Chapter 5

161 8 0
                                    

Updated: Oct 29, 2013, 8:50 am

Denisse's POV

2nd day

Excited akong bumangon at maligo para pumasok. Pagdating sa office ibinaba ko na agad 'yung bag ko at umupo pero....

BoooOOooggssss!!!

Bumagsak lang naman po ako. Oo bumagsak ako pag upo ko at napagtinginan na naman ako! Nakakahiya, asar!

"Denisse okay ka lang?!" Nag aalalang tanong ni Cyrine paglapit saken at tinulungan akong tumayo.

"Ouch!" Sabi ko habang hinihimas ang balakang ko. Haizt naman ano na naman po toh?! Ang malas naman. Ay teka wag niyong sabihing prank na naman toh?! Peste talaga! Sino ba kaseng walang magawa 'yun?!!

"Ang bigat mo siguro Denisse ahahaha bago lang yang chair mu eh. " Biglang sulpot ni Jonas. Nang asar pa tong isang toh! Napahiya na nga ako.

Haizt naman!

"Nang asar ka pa nasaktan na nga 'tong si Denisse." Sabi ni Cyrine.

"Sorry naman, ikukuha nalang kita ng bagong chair." Sabi ni Jonas na tatawa tawa pa.

"Sige salamat." 'Yun nalang nasabi ko at inayos ang sarili .

Nagsimula na akong magtrabaho , nakakapagod pero nag eenjoy naman ako. Tapos pag may kailangang dalin na papers para sa ibang area dumadaan muna ako sa production area para tingnan 'yung mga dinodrawing ni Andrei. Ang galing niya talaga grabe! Elibz ako! Sana ganun den ako kagaling magdrawing eh di sana Multimedia ang kukunin kong course . Pero syempre gusto ko den naman ang HRM mahilig naman ako magluto at syempre lalo na ang kumaen hihihi :)

*LUNCH TIME *CAFETERIA*

Parang natakot na ko iwanan 'yung pagkaen ko kaya sinigurado kong bago umalis ng counter kumpleto na ang kailangan ko. Naupo na ko tapos kaen.

*Kaen*

*Kaen*

*Kaen*

"Pwede makishare ng table?" Mejo nagulat ako kase sobrang focus ako kumaen eh. Yummy kaya ng food ko kare-kare :)

"Oh ! Andrei sure, sige." Sabi ko nang nakangiti.

"Thanks, oh dahan dahan lang sa pagsubo ah baka mabulunan ka." Biro niya.

"Naku wag mo na ko pansinin kaen ka lang diyan, hehehe! Ganto talaga ako."

Ngumiti lang siya at pinagpatuloy na namin ang pagkain namin, piling ko may nakatingin saken. Ignore ko nalang tapos kaen ulet.

Haizt! Nacoconscious ako, nag angat ako ng tingin at nakita kong nakatitig saken si Andrei.

"A-ah bakit ganyan ka makatingin Andrei?" Naiilang kong tanong.

Ngumiti siya tapos kumuha siya ng tissue at nagulat ako pinunasan niya ang gilid ng labi ko, ano ba 'yan nakakahiya kay Andrei! Ang kalat ko kumaen parang bata ( >_< )

"Hehe! Tha-thanks, pa-pasensya ka na, nakakahiya naman sa'yo." Sabi ko nang nakayuko namumula na malamang ang mukha ko sa hiya.

Anu ba 'yan? Denisse umayos ka nga!

"Ang cute mo." Sabay pisil sa pisngi ko tapos nag smile pa siya. 'Yung killer smile. Uhmygod! Ang pogi niya pala, ngayon ko lang sya natitigan.

Ang kapal ng kilay niya tapos ang tangos ng ilong nya, ang ganda din ng mata niya at....

"Hey baka laway mu na ang next kong punasan." Sabay tawa niya.

Aaaaargggggg! Grabe Denisse ! Anu bang nangyayare sa'uo?! Umayos ka nga nakakahiya ka! Nun lang ako nagbalik sa sarili napatulala pala ako sa mukha niya.

"A-hahaha pasensya na." Sabay yuko *blush* at pinagpatuloy nalang ang masarap kong pagkain.

Habang kumakaen nagkkwentuhan kame tawanan kame ng tawanan na parang kame lang ang tao dun sa cafeteria. Ang sarap niya kausap may sense of humor. Tapos palabiro din sya, ang kulit niya kaya panatag 'yung loob ko sa kanya. Ang saya niya kausap! Syempwe di mawawala sa usapan namin ang Anime!

Natapos ang lunch namin . ang saya talaga ! ahaha (Di makamove on? Paulet ulet?) Bilis ng oras uwian na naman ! 7pm nandito na naman ako sa table ko at aayusin ko na ang bag ko at eto ako parang tangang sinisilip mabuti ang bag ko baka kase mmay pekeng daga na naman. Pranoid? hahaha! Sensya na nag iingat lang noh!

SAFE! wala naman akong nakitang pekeng daga :))

Nasa labas na ako ng kumpanya para maghintay ng masasakyan, parang may naririnig akong tumatawag sa maganda kong pangalan (hihi piling ba ? naku pagbigyan na) *Tingin sa paligid* at ayun may pumaradang magandang kotse sa harap ko at nakita ko si Andrei.

"hatid na kita Denisse." Nakangiti siya.

"Ha? A-ah wag na nakakahiya nman tsaka ayan na yung jeep oh." Turo ko sa paparating na jeep.

"No! I insist, ihahatid na kita, halika na at wag ka nang mahiya." Magsasalita pa sana ako pero bumaba na siya at pinagbuksan ako ng pinto sa passenger seat.

Nang makasakay na ko umikot naman siya sa driver seat.

"Thank you."

"Hindi ako tumatanggap ng thank you." Oh my god seryoso siya.

"Hala eh ano?! Ibaba mo na ko dito w-wala akong pera, diyan itabi mu na diyan, o-ok na ko diyan. May dumadaan namang jeep diyan eh." Medyo natataranta kong sabi.

wala na kaya akong pera pamasahe ko nalang toh noh. Naubos ko na kanina kakabili ng pagkain. Takaw heheh!

"Hahahahaahahahah ang cute mu talaga." Sabay pisil na naman ng pisngi ko. Nasasanay na ata siyang pisilin ang pisngi ko ah, saket kaya! "Hindi pera noh basta you owe me, nextime na ko maniningil ahahah."

"Ahhh ahahahah kala ko kase pera." Sabay tawa para mapagtakpan ang pagkapahiya konte ahaha! Habang hinihimas ang pisngi ko.

"Masaket ba?" Tanung niya, with worried face.

"Heheh medyo."

"Sorry." Sincere nyang sabi.

"Okay lang." Tapos ngumiti na ako to assure him na ok lang talaga.

Tapos ayun, walang katapusang kwentuhan na naman kame. Tapos sinabi ko kung saan bahay namin, ang bilis lang kase walang trapik. Nakapatay pa ang ilaw sa bahay it means wala pa si tatay. Inaya ko munang pumasok si Andrei pero nextime na daw. Pag alis niya--pumasok na ko sa loob at naghanda ng makakain namin ni tatay. Bumili nalang ako ng lutong ulam sa kanto kase wala na kameng stock sa ref.

Habang hinihintay ko si tatay nanuod muna ako ng balita. Tapos bigla kong naisip si Mr yabang, hahahaah buti naman at di kame nagkikita! :))

Chair ni Denisse na nasira!!

The Happy Go Lucky Guy And The Anime GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon