi! Bumaba ako ng kotse para tingnan kung okay lang ba talaga siya, napa-upo kase siya eh.

"Miss! Are you okay?" Tanong ko.

Pero masamang tingin lang ang natanggap ko. Nagulat ako kase bigla siyang tumayo, lumapit sa kotse ko at SINIPA NIYA! Haizt badtrip 'tong babaing 'toh ah! Kabago bago ng kotse ko si-sipain niya lang?!

"Kainis ka!! Pano kung nasagasaan ako?! Pano ko pa makakasama nang matagal ang mga Anime ko! Bwisit!" Aba ok naman siya ah! At anu daw?? Tama ba ang narinig ko? ANIME?? Hahaha isip bata! Medyo nawala ang inis ko, pero di ko pinahalata.

Tuloy pa rin siya sa pagsipa sa kotse ko.

"Oi oi oi miss teka lang! Wag mong sipain 'yang bago kong kotse! Mas mahal pa sa buhay mo 'yan! Ikaw nga 'yung tatanga tangang na di tumitingin sa tatawiran mo eh!" Tumigil siya sa pagsipa sa kotse at tumingin saken.

Hmmm ngayon ko lang napansin. Ang cute niya. Pulang pula mukha niya sa inis.

"Hoy mayabang na lalaki! Aba't ako pa ngayon ang tatanga tanga eh noh! Eh ikaw nga diyan kung maka-asta ka akala mu sa'yo 'tong kalasada!" Ang tapang niya :))

"Hay naku miss. Wala akong panahong makipagtalo sa'yo! Kung okay ka naman eh, aalis na ako!" Sayang! Gusto ko pa sana siya asarin dahil sobrang cute niya. Namumula ang mukha nya sa inis. Pero nagmamadali na'ko, kanina pa tawag ng tawag si mommy eh.

Pagkasabi ko nun--sumakay na ulet ako nang kotse. Pagsarado ko ng pinto may narinig akong tunog. Tunog ng pagsipa na naman niya sa kotse ko. Binaba ko 'yung window. Pagkababa ko ng bintana ng kotse ko .........

"Bleeeeeeeeeh!" Bigla siyang tumakbo paalis. Aawwwwww grabe! Natameme ako dun ah!

Kung kanina ang cute niya lang. Ngayon ang cute cute niya na talaga sobra! Sarap pisilin ng pisngi! Magkikita pa tayong babae ka. Humanda ka saken. *Evil laugh* And then, pinaandar ko na ulet yung kotse ko, baka magalet pa si mommy bawasan pa ang allowance ko.

AT THE OFFICE...

"Good morning Mommy!" Bati ko at humalik sa pisngi niya.

"Hmp! Good morning! Ba't di mo sinasagot tawag ko? 'Di mo'ko namimiss?!" 1 week na kase kaming 'di nagkikita tapos 'di ko pa nasasagot tawag niya.

"Sorry na wag ka na magtampo saken, andito na ang gwapo mong anak oh! I miss you mommy." Yumakap ako sa kaniya *backhug* tapos hinalikan ko ulet siya sa pisngi.

"I miss you too baby." Ngumiti na siya.

"Mom, wag mo na'ko tawaging baby, malaki na ko oh!" Ang mommy ko tawala hanggang ngayon kase baby pa den tawag nya saken.

"Ah basta! Ikaw ang baby ko! Tapos ang usapan!" Ang sweet niya magsalita, kaya sobrang love ko 'tong mommy ko eh! The best!

"Opo na, ano pa nga bang magagawa ko? Hahaha!" At nagtawanan nalang kameng dalawa.

Na-upo na ako sa tapat ng table. Kinuha ko ang cellphone ko dahil kanina pa 'yun nag vivibrate. May narinig akong kumatok.

"Come in." Sabi ni mom, nakayuko pa den ako at nagbabasa ng text.

"Good morning ma'am, eto po 'yung papers na hinihingi niyo sa production department." Narinig kong sabi niya.

Parang pamilyar 'yung boses na 'yun, kaya nag angat ako ng tingin at sakto napatingin din sya saken, napatayo ako at ....

"IKAW?!"

The Happy Go Lucky Guy And The Anime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon