Chapter 10

89 6 2
                                    

Denisse's POV

"Bakit ngayon ka lang?" Tanong ni Cyrine.

"May dinaanan lang."

"Hindi mo ba alam, andito na si Mrs. Mendoza? Buti hindi ka hinanap."


Umupo ako pagdating ko. Si Cyrine lang ang kumakausap sakin.


"I know." Sabi ko then hindi ako makapagstart sa trabaho dahil sa iniisip ko.

"Nagkita ba kayo?" Haizt ang daming tanong.

"Oo!" Sabi ko lang at may naalala ako. "Wala nang magpaprank sakin."

"Bakit sino ba?" Pagkatapos niyang magtanong ay bumukas ang pinto. Napatingin kami at nakita namin si Andrei.

"Denisse, sabay tayo naglunch ah. See ya!" Sabi niya sabay kindat.

"Teka Andrei--"


Bog! Sinaraduhan na kami ng pinto. Hindi ko nasabing hindi ako pwede, lagot.


"Mukhang crush ka ni Andrei ah." Sabi ni Cyrine.


Hindi ko na siya pinansin at nagtrabaho na kami. Oo nga pala, si Andrei! Ano na lang ang iisipin niya pag nalaman niyang boyfriend ko si Ken? Baka isipin pa niya kapit sa patalim. Bahala na. Bakit ba ako kailangang mahiya? Maganda naman ako. Pero nakakapagtaka nga naman na magkagusto sakin si Ken.

Breaktime at nagkita kami ni Andrei sa cafeteria.


"Hi Denisse. Meron nang nakahandang lunch natin. Nakaready na. Pinapaalala ko lang para mamaya." Sabi ni Andrei at may sumulpot sa likod niya.

Si Ken!

"Hi Dear!" Lumapit siya sakin at nagtaka si Andrei. Umakbay si Ken sakin. "Are you lonely this time? Can't we eat together?"


Para namang hindi niya nakita si Andrei.


"Ah eh. Sige. Ah Andrei, I'm sorry hindi ta--"

"Hindi kayo magsasabay." Putol ni Ken sa sasabihin ko.


Haizt, nakakahiya naman kay Andrei. Lumayo kami sa kaniya at nakaakbay parin si Ken sakin. Umupo kami.


"Hindi pa naman Lunch ah?!" Pasigaw pero mahinang boses na sabi ko.

"You're my girlfriend. Baka magtaka si Mommy dahil hindi kita kasama ngayon. Pinag break niya ako at kung sundan niya ako?"

"Haaaaaizt! Oo na."


Kumaen kami at pagtapos ay bumalik ako sa office.


"Denisse? Totoo ba 'yung chismis?" Tanong ni Cyrine. Sabi ko na eh. Haizt!

"Kung ano man 'yan, bahala kayo. Ayoko munang magpaliwanag."

"Bakit hindi mo sinabi agad? Bago ka lang diba? BF mo agad si Sir. Sabagay, hindi na kami magtataka kung mangyari 'yun dahil mayaman si sir!"

"Ah basta!" Nainis ako sa narinig ko. Natakot kasi ako kay Mrs. Mendoza eh. Umaasa siyang girlfriend ako ni Ken kaya napilitan na ako. Baka mawala ako sa trabaho pag tinanggi ko pa.

The Happy Go Lucky Guy And The Anime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon